chapter 1

16 5 0
                                    


Naka-tingin ako ngayon sa harap ng salamin ko naka-bihis na at handa ng umalis ang kaso iniisip ko kung papasok ba ako  o hindi pero mapapa-galitan ako for sure at wala pa akong madadahilan.At isa pa hindi pa ako nakain.

"Coleen baba na at kakain na malalate na kayo nyan sa kabagalan nyo."narinig ko na Sabi ni nanay sa labas ng pinto.

Actually maaga naman talaga akong nagising exited pa nga kasi first day ng pasukan kaso ng habang naliligo ako bigla ko na lang naisip yung lalaking yon at nawalan na ako ng gana.

Napa-buntong hininga na lang ako at Kinuha ang bag ko para bumaba na upang makaka-kain ayaw ko naman umabsent ng dahil lang sa kanya no saka isa pa last year ko na naman sa high school kaya tiis-tiis lang wala naman na akong magagawa.

"Good morning."ani ko ng maka-baba na ako ng hagdan at nadatnan ko sina tatay at nanay kasama ang tatlo kong kapatid na lalaki sa dining table namin.

"Kumain ka na habang wala pa si sydney nag hihintay nasi Mang Ben sa garahe." ani ni kuya Paul sa akin na may matalim na tingin sa akin.Hays ano na naman kayang ginawa ko?

Hindi ko na lang Siya pinansin at kumain na lang.

"mag-text na lang kayo kay manong Ben para masundo kayo sabihin nyo na lang ang mga schedule nyo o mag-text kayo para masundo,mag-iingat kayo ha." ani ni tatay sa amin ni Sydney na kakababa lang, may trabaho kasi si tatay pati na sina kuya kaya malabo kaming masundo tapos si nanay naman may Coffee shop.

Tumango na lang ako at tumayo na saka Lumapit sa tabi nila tatay upang hagkan sila sa pisngi at lumakad na papunta ng garahe dun ko na lang hihintayin si Sydney.

By the way my name is Allen Coleen Monrovia,15 taong gulang may tatlong kapatid na lalake at isang babae na high school at Siya ang bunso sa amin,Grade 10 na ako at grade 7 naman ang kapatid kong bunso.My father is the owner of Monrovia Architecture  Firm at Hotels and Restaurants and My Mother is the owner of Bitter Coffee shop and if nag-tataka kayo kung bakit 'nanay at tatay' ang tawag ko sa kanila is because naka-sanayan ko na actually ako na lang ang na tawag sa kanila ng ganyan eh.

Nakita ko na si Sydney at mang Ben na papunta dito kaya umayos na ako ng upo.

"Hindi mo man lang ako hinintay ate ang sama mo." ani ni Sydney ng maka-pasok sa sasakyan at may inabot sa akin na lunch box at isang paper bag.

"Ang bagal mo kasi anong gusto mo hintayin kita mag-damag?"ani ko sa kanya na ikina-Irap naman ni Sydney na animoy hindi ko nakita dukutin ko mata nya eh.

"Ibigay mo daw yang naka-paper bag kay kuya Cairo at naiwan mo yang lunch box na ginawa mo."Sabi nito

"Agang-aga ang sungit!meron kaya to ngayon?"

May sinabi Siya na hindi ko naman narinig kaya binalewala ko na lang at inabala na lamang ang aking sarili sa pag-tingin ng tanwin sa labas.

****

Maya-maya pa ay naka-dating na kami sa tapat ng school kaya bumaba na ako at lumapit sa tabi ni Sydney.

"Mag-text ka na lang mamaya kung nasa parking lot kana para hindi na kita hanapin pa ingat ka." ani ko kay Sydney na humalik naman sa pisngi ko at umuna na ng pag-lalakad.

Nag-lakad na ako papunta sa building ng grade-10 ng biglang may taong yumakap sa akin.

"Miss you bessy!Tara na kanina pa sila nag-hihintay sa taas,buti na lang nakita kita no?"ani ni Jazlene sa akin sabay angkla ng kanyang braso sa akin at hinila na ako ni hindi man lang ako pinag-salita ng bruha.By the way her name is Jazlene Belgrande one of my best of friends here in school,apat kami actually.

"Buti naman naka-dating na kayo ano?akala mo naman hindi pa alam itong school tss babagal."ani ni Margot sa amin sabay Irap ng ma karating kami sa room namin.

"Sus.akala mo din naman maliit tong school e ang laki-laki nga ei!"bulong ni Jazlene sabay ismid na animoy hindi narinig ng isa kaya naman ng maka-lapit si Margot ay pinitik nito ang bibig ang daldal kasi.

"Dalian nyo na lang dyan at may flag ceremony pa tayo."mahinay na Sabi sa amin ni Celine ang isa ko pang kaibigan na animoy sobrang hinhin.

Hinila na kami ni Margot ang pina-hyper sa amin at ng makita na namin ang Pila namin ay pumila ba kami marami na rin kasi ang mga estudyante na naka-pila.

"Ang aga ng lovey doves mo kanina."sa bigla ko ay bigla ko na lang nahampas sa mukha si Celine na siyang bumulong sa akin.

"Ba't kaba nang-hahampas ha!?binalitaan na nga kita e."bulyaw nito sa akin aba't naging kasalanan ko pa eh kung hindi Siya diyan nam bibigla e ang creepy niya talaga minsan.Hinila ko na lang Siya at nag-sorry.

Umayos na kami ng tayo ng mag-simula na ang flag ceremony kaya naman hindi na ako naka-usap pa ni Celine mamaya na lang ano?may recess pa naman.

Ng matapos ang flag ceremony ay tumuloy na kami sa room wala ang teacher namin ngayon dahil may meeting silang lahat kaya nag-iingay yung mga kaklase ko ngayon.

"Nakita ko sya kanina ang gwapo grabe!"ani ni Margot habang kumakain ng kung anong hindi ko alam na pagkain sa tabi ko kaya naman napa-harap bigla sa amin ang dalawa na nasa unahan lang namin.

"Ibibigay ko nga tong ginawa kong pag kain mamaya kahit wag nyo na ako samahan ok lang." ani ko sa kanila na ikinairap naman ng mata ni Celine.

"Sasamahan ka na namin para moral support."tawang Sabi ni Jazlene sa akin.

"Hindi ka pa ba titigil coleen?it's been a years na rin naman." ani ni coleen sa akin na straight face ang mukha ang taray diba?

"Last na naman to ilang buwan na lang din naman at hindi ko na Siya makikita kaya ok lang Malay mo naman pansinin na ako at mabigyan ng pansin ang aking pag-ibig." ani ko sa kanila sabay ngiti.

Alam ko naman na hindi niya ako papansinin kahit pa na kaibigan sila ng pamilya ko pero Malay mo naman diba?wala namang masamang umasa kahit na nakaka-pagod din pero Keri lang as long as humihinga ako Laban lang lols.

***

Fall  COMPLETEDWhere stories live. Discover now