Kabanata 3: Musmos na Politika

24 3 2
                                    

Pagkatapos magkakilanlan ay ayan na ang kasunod, ang Musmos na Eleksyon ng mga Politiko sa Loob ng Klase, na nagsimula sa GRADE ONE.  Dahil bagong lipat kami ay wala akong kakilalang bata, kaya medyo tahimik rin ako noong simula. Halos lahat yata ng mga kaklase ko ay dating magkaklase sa kinder. Ang iba galing sa nursery na tinatawag nilang SILAW at ang iba naman ay galing kay Ma'am Joy at Baptist. Nang narinig ko ang pangalang Ma'am Joy, naalala ko ang titser ko sa pinanggalingan ko, kasi Ma'am Joy rin ang pangalan niya. Sadya kayang Ma'am Joy talaga ang mga Kinder Teacher? O Nagkataon lang.

     Mabalik tayo sa musmos na pamumulitiko ng mga kapwa bata kong kaklase. Siyempre kung sino iyong First Honor nila mula sa Kinder ay siyang naging Presidente. Vice-president ang pumapangalawang matalino. Sekretarya ang mahilig magsulat, na lagi ay inu-utusan ng guro na mag-check ng attendance tuwing flag raising ceremony.Treasurer ang anak ng mayaman. Auditor ang, pumapangalawang mayaman. Sergeant of arms ang mga damulag, na sa katotohanan ang mga nagsisimula ng mga gulo. P.R.O ang pinakamadaldal at ang hinihintay ng lahat ang Muse at Prince Charming. Siyempre, iyong pinakamaganda at pinakagwapo sa paningin ng mga bata. Awtomatikong 'pag nasulat na ang kanilang pangalan ay tutuksuhin sila ng mga kaklase." Uy, bagay sila.", ang simula ng mga love affair ng mga bata.

     Kapag araw ng United Nations, ang Muse at Prince Charming agad ang sasali sa King and Queen. Ang 'contest' ng paramihan ng boto, sa pamamagitan ng pagbenta ng tickets. Ayon ang simula ng konsepto ng 'vote buying' saGrade One. Wala tayong kaalam-alam na iyon pala ang Fundamental Basic Principles of Political Modus. Bata pa lang tayo at walang masyadong alam sa mundo, ay itinuturo na sa atin. 

Iskol BokulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon