22

320 12 8
                                    

Pyo:
Katabi lang kita ulit
ngayon dito sa bus

Pyo:
Pero hindi ko masabi...

Pyo:
Sorry dun sa kahapon
nung umaga sa clinic

Lian is typing...

Lian:
Okay lang

Lian:
Ako nga ang dapat
magsorry

Lian:
Babae pa tuloy yung
nahalikan mo

Pyo:
I didn't complain tho

Pyo:
I mean

Pyo:
Okay lang kahit babae ka

Lian:
Tangina | deleted

Lian:
Sana pala lalaki na
lang ako | deleted

Lian:
HAHAHAHAHAHA
HAHAHAHAHHAHA

Pyo:
Pero

Pyo:
Nakakakaba pala

Pyo:
Ganun pala yung feeling

Lian:
Ng kiss? First kiss
mo ba yun?

Pyo:
I think?

Pyo:
Basta, ang weird pala

Pyo:
Sobra palang lalakas
yung tibok ng puso mo

Pyo:
Tapos wala kang ibang
makikita kundi yung
mata nung taong
nahalikan mo

Lian:
Gago ka

Lian:
PUTA BAKIT
NAGSEND | deleted

Pyo:
tangina bAKIT NAMAN?

Pyo:
Ang creepy na ba ng
mga sinasabi ko?

Pyo:
Sorry ulit!

Lian:
Huy hindi, mali yon,
wag mong pansinin

Lian:
Gago ka kasi pinapakilig
mo ako | deleted

Lian:
Oo nga tama ka sa
sinabi mo, ganun
pala yung feeling

Lian:
Parang mawawala ka
na lang bigla sa sarili

Pyo is typing...

Pyo:
Lian, ayaw mo ba sa
mga bakla?

Lian:
Huh? Ok lang

Lian:
Supporter naman ako
ng LGBTQ+ at same
sex marriage

Pyo:
Ang ibig kong sabihin,
wala ka bang interes
sa mga taong hindi
straight?

Lian:
Meron

Lian:
May crush akong
hindi straight. Masama
ba 'yun?

Pyo:
That's a relief

Pyo:
Hindi ko maexpress,
pero salamat talaga sa
pagdamay mo sa akin
sa retreat na 'to

Pyo:
You did something to
me... To my heart | deleted

Pyo:
You made me feel better

Lian:
I can make you feel
even better | deleted

Lian:
Of course! Wala yon,
vaklang toh! Kahit ayaw
mong magsalita sa
personal, nararamdaman
ko yung sincerity mo.

Pyo:
Malapit na tayong
bumaba ng bus. We
need to prepare.

Lian:
Sige. Just pretend na
walang nangyari, ako
ang bahala sa'yo. Don't
worry about anything.

Lian:
Hindi kita kakausapin
sa personal kasi sa tingin
ko ay hindi ka natuwa
sa nangyari satin | deleted

Lian:
Pero ako... Sobrang
saya ko | deleted

Lian:
At sobrang lungkot
ko din na hanggang
dito lang ako | deleted

Akin Ka Na Lang | S. DongpyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon