Chapter Sixty-Six

5 1 1
                                    

MAHAL PA RIN KITA

Hindi ko man maamin
Ika'y mahal  pa rin
Tumingin sa salamin
Bumalik ang mga alaala natin.

Bakit ba naglaho?
Ngayon puso ko'y bigo
Sinabi lang lahat sa iyo
Agad ka namang lumayo.

Sabi mo walang magbabago
Ba't ngayon hindi ka na kumikibo?
Ganito ba dapat ang maramdaman ko
Ramdam ko ang galit ko sa iyo.

Talaga nga bang bumitaw
Siya na ngayon ang sigaw?
Pusong sa iyo ay umaayaw
Ngayon puso ko'y sa pag-ibig mo uhaw na uhaw.

Kaya bang ibalik lahat?
Pangakong mamahalin kitang tapat
Ikaw lang sa akin ay sapat
Pero paano kung siya pala ang pumulot sa aking mga kalat?

Sana'y hindi pa huli ang iyong pasya
Nandirito pa ako't umaasa
Ayoko nang lumuha
Nais kong sabihing mahal pa rin kita.

THE UNFINISHED DESTINIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon