CHAPTER 4

1 0 0
                                    

Sabay kaming umakyat ni Dince sa 2nd floor ng SMA building, sa kabilang section naman sya na katabi lang ng classroom namin.

Ninakawan muna ako ng halik ni Dince sa pisnge at tumakbo papunta sa classroom nila. Inis akong sumigaw ng
"MONGOLOID KA TALAGA DINCE!" at iritadong pinunasan ang pisngi ko na hinalikan nya.

Pumasok na ko sa room, at as usual daldalan pa rin ng mga kaklase ko ang nadatnan ko.

"where have you been beshie?"
Tanong saken ni Rahya ng mapansin nya ang pag pasok ko.

"Glutton problems" sabay abot ko ng shawarma at pineapple juice sakanya.

"nag kita kayo ni Dince?" Simpleng tumango lang ako at nag tungo sa upuan ko at umub-ob sa desk ng armchair.

Napansin ko na lang ang biglang pagkatahimik ng paligid ko at nakatulog pala ako, kyuryoso kong iniangat at ulo ko, pikit ang isang mata dahil walang maingay.

Napadiretso ako ng upo ng saktong pag angat ko ng ulo ko. Lahat ng kaklase ko'y pugo't ang ulo. I stiffened.
Before I could move an inch and held Lowrey's shoulder. May biglang humawak sa kamay ko at pinutol ito kasabay ng pag ngisi ng isang lalakeng nakakapang hilakbot ang tingin at ngisi sa mukha, napa sigaw ako.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

*SLAP*

"BESHIE!"
"AINHA!"

bumalik ako sa ulirat ko at napansing nakatingin sakin ang lahat. Napabaling ako sa yumuyugyog saken.

Agad ko itong niyakap.

"Beshieee.. nananaginip ka... kanina kapa sigaw ng sigaw.. kaya sinampal na kita.." wika ni Rahya at niyakap ako pabalik.

"Are you O.k? Ano napaginipan mo?" Tanong ni Lowrey sakin.

hindi ko sila parehong sinagot at nanatiling nakayakap lang kay Rahya..

Maya maya'y may mga mabibilis na yabag kaming narinig.. naramdaman kong humiwalay sa pag kakayakap saken si Rahya, at pamilyar na amoy ng pabango ang nalanghap ko.

"Hey, what happened?" Tanong nito sa akin.

"D-Dince.." sabay iyak ko..
Agad nya kong niyakap..
Tahimik akong umiiyak sa balikat ni Dince. Ipinaliwanag ni Lowrey at Rahya kung ano ang nangyare.

"Hussh now, Ae. Its just a Nightmare.. Nightmares don't really happen.." wika nito. Humigpit lang ang yakap ko sakanya.

Pag kalaon ay umokey na ang pakiramdam ko.. Its already 10:30 am
At hindi umalis sa tabi ko si Dince, kayt anong klaseng pagtataboy at pag papabalik ko sakanya sa room nila ay ayaw nya, hawak nya lang ang medyo nanginginig ko pang kamay.

Since canceled ang Morning class. Ok lang naman na nandito sya sa classroom namin, dati naman nyang classmate ang iba sa mga classmate ko kaya hindi naman awkward, tropa din sila ni Lowrey at Pinsan nya si Rahya.

"Takte nilalanggam na kami dito Ainha, nakakainis na kayo ah" wika ni Jhen na katabi ni Lowrey sa unahan ko.

"Inggit ka na naman? Sagutin mo na kasi si Jeys, Jhen." Panunuya ni Lowrey kay Jhen. Inirapan lang sya nito at nag pout.

Napatawa na lang kami.

"Eh ikaw Lowrey? Kelan mo liligawan si Rahya?" Tanong ni Dince. Ngumisi lang si Lowrey at tumingin kay Rahya, agad naman tong nag iwas ng tingin na nakatingin din pala kay Lowrey.

Nag high Five naman ang dalawang ugok sa reaksyon ni Rahya.

I tsked. At nag pasyang ilabas ang headphone ko at nag soundtrip.

Sumandal ako sa upuan ko at ipinikit ang mga mata, pinagsalikop naman muli ni Dince yung kamay naming dalawa, at napamulat ako ng naramdaman ang pag dampi ng labi nya sa labi ko. Mabilis yung nangyare at saktong pag mulat ng mata ko ay nasa pintuan na sya.

"MONGOLOID KA TALAGA DINCEROUS VIENNE LACARTE!!" ngumisi lang ito at kumaripas papunta ng classroom nila.

Nag tawanan lang ang mga classmate ko, at back to their monkey bussiness.

Inilabas ko ang cellphone ako at sinet sa Shuffle mode ang playlist sa Cellphone ko at muling pumikit.

Maya maya'y may nararamdaman akong kumukulbit saken.

"Tigilan mo ko Lowrey" usal ko na inaakalang si Lowrey ang nangungulit.

Huminto ito at nangulbit muli.

"Puta ano ba?!" Sabay mulat ko ng mata at nakitang si Charlotte ang kumukulbit. Nagulat ata sa biglaang pag mumura ko.

"Ma-- May nag papabigay sa-sayo.." sabay abot sakin ng tiniklop na papel. Pinilas pa ata sa Notebook to. Sabay alis ni Charlotte.

"Ang sungit mo.." sabi ni Lowrey at muling nakipag usap kay Jeys na nasa unahan nyang upuan.

Binuklat ko naman yung papel na ibinigay saken..

Feeling ko, tinakasan ako ng dugo sa mukha, nakaramdam din ako ng panlalamig at pag tayo ng mga balahibo ko dahil sa nabasa ko.

The Black ParadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon