5: Customer

6 0 0
                                    

Back to work na naman. After naming magkausap ni Faith ay hindi na bumalik sa table namin si Jairo. Nasa office ako ngayon gumagawa ng pay roll sa mga empleyado.

"Maam pinapatawag po kayo ni Boss" asik ni Lovely. Nasa main branch ako ng restaurant naka assigned. Maraming branches ang "Mercedes Dine" name ng restaurant. Agad akong lumabas at tumungo sa office ni Boss.

"Yes sir? Pinatawag niyo raw ako?" Naka upo si Mr. Calumpang sa swivel chair niya at agad na humarap ng mapansin ang presence ko.

"May big time tayong customer, I want you to entertain him" nagnod ako at agad na lumabas. Tuwing may big time customer kami ay ako palagi ang nag eentertain hoping na rin na baka gusto nilang mag negotiate sa business namin. One of our waitress guide me sa table ng customer.

Once I arrived at the table I was shock to see him. I think expect niya ng makita ako ngayon. He's wearing a blue striped tshirt and jeans. He look so simple yet hot. Parang teenager lang.

"So what should I expect from your restaurant? Do you have any specialties here?" Agad ko namang ipinakita sa kanya ang mga menu.

"Our Adobo with pineapple is one of our famous specialties here, you should try it sir. We also have a beef steak with cheese on top of it, I know it may sound weird but it's delicious" ngiting sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin, hindi ko alam kung nakinig ba siya or hindi. Bigla siyang nagsmirk. What was that?

"I'll try both." Tipid niyang sabi sabay de kwatro. I nodded. I was about to go when he held my hand. Oh god my heart is on its race. Lumingon ako, he immediately let go.

"I need another plate. I'll be eating with someone" hindi na ako nagsalita. Tango lang ng tango. Ano ba Darlyn! Umayos ka nga, ano naman kung may ka date siya? Tsk. As if naman affected ako!

After 20 mins ay ready na ang order niya. Inihatid ng waiter ang mga pagkain sa table niya. Napansin kong bumalik ang waiter na parang takot. Ano kayang problema?

"Maam hindi niya raw gusto ang pagkain. Baka po dapat puntahan niyo siya" sabi ng isang waiter namin. Ano raw? Bat hindi niya naman nagustuhan? Nilapitan ko siya sa table niya. And expected niya na naman na darating ako. Nakataas pa ang isang kilay niya habang ngumingiti.

"Excuse me sir? May problema ba kayo sa pagkain?" Mahinahon kong tanong. Chill Darlyn at baka masampal mo ang isang to.

Nagfrown siya "Yes. I don't think I would enjoy my food alone" Huh? Eh hindi naman siya alone, may kadate nga siya. Don't tell me the girl ditch her.

"Pero akala ko ba you'll be eating with someone po sir?" Hindi bagay sakin ang galangin siya, parang hindi kami magkakilala. Urgh!

"Yes but she can't come." Walang paki niyang sabi. Oh sad! Mabuti naman.

Wait what? Did I just said mabuti? I mean hindi sa natutuwa ako ha kasi hindi ako natutuwa na hindi matutuloy ang date, paki ko ba sa kanila?

"So hmm" paano ba to? Don't tell me ibabalik niya samin ang inorder niya? Sa yaman niya ibabalik niya pa!

"So you'll be eating with me" I'll be eating with what?! With him? NABABALIW NA BA SIYA?! Anong gimik na naman kaya ang nasa utak nito. Isa pa ano ako option?!

"Sir I'm working." Tumaas ulit ang kilay niya. As far as I remember he usually does this before tuwing nag aasaran kami. Oh c'mon Darlyn! You are bringing up the past again.

"Then I want to talk to your boss" Before pa niyang puntahan si boss ay agad na dumating ang gusto niyang kausapin. Pansin sa mukha ni boss na galit siya.

"Is there any problem Mr. Regalado?" Asik ni boss. Abat ang sama pa ng tingin sakin! Inaano ko ba tong Mr. Regalado niya!

"Well I think your employee doesn't want to entertain me. I just want her to eat with me so that we can talk and plan about branching another business of yours pero parang ayaw niya yata eh" paawa effect pa! Kutongan ko siya dyan eh! Tyaka wow lang, yon na siguro ang pinakamahaba niyang nasabi na narinig ko. Is he planning to invest or negotiate with our business? I mean business ni Boss.

Agad naman na kumislap ang mga mata ni boss at bigla biglaan akong pinaupo.

"Ay naku Mr. Regalado gustong gusto ni Darlyn na kumain kasama kayo. Upo ka na Darlyn" Ang galing lang ni Boss! Ibenta ba naman ako sa ex ko?!

"Umayos ka dyan Darlyn ha?!" Bulong ni boss na may dalang pambabanta. Hooh! Para sa work. Kaya ko to! Aja fighting. Napatingin naman ako kay Jairo na nakangiting aso. Hindi ko alam kung anong plano niya pero isa lang ang naiisip ko. This is not good!!

"Bibigay ka rin pala" Ngiting sabi pa niya. Naiinis na ako sa kanya. Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya!

"Excuse me? Napilitan lang po" asik ko sabay irap. Masyadong feeling. Nagstart naman siyang kumain ng adobo. Tumango tango pa na parang nasasarapan sa lasa.

"This is good!" Sarap niyang sabi. Kain lang siya ng kain ng mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

"Aren't you gonna eat?" Umiling ako. Wala ako sa mood kumain dahil naiinis ako sa kanya.

"I'm not hungry" tipid kong sagot. Nagnod siya at hinayaan akong tingnan lang siya habang kumakain. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami ulit after 4 years. Nang matapos siyang kumain ay ipinabalot niya ang mga tirang pagkain.

"These are for kids outside. Nakakaawa wala silang makain" He sincerely said. Sa dami ng pinagbago niya, nasa kanya parin yong good side na minahal ko't pinagmalaki ko. He is still my Jairo.

A One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon