chapter 2

18 4 6
                                    

Break time...

Yahh to do ngiti ako ngayon kasi exited na akong ibigay tong pagkain na ginawa ko para sa kanya nag effort kasi ako dito kaya sayang pag hindi niya to tinanggap.

"Tara na bessy puntahan na lang natin sa office ng students council malamang nandun na naman yun alam mo naman si lovey doves mo!"ani ni jaz sa akin yung dalawa kasi umuna na sa canteen hindi man lang ako sinamahan hays.

Hinatak na ako ni jaz habang hawak ko naman ng mahigpit ang lunch box syempre baka mahulog hindi mo naman lilimutin tsk.

Nang Maka-akyat na kami sa third floor ay sinilip ko ang pintuan tinitingnan kung nandun ba sya pero parang wala naman e sayang kasi hindi ko sa maibibigay tong food pero pwede ko naman ilagay na lang sa table niya para Makain pa rin niya pati na rin yung cup cakes na gawa ni nanay kanina na naka limutan Ko na .

"Uy,coleen ikaw pala hinahanap mo ba si Cairo?Halika pasok muna kayo inutusan kasi ni mam e hintayin nyo na lang sige mauna na ako ." ani ni Warren sa akin kung nag tataka kayo kung bakit ko kilala?madalas kasi ako dito dahil kay Aero kaya sanay na rin sila sa akin.

"Hi coleen buti na lang nandito ka baka sakaling mapa lamig mo ang ulo ni Cairo ang sama kasi ng aura niya eh nakaka takot." Sabi pa ng isang student council sa akin na busy sa kanyang ginagawa kaya hindi maka tingin sa akin well sana naman mapa lamig ko nga ang ulo niya at kung nag-tataka kayo kung bakit Aero ang tawag ko sa kanya is because ako lang ang tumatawag sa kanya non para special diba?Saka rhyme naman.

"Bessy pagka-bigay mo alis na tayo ha feeling ko din hindi maganda ang aura ngayon ni Cairo alam mo na sibat na tayo pagka-bigay mo pero ngumiti ka naman para medyo gumaan yung atmosphere ha."bulong na Sabi sa akin ni Jaz sa tabi ko na may kinakain na naman kahit kailan talaga tsk.

Maya-maya lang ay biglang nag-bago ang atmosphere ng may pumasok na hindi ko naman tiningnan dahil nakatitig ako sa hawak kong lunch box ang isipin pa lang na tanggapin niya ito ay nakaka-kilig na Hays grabe...Kaso biglang Nasira ang ngiti ko ng may maramdaman ako na sumisiko sa akin kaya tiningnan ko si jaz sa tabi ko at tiningnan Siya ng matalim ang sakit kasi eh akala mo naman hindi matulis yung siko niya grabe.

"Ehem"

Biglang may tumikhim sa harap ko kaya napa-tingala ako sa tao na yun at bumalik naman ang ngiti ko mas malaki kesa sa kanina.

"Uhm magandang umaga Aero ito o ginawa ko para sayo tapos may pinabibigay din si nanay para sayo iyo mag-tira ka daw para maibigay mo kina tita mamaya."ani ko sa kanya sabay tingin sa mata niya at ngumiti pa ng pagka-lakilaki grabe ang tangkad niya talaga at ang gwapo pa kahit na ilang metro ang layo niya sa akin ay naamoy ko pa rin siya dito hays grabe kung pwede ko lang sana itanong sa kanya kung anong pamango ang gamit niya tinanong ko na sana dibale na itatanong ko na lang kay Caileigh mamaya close naman kami ng bata na yun kahit na may pagka masungit.

"Ahem sige salamat dito saka pasabi na lang kay tita na salamat din kamo pano una na ako may gagawin pa kasi ako." aniya sabay kuha sa kamay ko ng paper bag at ng lunch box at Nag-lakad na papunta sa table niya,medyo tumabingi naman ang ngiti ko pero hinarap ko pa rin siya at ngumiti ulit kahit na gusto ko na tanggalin ang ngiti ko nakaka-ngalay ng panga at cheek bones pero Keri lang.

"Uhm sige welcome enjoy ka sana una na kami ah."ani ko sa kanya pero tinanguan lang niya ako habang Naka-tingin sa binabasa niyang papel tumango na lang ako at hinatak na si jaz Palabas ng room

Pag-kalabas na pagkalabas ko ay binatawan ko na ang ngiti ko at huminga na lamang ng malalim at hindi na ngumiti pa ulit dahil baka maiyak na lang ako bigla ayoko naman mag-drama dito sa may corridor attention seeker lang ang peg?

I feel a pat in may back kaya naman tumingin ako kay jaz na nakatingin na sa akin ngayon na may malamlam na mata na animoy nakiki-simpatya sa akin ngayon.

"OK lang yan bessy masama ang mood eh sanay ka naman diba?iyak ka lang nandito naman ako wala pa kasi yung dalawa pero mamaya tatlo na kami kaya pwede ka na mag-mukmok."ani niya sa akin na ikinatawa ko naman baliw.

Aaminin ko mabigat dito sa dibdib ko pero wala akong magagawa saka Tama naman si jaz sanay na ako ikaw ba naman ang mag ka-crush sa kanya ng ilang taon actually nag-umpisa ito nuong grade 4 ako at nag-patuloy na hanggang ngayong high school kami kahit na friends ang family namin hindi naman kami friends at saka pinapansin niya lang ako pag nandyan yung family namin nahulog ako kay Cairo Hamburg na hindi naman ako napapansin pero Malay ko sa pag-alis ko makalimutan ko Siya at makakita ng iba.

"Hoy!ano kamusta naman tinaggap ba?"

Napatingin naman ako sa nag-salita na kaharap ko na pala hindi ko man lang napansin dahil masyado akong natulala kanina

"Ayun tinaggap naman kaso snob pa rin pag-katanggap parang wala lang."sabi ni jaz nasa halip na ako ang sumagot ay inunahan na ako.

"Ay grabe savage well hindi ka pa naman nasanay dun wag ka na malungkot friend ok lang yan." ani ni Margot pampalubag loob sa akin Hays sabagay sanay na naman ako it's just my expectation kaya nasasaktan ako.

"Kain ka na lang friend here your favorite pasta and fries." ani ni Celine hindi pa nga ako nakaka-tango ay isinubo na sa akin ang isang tinidor ng pasta sabay pasak sa akin fries parang ewan lang tsk.

"Paka-busog ka na lang friend." ani ni Margot sa akin sabay tapik sa balikat ko.

Hays mas mabuti pa nga na kumain na lang kesa naman sa mag isip pa tungkol dun sa crush ko na yun.

Mahal mo naman

Sabi ng utak ko.



***

Fall  COMPLETEDWhere stories live. Discover now