CHAPTER 3

1 0 0
                                        

napansin ko na lang na sumasabay na pala sa pag lalakad ko si Lowrey papuntang classroom namin sa ikalawang palapag ng SMA BUILDING.

Di ko pa pala nasasabe na may Lift or Elevator sa lahat ng Building dito sa LEYNIAS HIGH. And lahat maintained, mag ka aberya man agad ng naaayos, bawat Building kase iba iba ang Facilitator at Mechanic pati na rin mga Janitor/Janitress mag kakaiba bawat building kaya palaging malinis.

simula ng maitatag ang Leynias High taon taon may award na Most Outstanding Academy ang nakukuha, at iba pang mga awards.

sa pag akyat sa ikalwang palapag, sa hagdan kami dumaan, mas malapit kasi sa hagdan yung Classroom namin.

"Try mo kayang bilisan, 10mins na lang bago mag bell" sabi ni Lowrey sakin.

Lalo ko naman binagalan pang aasar sakanya. natatawa naman nya kong itinulak.

"Luka luka ka talaga" nag tawanan kami at pumasok na rin sa room.

Nag lakad na ko sa likod ng mga nakahalerang upuan, at na upo sa upuan na nasa tabi ng bintana.
lumingon naman ako kung nasaan si Rahya. Inirapan lang ako ng gaga.

Umalingawngaw ang Bell sa buong eskwelahan. Hudyat na mag sisimula na ang pang umagang klase. Nag abang  na lang kaming lahat sa pag dating ng aming guro sa unang klase.

5 mins..

7mins..

10min..

Kinulbit ko si Lowrey.
"Wala pa bang teacher?" Sabay lingon sa iba ko pang kaklase na nag dadaldalan dahil wala pang teacher.

"I dunno, this is unusual. Madalas 5mins lang late ang teacher" sabi nya sabay tingin sa wrist watch nya.

"Attention Grade 9 students, due to unavoidable circumstances. The morning classes for Grade 9 students will be canceled. But not allowing the students loitering around the school premices. All Section Presidents will take charge. Thank you"

Dinig sa buong school ang announcement. Tuwang tuwa naman ang mga kaklase namin, even sa ibang katabing classroom maririnig mo mga ingay.

"Thats so unusual. Ano kaya nangyare?" Tanong sa sarili ni Lowrey.

"Ang swerte mo naman beshie, kapapasok mo palang canceled na morning class. At! Uulitin ko, morning class ang canceled hindi isang subject" wika ni Rahya pag kalapit saken.

Ininguso ko naman sakanya si Lowrey na nakatingin lang saken.

Napabaling si Lowrey kay Rahya, si Rahya naman sininok agad. Ngumisi lang ako ng biglang lumayo ito.

"Weird. But. Cute" sabi ni Lowrey ng nakangiti habang tanaw tanaw si Rahya sa kabilang pwesto.

"Hmmmm, parang nagugutom ako"
Sabe ko at walang pasabeng lumabas ng room. Sa hagdan ulit ako dumaan
At nag tungo sa TFC. Bago ako makapunta ng FNM BUILDING may napansin akong dalawang lalakeng nag tatalo, so dahil may pag ka tsismosa akong taglay, nag eavesdrop ako hihihi..

Itinulak nung isang lalakeng may kahabaan ang buhok yung isang lalakeng nakasalamin na naka undercut yung buhok.

"Punyeta! Hindi mo ibibigay?!!"
Babala nito at akmang susuntukin.

Agad namang inilagay ng isang lalake yung kamay nya sa bulsa nya sa likod, may kinukuha ata.

"H--heto.. na-a.." kumislap ang kinuha ng nakasalaming lalake, kasabay nito ang bilis ng pag hatak nya sa kasagutan nya at malibis na itinarak ng lalakeng nakasalamin ang punyal sa tagiliran ng lalakeng may kahabaan ang buhok..

Agad akong napasinghap at napatakip ng bibig ko. Nanlaki lalo ang mga mata ko ng ilang beses pa itong inulit ulit ng lalakeng naka salamin. Bago pa bumaling sa pinag kukublian ko ang lalakeng nakasalamin ay paatras akong nag lakad, pag harap ko sa nilalakaran ko ay nabunggo ako sa isang tao.

"S-so-sorry" utal kong sabe habang nakayuko. Bigla ako nitong hinawakan sa mag kabilang balikat.

"Ainha.. are you o.k?? Ang putla mo.."
ani nito. Nag angat ako ng tingin upang makilalang si Dince ito.

"A-aah.. nag-na-gugutom lang ako.. o-oo.. gutom na kase ako.. hehe" sabe ko sakanya..

Please maniwala ka.. maniwala ka..

"Haist kaya pala di mo ko napansin.. halika .. sasamahan kita sa TFC.. libre na kita.." bahagyang nag ningning yung mata ko nung sinabe nyang iLilibre nya ko. Kasabay nun ay inakbayan nya na ko at nag tungo kame sa TFC.

Ngunit nanlalamig pa rin ang mga kamay ko sa nasaksihan kong krimen kani-kanina lang.

Pag dating namin sa TFC, pinag hanap nya na ko ng mauupuan at sya na ang kumuha/umorder/bumili ng kakainin ko. Yes ! Kakainin ko. Di daw sya kakaen. Makita nya lang daw akong busog, parang busog na rin sya. Sinabihan ko naman sya ng,

"Ang korni mo" at natatawang nag tungo sa mga stalls.

Natutulala akong pinag masdan ang Campus Field mula sa loob ng TFC habang nakapangalumbaba.

Isang kamay ang kumawaykay sa harap ko at napansin kong kanina pa pala nag sasalita si Dince, naihain nya na rin mga binili nyang pagkain na pang tatlong tao.

"Dince! Pang tatlong tao tong binili mo, at ako lang ang kakain! Kakatayin na ba ko mamaya?!" Sabi ko sakanya at sinamaan sya ng tingin..

"Easy.. easy.. missy... nagutom na rin kasi ako..tapos may nakita akong shawarma.. ayun ginutom ako.. heheh" kakamot kamot pa ito sa ulo..

He is Dincerous Vienne Lacarte(Lakart), also known as Dince. Ang kaibigan ko simula pag kabata, minsan na ring nanligaw saken, pero tinoplakan ko sa ulo at sinabeng,

"Di pwedeng maging mag jowa ang dalawang Mongoloid! Mag kakaroon ng World War 3".

Bestfriend ni Papa ang Mommy ni Dince. Ex naman ni Mama ang Papa nya na barkada naman ni Mama ang Pinsan ng Mommy ni Dince.

Di nyo nagets? Edi wag nyo na intindihin.. It's another story to tell.
basta kameng dalawa ni Dince eh sanggang dikit. Na madalas eh napag kakamalang mag jowa, kaya madalas tuwang tuwa ang kulokoy pag may nag sasabeng bagay daw kame.

"Bakit ka nga pala nasa hallway kanina Dince? Saan ka galing?" Tanong ko sakanya at kinuha ang pineapple juice at sinimsim ito.

"Galing akong The Den kanina, nagpasa ng requirements para sa sasalihan kong club, ikaw? May napili ka na?"

Nag isip ako at umiling, siguro mamaya pag iisipan ko yun. Iba tumatakbo ngayon sa utak ko.

Yung nakita ko kanina.

I wonder, ano kaya yung hinihingi nung isang lalake kanina??

The Black ParadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon