CHAPTER 1

5 0 0
                                    

When I was

A young boy

My father

Took me into the city..

To see a march of band..

Welcome to the Black Parade by Chemical Romance  ang lumalabas na kanta sa speaker sa loob ng kwarto ko, sabado ng umaga.

1 week na mag mula ng mag umpisa ang pasok sa Leynias High. At 1 week rin ang niliban ko sa klase ng mag simula ang taong ito.

Sabe naman kasi ni Papa na pag balik baliktarin man ang mundo, iisa lang ang ginagawa sa unang linggo ng pasukan.

" Ang mag pakilala sa harap ng klase"

Totoo naman, laging ganyan. Simula ata ng Grade 3 ako sa pag kakaalala ko hanggang nung isang taon nararanasan ng bawat mag aaral sa paaralan ang pag papakilala sa harapan ng klase sa unang linggo ng pasukan. Pero unang pag kakataon ko tong ginawa ah.

Prenteng napapa headbang ako sa tugtuging na pumapalahaw sa loob ng aking kwarto habang nasa terrace ako at nilalagyan ng scotch tape ang pang huling workbook ko.

Yep! Nag cover ako ng mga notebook at workbook na gagamitin ko. Mas tipid kase pag ikaw gagawa mismo at nakaka enjoy lalo na't na pepersonalized mo lahat ng gamit mo.

*KNOCK KNOCK*

Di ko na inabalang balingan ang pag bukas ng pinto ng kwarto pag katapos ng ilang katok.

Pumasok si Mama na may dalang tray ng pag kain. Agad ko naman ipinag patong  ang ilang gamit na nagkalat sa kwadradong mesang kahoy na gamit ko upang bigyang espasyo ang dala ni Mama.

"Kumain ka na muna ng agahan Ainha, di ka bumaba kanina. Nag tatampo Papa mo sayo" tinignan ko muna si Mama at nag pasalamat sa pag hahatid nya ng pag kain sakin sa kwarto ko.

Ngumiti muna ako at sinagot ang sinabi ni Mama kahit hindi naman ito tanong. "Haynaku Ma, Di ka na ba nasanay sa pag ka isip bata ni Papa?"

Sabay kaming napatawa ni Mama sa sinabi ko. Ilan pang maliliit na usapan namin ni Mama at nag handa na rin sya para sa Pamamalengke kasama si Manang Biday.

Tinapos ko munang ligpitin ang lahat ng gamit ako sa mesa at sinimulan ko na rin mag agahan. Pag katapos ay nag linis ako ng buong kwarto at napag pasyahang mag punta sa likod bahay.





Ako nga pala si Ainha....







Ainhania Altaner..
Samahan nyo ko sa pag tuklas sa mga sikreto at kababalaghang nagaganap tuwing sasapit ang....






















"The Black Parade"

The Black ParadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon