Kabanata 6: Ang Tunay na Physical Education

32 2 0
                                    

Sadyang ang liliksi ng mga bata noong kapanahunan namin sa elementarya. Ang tataas ng mga talon sa Chinese Garter. Naalala ko pa dati ang mga malalapit kong kaibigang mga lalaki na daig pa ang mga babae sa laro. Abot nila kahit Viva at natatawid ang grupo hanggang kingkong.

      Ang titibay ng mga palad sa paglalaro ng dampa, gamit ang lastiko. Ang koleksyon ng mga 'text', iyong mga sticker na gawa sa karton. Lupig pa ang sinong basketball player sa galing magshoot ng hulin sa malilit na hukay sa lupa. Sa totoo lang, laganap na ang sugal kahit sa laro ng mga estudyante. Mat tinataag na 'hantak', kung saan mga barya ang ginagamit sa paglalaro. Kahit mga gagamba ay pinagdidiskitahang pag-awayin.

     May mga laro ring sukatan ng tigas at tiis, tulad ng slipper manikin. Daig pa ang mga rebulto kung hindi makagalaw ang mga naglalaro. Ang 'Kayokok' na paubusan ng mahuhuling miyembro at kapag natalo, hindi puwedeng hindi makapaghiganti kinabukasan. Ang laro tuwing uwian, na siyang dahilan ng maraming amorsiko sa mga palada at pantalon ng mga estudyante.

     Ang tumbang preso na pawang naghihintayan kung sino ang makapagliligtas sa lahat. Ang raming nakakalokong laro, isali pa ang Lupa, Langit at Impyerno, Princess Sara, at ang Chinese Japanese, Jelly Jelly Fish Gold Fish. Lamang naman ang mga may mahahabang braso at kamay kapag 'Patintero' pero hindi magpapahuli ang mga 'small but terrible in size', na kay galing lumusot at tagaligtas ng lahat.

     Iba't iba ang reaksiyon ng bawat bata sa bawat pagtatapos ng laro. May iilang sa sobrang wili ay ayaw ng umuwi. ang mga talunang pikon ay baon ang galit hanggang sa pag-uwi. Mga hindi pinagpawisang nabubuhay lang dahil sa mga tagalitas lalo na sa Chinese Garter.

     Matalo man o manalo, siguradong may bukas uli. 

Iskol BokulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon