"Ito po bayad manong. Salamat po." Sabi ni Deanna habang inabot ang bayad sa Uber driver at bumaba sa kotse na maraming bitbit.
Pagkarating nya sa harap ng gate ng isang bahay ay nagdoorbell ito.
***DING DONG***
***DING DONG***
Maya maya pa ay bumukas na ang pinto.
"Good afternoon po!" Magalang na bati nito sa nagbukas.
"Pasok ka na, hinihintay ka na ni Ma'am Jema sa loob." Sagot sa kanya ng kasambahay.
Agad namang pumasok si Deanna sa gate at dumiretso sa loob ng bahay.
"Hon!" Masayang bati ni Jema ng makita ang kasintahan. Agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.
Ngumiti naman si Deanna and said, "For you Nee!"
"Wow, ang ganda naman! Tsaka dami mong bitbit ahhh!" Sabi ni Jema habang inabot ang isang bouquet ng assorted flowers na may stargazer sa gitna. "Pasuyo ako sa dining table ng mga food hon!" patuloy nito.
Lumakad naman agad si Deanna papuntang dining area habang sumunod sa kanya si Jema na busy sa pag amoy at pag appreciate ng mga bulaklak.
Nilabas naman ni Deanna ang mga dala nyang food at hinain sa mesa. Maya maya pa ay magkatabi na silang naupo sa dining at nagsimulang pagsaluhan ang pagkain.
"Thanks Hon! Nag-abala ka pa." Jema said.
"Wala yun Nee. Binili ko na lahat ng favorite mo para sure." Biro ni Deanna.
"Sana di ka magsawa Hon. You're making me feel really special." Jema said.
"I love you!" Sabi ni Deanna at hinalikan sa labi ang katabi.
"I love you too Hon!" Sagot naman ni Jema.
Parang kalian lang, masaya pa tayong dalawa. Pakiramdam natin na sobrang mahal natin ang isa't isa. Yung tipong parang wala ng makakapaghiwalay sa atin. Yung tipong walang problemang hindi malalampasan. Akala lang pala ang lahat ng iyon. Dahil nagbabago ang panahon. Nagbabago ang damdamin. Nagbabago tayo.
"Nee?" Tawag ni Deanna kay Jema, isang hapon nakatambay sila sa kwarto.
"Yes Hon?" Sagot ni Jema.
"Nee, I want to play basketball again." Deanna said.
"Okay Hon. pareserve tayo ng court then ayanin natin ang barkada." Jema responded.
"Pwede naman. Pero remember yung friend kong si Gab?" Deanna asked.
"Yung basketball player? Yeah, I remember her. Bakit?" Jema replied.
Humiga si Deanna sa tabi ni Jema at nilalambing ito.
"Kasi Nee, they'll form a team kasi for Liga Manila. And I want to join sana, if... If okay sayo?" Deanna asked hesitantly.
"Okay lang naman. Diba we played na din before. I mean kayo lang pala kasi saling ketket lang ako." Jema responded with a laugh.
"Sure Nee? Payag ka maglaro ako? More than a year na din akong di naglalaro ng matinong basketball." Deanna asked to confirm.
Tumango naman si Jema at ngumiti.
"Yehey!" Deanna exclaimed as she leaned closer to Jema and showered her with kisses all over the face.