12

349 16 10
                                    

Lian's POV

Umakyat ako sa bus habang dala yung bag kong mas mabigat sa ineexpect ko. Syempre hindi naman ako nagpahalata na nahihirapan ako. Nung makaakyat ako ay nagsimula akong tumingin sa paligid at maghanap ng  bakanteng upuan. Tangina, puro couples sa harapan kaya agad akong dumiretso sa gitnang part dahil wala na ngang space dun sa una.

Dahan-dahan kong nilingon yung paligid ko at nakitang may free space sa tabi ni Dohyun. Lumapit akong bigla. "Dohyun, may katabi ka na ba?"

"Um, si Jinwoo sana, hehe. Hindi pa sya dumadating." Agad nyang sagot sa tanong ko. Ngumiti lang ako at tumango. Ah, taken na.

Naglakad pa ako at saka nahuli ng mata ko si Dongpyo na kumakain ng Piatos na mag-isa. Wala syang katabi? Akala ko ba ang sinbai nya kay Wonyoung ay may katabi na sya?

Lumapit ako agad. "Huy, taken?" Lumingon sya sa akin at  umiling. "Wala. Bakante, free, single pa. Upo na." Sabi nya habang patuloy na nginunguya yung chichirya nya. Ngumiti ako at agad na umupo. TANGINA ANG SWERTE KO

Binaba ko yung gamit ko sa lapag at huminga ng malalim. Okay, retreat na namin. 7 months din akong naghintay para dito! Humanda ka Dongpyo gagawin kitang lalaki mamayang gabi

Nilingon ko sya at ngumiti lang. Nasa may bintanang part sya, pero lumingon sya agad sa akin at inabutan ako ng piatos. "Thanks!" Sabi ko bago ako kumuha. Omg, ang cute namin.

Maya-maya lang ay nagring yung phone ko, at tumatawag na nga si Miya. Sinagot ko yung tawag habang nakangiti. "Oh, bakit tumawag?"

"Paalis na, asan ka na ba? Ikaw na lang yata yung kulang, akala ko ba paakyat ka na?"

"Nandito na ko kanina pa, katabi ko si Dongpyo."

Tumahimik sya ng ilang segundo bago nagsalita. "Gaga ka pano mo ginagawa yan?"

"Ewan ko, basta nangyari lang. Mamaya ka na nga." Agad kong ibinaba yung tawag at ngumiti lang. Kinikilig talaga ako. Lumingon ako sa katapat namin na upuan at nakita si Eunsang na nakatingin sa akin.

Oops. Agad akong nag-avoid ng eye contact. Ang gwapo nya sa yellow shirt nya. Pero ang weird kasi ng tingin nya eh, baka mamaya type nya pala ako. Paano ako magiging loyal kay Dongpyo nito?

Bahala na. Hindi nagtagal ay umandar na ang bus at nagsimula nang magdiwang ang lahat sa loob ng bus na 'yon. Tatlong bus ata ang meron kami, dahil tatlong sections ang grade 10. Ewan ko ba, pero may maganda talaga akong feeling sa retreat na 'to.

Akin Ka Na Lang | S. DongpyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon