Kabanata-1

67 5 0
                                    


YUWEI'S POINT OF VIEW
 
 
"WEIWEI watch over your husband ha! " Ava's warning. We are in the bistro now barely near our house.

  
Bigla na lang gustong makipagkita sa akin nitong kaibigan ko. Kaya naman ng hapon na iyon ay nakipagkita ako. Excited pa ako dahil matagal-tagal na rin mula noong huli kamin magkita. It's been what? Two years ago?
   
   
Maybe something like that. At ito ang isasalubong niya sa muli naming pagkikita. Nakaramdam tuloy ako ng pagkadismaya.
   
   
"Ava, ang tagal natin na hindi nagkita tapos 'yan ang sasalubong mo sa akin?!"
   
   
Ava rolled her eyes. "I'm just giving you a warning dear friend!" naroon pa rin ang diin sa tinig niya. Kaya hindi maiwasan na kumunot ang noo ko habang binabasang mabuti ang hilatsa ng mukha ni Ava.
   
   
She's so serious and it creeps the h*ll out of me.
   
   
"Tell me, saan galing itong mga pagbabanta mo ha?!"
   
   
Duda talaga ako eh na may alam ito na hindi niya sinasabi sa akin.
   
   
Paiwas na nagbaba ng tingin si Ava at umiling."Wala, basta buksan mo 'yang mga mata mo Weiwei para hindi ka nagmumukhang tanga!"
   
   
"Are you implying that my husband is cheated on me?!" napahilamos kaagad ang dalawang palad ko sa mukha. "My god Av, that was insanely ridiculous!"
   
   
"Right!" palatak naman ni Ava sa sinabi ko. "Ang tingin mo nga naman kay Red is perfect husband."
   
   
"He is Ava!" may diin kong sambit."He is indeed a good husband to me, so cut this crap will you?!"
   
   
Her hands slammed on the table that made me flinched a little in my seat. "Sinabi ko lang na buksan mo 'yang mga mata mo. Don't be blinded by all of his delightful stuff and cared for you!"
   
   
I breathed to calm down all my nerves. "Av, were two years and half of the year married. Inconceivable masyado ng sinasabi mo.  Hindi niya ako kayang lokohin. Mahal ako ni Red!"
   
   
"Exactly my point Wei, ganyan katagal ka ng bulag sa pagsasama ninyo!"
   
   
"Av_"
   
   
"At kung talagang mahal ka niya. Bakit hanggang ngayon wala pa rin kayong anak?!"
  

Napanganga ako sa sinabi niya.    
   
   
Gusto kung magprotesta. Gusto kong awayin at murahin si Ava. Pero parang naputulan ako ng dila ng ilang segundo. Para akong sinapok sa ulo ng malaking bato. Sapul na sapol sa akin ang mga sinabi niya. One thing that bothers me for almost a year. He doesn't want to have a child. Wag daw muna. As in hello, dalawang taon na kaming kasal pero ayaw pa niyang magka-anak.
   

Pero hindi ko masyadong pinag-iisip 'yon dahil tiwala ako sa pagmamahal niya. Pero sa pagkikita namin ngayon ni Ava. May parte sa akin ang nagtatanong. Does he really love me?
   
   
"Ano hindi ka makasagot?" Ava place her palms on the top of the table. At tumayo ng nakatukod roon ang mga kamay."Wake up Wei before it hurts you even more. All was just a lie."
        

Napatulala ako sa isang tabi sa halip na sumagot. Hanggang sa umalis na sa harap ko si Ava.
   
   
Parang iyon lang yata talaga ang dahilan ng pakikipagkita niya sa akin.
   

Was your love only a lie Red? 
   
    
°°°°°
   
   
"LOVE are you okay?" bungad agad ni Red pagkadating ko ng bahay. Tumitig ako sa kanya. At habang nalulunod ako sa mga mata niya. Kita ko ang sarili kong mga mata na may lambong.
   
   
Hanggang sa mga sandaling ito ay naroon pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Ava. Alam ko naman sa sarili ko na hindi iyon totoo dahil ramdam ko naman ang pagmamahal ng asawa ko. At hindi rin nagsisinungaling ang pag-aalala na nasa mga mata niya ngayon. Pero bakit naapektuhan ako?
   
   
Pilit akong ngumiti. At naglakad na papasok ng kabahayan."Wala naman love, pagod lang ako." sabi ko at pabagsak na umupo sa couch.
  

"Wala eh, parang may problema ka." saka ito umupo sa katapat kong mahabang sofa.
   
   
Direkta kong tinitigan si Red sa mga mata. Huminga ng malalim at tinatantiya ang bawat titik na sasabihin ko sa kanya.
   
   
Paano ko ba siya tatanungin sa mga bagay na bumabagabag sa akin ngayon. Paano ko siya tatanungin sa mga pagdududa ni Ava. Paano ko itatanong ang posibleng sisira sa pagsasama namin?
   
   
"Gaano mo ako kamahal love?" iyon ang nanulas sa bibig ko. At napabuga ng hangin. At least hindi ako nagmukhang praning na asawa.
   
   
Matamis na ngiti ang sumungaw sa labi ni Red. Nagmuwestra ng kamay at pinapalapit ako. So I full up on my seat. At lumapit sa kanya. Uupo sana ako sa tabi niya pero hindi niya hinayaan, bagkus ay hinatak niya ang mga kamay ko paupo sa kandungan niya.
   
   
He wrapped his toned arms on my waist. And his chin rested on my shoulder. "Walang sukatan ang pagmamahal ko sayo love." pinatakan niya ng halik ang balikat ko. "May nagawa ba ako para pagdudahan mo ang pagmamahal ko sayo?"
   
   
His question hit me. Wala nga naman siyang ginawa para pagdudahan ko. In fact, he is the sweetest and lovable guy I've ever meet.
   
   
He gave the most memorable second anniversary. And every important occasion, he didn't miss out. Wala siyang pagkukulang, kaya bakit ko ba iniisip ang mga sinabi ni Ava?
   
   
Umiling ako at iniyakap ang mga braso ko sa leeg niya."Wala love."
   
   
"Iyon naman pala eh!" sabi niya at bahagyang nilayo ang mukha ko sa leeg niya. He pinched the bridge of my nose and giving me his brilliant smile."Wag ka ng mag-iisip ng kung ano okay?" then he kissed my forehead.
   
   
Napangiti ako. Dahil may bahagi sa akin ang gumaan. Parang bulang nawala lahat ng pagdududa na nagsimulang mamuo sa dibdib ko.
   
   
"You know what love, hindi tayo mabubusog ng ganito. I should have prepared our dinner." pabiro kong sabi at tumayo mula sa kandungan niya. But he never let my hand go. Kaya pabiro kong pinanlakihan ng mga mata ang asawa ko.
   
   
"Don't bother love. Naghanda na ako ng dinner para sa atin!" aniya at tumayo. Hinatak ako papunta sa pool area.
 
 
   
I HAD no words for the gratitude I felt. My jaw dropped as my right hand filled in my mouth to stave off a gasp on my mouth. Isang romantic candle light dinner ang bumulaga sa akin sa pool area. May boquet ng pulang rosas sa ibabaw ng mesa. At may mga petals ng pula at puting rosas na nakasaboy sa dinadaanan namin. It was so overly nostalgic.

      
Nilingon ko si Red. At bugso ng bumabahang kasiyahan sa dibdib ko ay napasakmal ako ng yakap sa kanya. This man never fails to make me feel special. Red never failed to express his love.
   
   
Kaya hindi ko kayang paniwalaan ang sinabi ni Ava. It was all baseless accusations.
   
   
Because I am so blessed to have a husband like Red Del Valle. But Ava warned me.
   
   
Ipagsasawalang bahala ko ba ang mga sinabi niya? Can I really neglect her warning?
      
 

A Sweet LiesWhere stories live. Discover now