Chapter Thirty-Nine

3 0 0
                                    

MINSAN

Minsan lang nakakalabas ng bahay
Minsan lang puso'y iniaalay
Minsan lang magsaya
Ako pa rin palaging nagpaparaya.

Minsan o minsan
Wala kang naramdaman
Kahit ba minsa'y pinaglaban?
Ngunit yaong minsan ako'y nasaktan.

Minsan tama, minsan mali
Mga kamay ay nakatali
Bibig ay palaging nakasarado
Ngiti mo lang ang magbubukas nito.

Minsan naisip sa panaginip
Sa ulap ako'y sumilip
Minsan kang kasama
Ngunit minsan ring nawala.

THE UNFINISHED DESTINIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon