chapter 12

4 3 0
                                    

I woke up very early because we're going to church and because it's Sunday sabay-sabay kaming pupunta ng simbahan nina Tita Lorie mom ni Aero but of course sa simbahan na lang kami magkikita at sa bahay din nila kami magla-lunch, means makikita ko na naman siya.

After taking a bath she step out from her bathroom and walk towards her walkin closet.

Coleen wore a simple yellow knee-length skirt with a bow and a sleeveless black  croptop saint Yves Lorent. And a kitten heel para sa paa nya.

Kinuha ko ang sling bag ko na ang laman lang naman ay ang cellphone ko at ang wallet ko I think I don't need to retouch kaya hindi na ako nag dadala ng pang retouch. hindi ko na naman na kailangan mag ayos ng sobra tutal sa simbahan lang naman ako pupunta.

Lumabas na ako ng kwarto ko at tumungo sa may Salas. Pag kababa ko ng hagdan ay wala pang tao miski isa. Umupo ako at agad na tumingala sa may kisame nag-iisip ng kung ano-ano.

Makikita ko siya mamaya, pano yon baka ang akward ng atmosphere mamaya. Medyo naiilang pa kasi ako sa kanya pag-katapos nung paguusap namin. Pero dapat siya ang mag isip nito at hindi ako? Siya din dapat ang maakwardan at hindi ako. Saka bakit ko ba siya iniisip, diba dapat kalimutan ko na siya.

Ateng kung makalimot ka naman diyan akala mo naman may pinag-samahan talaga kayo e ano? Gaano kalalim? Hindi yata ako nainform beh?

Kung pwede lang sana tanggalin ang panirang subconscious na to naku! Baka matagal na'tong wala dito. Ang harsh naman daw kasi.

Pero tama nga din naman halos wala din kaming pinag samahan ano lang ba kami? Friend lang naman ng nanay ko ang mommy niya at madalas siyang snob, ang ka-close niya lang talaga ay sina kuya, siguro dapat naging lalaki na lang din ako, napangiwi ako sa umiling ng ilang beses. Gross. Hindi ko kaya ang mga pinag-iisip  nila seriously. Iniisip ko pa lang na kailangan ko na mag-patuli naiiyak na ako.

Nawala lang ako sa pag-iisip ng may bumatok sa akin, ang lakas ng loob ng puts. Tumingin ako sa may likod ko at nakita ko si kuya Seven sobrang laki ng pagkaka-ngisi. Sinamaan ko ito ng tingin saka hinampas sa balikat.

"Grabe ka naman Coleena ang sakit nun a! Ano bang akala mo sa kamay mo bulak? e kasing bigat yan ng dalawang encyclopedia e!" Sabi nito na sobrang sama ng pagkakatingin sa akin, akala mo naman hindi masakit ang pagkaka-batok niya tsk.

"Para fair." Sabi ko at sumabay na kay kuya Steven ng makita itong palabas ng pinto. Tiningnan ko naman si kuya Seven na animo' laser ang mga mata, siguro kanina pa akong abo dito.

Sumakay ako sa sasakyan namin na kami lang dalawa ni Sydney ang sakay, hinintay lang namin ng isang segundo si Sydney at umalis na din kami.

"Are you okay? I heard the news from ate Margot so don't lie, I won't tell to mom and dad, I'm sorry im too busy to ask you." She said and rest her head into my shoulder.

Napangiti ako saka pinat ang braso niya. She's not always like this, pero sanay naman na ako sa kanya.

"I understand. Don't worry I'm a little bit ok, moving on kahit na hindi naman naging kami."

"I'm always here remember that ate." She said and smile sweetly at me.

I kissed her head as a response. She really is sweet one when she wants to. And I'm so thankful to have her as a sister. Hindi man sya ganun ka showy atleast nandyan sya kapag kailangan ko sya.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng simbahan kaya humiwalay nasa akin si Sydney at nag-patiuna nang lumabas ng sasakyan na animo' walang nangyari kanina. I understand. Nahihiya lang yan kaya ganyan.

Fall  COMPLETEDWhere stories live. Discover now