20

315 16 10
                                    

Lian's POV

Nagising akong maliwanag na sa clinic room, at may kamay na nakabalot sa akin. TANGINA

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Yakap ako... Ni Dongpyo. Sandali, nakatulog kami ng ganito? Ano bang meron, bakit bigla syang nilagnat kagabi? May trauma ba sya sa dilim?

Bahala na. Narinig ko namang sumara yung pinto kaya dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Dongpyo sa tabi ko. Ang cute nya pag natutulog, grabe. Lalo ko syang nagugustuhan. Mukha syang baby.

Akala ko may pumasok? Or baka naman lumabas? Ay pucha, may nakakita ba sa aming dalawa sa sitwasyong iyon kanina? OH MY GOD

Binuksan ko yung phone ko at nakitang 7:04 na pala ng umaga, at ang dami kong notifications. Binuksan ko agad yung message ni Miya, at lumaki ang mata ko sa nakita ko. 'Pagpasok ko sa clinic, nakita ko kayong natutulog na magkayakap kaya I took a picture. Kiligin ka sana.'

TANGINA NI MIYA NAPAKATALINO OMG

Natawa ako sa nakita ko. Seryoso ba 'to? May picture na kami ni Dongpyo na natutulog sa isang kama PUTA KINIKILIG AKO!

Nagulat naman ako nung naramdaman ko yung pagbangon ni Dongpyo. "What's that?" Tanong nya. Nilingon ko sya habang seryoso syang nakatingin sa akin. "Don't tell me you took a picture of me habang natutulog?"

Umiling ako bigla. Sorry, ang aga mong gumising kaya hindi ko na nagawa yun. "Patingin. Akin na yang phone mo." Sabi nya at inabot yung phone ko. Agad ko namang nilayo-- tangina baka makita nya yung picture namin na sinend ni Miya!

"W-wala 'to, promise! Hindi ikaw 'to!"

"Hindi ako naniniwala, ibigay mo sa akin yan!" Sabi nya at tuluyang inabot yung phone ko. Inilayo ko naman habang sinusubukan pa rin niyang abutin, hanggang sa nahulog kaming dalawa mula sa kama at...

Aksidenteng nagkadikit yung mga labi namin.

Akin Ka Na Lang | S. DongpyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon