t h r e e

45 3 0
                                    

Three

The next morning, I decided to buy some stuff for the villa. Nandito ako ngayon sa veranda ng villa, nakaupo sa isa sa mga couch while writing down some things that we need for this house, I'm even planning to buy some foods para dito at para narin sa fridge ko na walang laman. Sabi ni Manang ay may budget naman daw na ibinigay si Daddy para sa ganitong bagay at ayun nalang daw ang gamitin ko.

Naagaw ang atensyon ko ng biglang lumabas ang isang bagong gising na Torryn. His hair is a mess at medyo mapupungay pa ang mata nito, he looks like a lost kid, rubbing his eyes while holding a big pillow, hindi ko mapigilan ang pag halakhak sa nasaksihan.

"What!?" Inis na baling nito sa akin ng marinig ako, I laugh even more.

"Gising na ang baby boy namin!" Pangungutya ko dito while using a sweet kind of tone that adults used for baby talks. Nakita ko ang agad niya na pag irap sa akin, gosh, ang sungit sungit! I now believe that face can be sometimes, deceiving.

Umupo si Torryn sa tabi ko at tinignan ang mga listahan na ginagawa ko while he is trying to fix his messy hair, medyo nag aalinlangan pa ako kung dapat ko ba siyang pigilan sa pag ayos niya because he look extremely hot with that.

"I'll come with you, mamimili ka?" Tanong nito, tumango naman ako bilang pag sagot, doon ko naalala, may mall kaya sila dito? I know they have pero meron kaya yung malapit lang, I'm also planning to buy some school supplies since ayaw ko ng pabalik balik na.

Manang Nory suggested that we should get going habang maaga pa at sure daw mamaya ay dadami na ang mga mamimili, meron daw mall dito pero maliit lamang, nasa tabi lang din daw iyon ng palengke. Since Manong Joaquin is not here, may inasikaso regarding dito sa villa na utos ni dad, Torryn insisted that he'll drive for me. Sa kaniya pala ang sasakyan na nasa porch sa ibaba.

I just wear a simple t-shirt dress at isang puti na sneakers and I'm good to go. Kinatok pa ako ni Manang Nory at sinabi na nag hihintay na si Torryn sa baba.

"Mag iingat kayo Hijah." Paalala ng matanda, tumango naman ako at ngumiti at dumiretso na sa ibaba kung nasan bumungad sa akin ang nakasandal sa kotse na si Torryn.

Shit! Muntik na akong matapilok sa itsura niya! He's wearing a freaking white long sleeves na polo and it is tuck in a black slacks! Hindi ko alam kung naka ilang mura na ba ako sa isip isip ko, his hair is still down as usual, mukhang hindi niya talaga ito inaayos.

"Mamamalengke lang tayo uy!" Pangangasar ko dito pero sa loob loob ay nangangati na ako na sunggaban siya. Behave Jam!

"I know. I have an appointment later with someone, I'll drop you off after at didiretso na ako." He explained as he started the engine. Hindi napalagpas ng mata ko ang mga ugat sa kamay niya while holding the steering wheel which makes him more attractive, kung meron pa na isasagad. I can't believe I'm praising someone this much!

"You can just drop me off, mag papasundo nalang ako kay Manong." I said nang mapagtanto na baka busy siya.

"I want to go with you so It's okay." He kindly said, saglit siya na humarap sa akin at binigyan ako ng mala-anghel na ngiti. Darn it! Stop being so kind you fool!

As expected. All eyes are on us, or maybe not, sa kaniya lang! Who wouldn't? Ikaw ba naman ay may kasama na nag lalakad na greek god! Sino ba naman ang hindi mag lalaway, ang iba ay kulang nalang sundan kami sa lahat ng pupuntahan namin, masulit lang ang kakisigan niya!

"Oh em gee! Kuya pwede po papicture?" Tanong ng grupo ng mga highschool na babae habang kulang nalang ay mag lumpasay sa sahig sa sobrang kilig. Napabaling ang atensyon ko sa kanila, I feel completely invisible! What the hell?!

Torryn gave me a constipated look, medyo kanina pa nga ito balisa pansin ko lang. Tinaasan ko siya ng isang kilay and gave him a 'what?!' look.

"A-ah, a-ano.." Putol putol niya na sabi, palipat lipat din ang tingin niya sa akin at sa mga dalaga. He keep on looking at me with a hint of despair in his eyes, medyo matagal bago nag sink in sa akin ang nangyayare. What the hell?! Seriously?! Muntik na akong humagalpak sa tawa ng marealize lahat ng nangyayare.

"I'm sorry girls, pero we're in a hurry, may lunch date pa kasi kami and we really need to go." I gave those girls my sweetest smile pero ang natanggap ko sa iilan sa kanila ay irap, okaaaay?

Hindi ko nalang pinatulan at mas nakakatanda din naman ako sa kanila ng probably, just two or more years. Ipinulupot ko sa braso ni Torryn ang kamay ko at hinatak na siya. Nang medyo nakalayo layo ay doon ko nilabas ang tawa na kanina ko pa pinipigilan.

"Shit! W-wait! Oh my god!" Hindi ko mapigilan at napaupo sa kakatawa! May mas nakakagulat pa ba ako na malalaman sa kaniya.

I look at him while laughing my ass out, he's red as tomatoes, nang mag tama ang tingin namin ay iniwas niya agad ito at mas humagalpak ako sa tawa, not caring if I look like a complete shit.

"Laugh all you want." Naiinis at medyo may bakas na hiya na sabi nito while pouting his lips!

"You extremely hot yet introvert guy, tara na nga bago ka pa uli pagkaguluhan, hahayaan na talaga kita sa susunod!" Natatawa ko na sabi.

Ang unang ginawa namin ay nag grocery ng mga pagkain at kung ano ano pa na kailangan sa villa. Torryn is pushing the cart habang ako ang nag hahanap ng mga dapat bilhin. He look so out of place, mukha siyang hot na business man and to see someone as good looking as him and wearing a very formal attire at nag tutulak lang ng cart na may laman na mga repolyo, sino ba naman ang hindi mag tataka, so all the time, halos lahat ng mata ng tao ay nasa kaniya uli.

We didn't get to buy all the things that I have listed dahil narin sa sobrang limited lang nang mga mabibili sa mall dito. Torryn suggested that we should go to the city some time, para narin daw makabili ako nang kailangan ko sa sarili at para sa school which I dont think I really need since I still have some school stuff from last semester and college doesn't need that much of supplies, except nalang sa notebook, papers and ballpem of course.

He just quickly dropped me in the villa at pagkatapos ay umalis na siya agad. He seems in a hurry, I suddenly feel guilty, mukha siyang busy with work, if ever nga na may work siya and yet he still need to guard me na hindi ko talaga alam kung bakit since I already have Manang Nory here.

Jonah helped me with the things that I bought, tinuruan niya ako kung saan ilalagay ang mga pinamili ko at pagkatapos ay tinuruan niya akong mag luto ng sinigang.

It was fun talking with someone like this in this hour. Kung nasa Manila pa ako, I will probably spending my free time doing a movie marathon by myself and just being a drunk mess in the evening. It's nice to do new things. Kahit na sabihin na tinapon ako ni Dad dito, I can't really call this being miserable or a punishment since I found this place or no, the people here, comfortable, than my daily life in Manila.

-jam | hwang minhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon