Chapter Fifty-Eight

3 1 4
                                    

MAGMAHAL ULIT

Naalala mo pa ba ang mga panahing ako'y nasaktan?
Kung umasta ka parang ikaw lang ang nahirapan?
Ba't ka ngayon nagbabalik
Puno pa rin ang puso ko ng pait.

May dumating na tulad niya
"Gwapo siya" sabi nila
Ako naman hindi kasi ayoko pa
Di ko pa kayang magdusa na.

Maraming nagtutukso sa akin na siya na
Bakit parang wala nang kilig sa pusong noon pa umasa?
Ikaw ay nagbalik at siya ay dumating
Di ko kayang agad ulit mahumaling.

Magmahal ulit ay napakahirap
Magmahal ulit ay hindi sapat
Magmahal ulit ay di ko pa kaya
Magmahal ulit ay isasabukas ko na.

THE UNFINISHED DESTINIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon