07

411 15 13
                                    

Lian's POV

"Talagang nagpa-late kang bwisit ka," bulong sa akin ni Dongpyo habang ni-lilead ko sya sa kwarto ko. Oo, nagpalate ako kasi gusto kong gumanti sa kanya. "Pasalamat ka, nagreply sa akin si Yohan ngayong araw kaya good mood ako." Dagdag pa nya.

Umirap lang ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko para sa kanya. "Pasok na, baka makita ka pa ni Kuya Wooseok. Baka isiping nagdadala na ako ng lalaki sa loob ng kwarto ko."

Pumasok sya at lumingon sa paligid. Mukhang na-amaze pa sya sa pink kong kwarto. Mahilig kasi ako sa pink kaya puro pink lahat ng bagay. "Sabihin mo kay sir Wooseok, mga girls lang ang pinapapasok mo sa kwarto mo, kaya wag syang mag-alala." Umupo si Dongpyo sa lapag kung saan nakalatag na din ang lamesang gagamitin namin sa paggawa ng miniature na Eiffel Tower.

Tss, baklang bakla ang putek. "Pinsan ko lang si Kuya Wooseok, pero namana ko yung kagandahan niya. Bawal umangal, adviser mo din sya. Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo sa akin."  Napansin ko yung kulay dilaw nyang jacket na suot nya--may ganun din akong damit. Buti na lang at hindi ko sinuot ngayong araw. Ipagyayabang ko pa sana eh. Dahan-dahang inilapag ni Dongpyo yung mga gamit na kailangan namin para sa project. Sa totoo lang, natutuwa ako na nangyayari 'to.

Ngayon ko lang din narealize na ang liit pala talaga ni Dongpyo. 5'4 yata sya, at ako naman yung 5'3. Lalo tuloy akong nainis dahil mas mukha pa syang bata kaysa sa akin. "Okay, magsimula na tayo."

Sinimulan na nga namin yung pagcut at pagdidikit ng mga toothpicks para makabuo ng eiffel. Aaminin ko, hindi sya madali. Nakailang ulit din kami bago namin natapos yung miniature. Dahil pareho naman kaming masipag ng baklang 'to, ang ganda talaga ng kinalabasan ng trabaho namin.

Humiga ako sa lapag sa pagod at huminga lang ng malalim. "Ah! Sa wakas, tapos na!" Sigaw din ni Dongpyo bago niya inilapag yung ulo nya sa lamesa. Pumikit lang ako at hindi sya tinignan. Ang cute talaga ni Son Dongpyo.

Medyo matagal din kaming nagstay sa ganung sitwasyon, dahil pagod kami. Naisip kong umupo at baka kumuha na din ako ng snacks para sa aming dalawa. Nakita ko sa phone ko na 4:30 na pala, at ang dami nang messages ni Miya. Binasa ko yung iba at tumawa lang ng bahagya. "Dongpyo, kukuha lang ako ng makakain, dito ka la--" Paglingon ko sa lamesa ay isang tulog na tulog na bata lang ang nakita ko.

Tulog na ba talaga sya? Lumapit ako ng dahan dahan at bumulong. "Huy bakla!" Sabi ko ng mahinahon, pero talagang hindi na gumagalaw si Dongpyo. Ngumiti lang ako sa nakita ko. Ang haba pala ng pilik mata nya, tapos ang kinis nya. Bakla talaga amputa.

Pano ko ba hindi napansin noon, or naisip man lang na ganito ka? Isang taon din kitang wallpaper, pero hindi ko talaga naisip na baluktot ang sekswalidad mo. Lumipat ako sa school na 'to dahil sa'yo, tapos ganito lang pala ang mangyayari sa atin. Crush mo pala yung best friend ko, tapos ako pa ngayon yung tinatarayan mo dahil dun. Hay naku.

"Kung pwede lang sana, iingatan ko naman yung puso mo." Mahinang-mahina kong sabi, bago ako ngumiti. Sana lalaki ka na lang, para akin ka na lang.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan sya ng picture. Hindi naman nya malalaman dahil tulog na tulog sya, kaya tuwang tuwa lang akong nagcacapture sa iba't ibang anggulo.

Tumigil ako sandali dahil habang nagpipicture ako ay nagchat bigla yung bwisit kong kaibigan na si Miya. Kanina pa sya active ha, medyo nakakainis.

Binuksan ko yung message nya at natawa na lang. Nagsesend sya sa akin ng pictures ni Yohan--oo, crush din nya si Yohan. Binuksan ko yung send ng picture at hinanap yung ibang derp pics ni Yohan, pero sa hindi niaasahang pagkakataon...

Fuck, nasend ko yung picture ni Dongpyo! Anong gagawin ko?!

Akin Ka Na Lang | S. DongpyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon