"Huwag kang isip bata" sabi niya sakin dahilan ng pagtaas kilay koAko pa talaga ang isip bata?
"Bitawan mo ako!" sigaw ko pero hind siya nakinig sa halip ay binuhat niya ako at pinaupo sa upuan
I can hear my heartbeat beating so fast. Ito ang unang pagkakataong may bumuhat sakin at lalaki pa talaga
"H-how dare—"
"Im going to sleep. Stop being loud"
Walang pasabing naglakad ito sa kwarto ko at iniwan akong nakanganga
A-ang kapal!
Humarang ako sa harapan ng pintuan at taas noong hinarap ang lalaking to
"Makapal na nga ang mukha, Feel at home pa" aniko "Wala ka bang bahay? Sabagay. Mahirap ka lang naman"
Napansin kong natigilan siya. Galit at inis ang panandaliang nakita sa mukha niya pero napalitan din naman agad iyon ng ngiti
"Pasensya na. Mahirap lang talaga kami" aniya "Isang magsasaka ang tatay ko at mananahi naman ang nanay" yumuko ito at kitang-kita ko kung pano pumatak ang luha nito sa sahig
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sisi. Ang makitang umiiyak ang lalaking kaharap ko but I'm trying to hide my emotion through my bitchy face
"Wala akong oras para sa iyakan at hindi ko kasalanan na naging mahirap ka" hindi naman halatang mahirap ang gago
"Tama ka. Wala kang kasalanan pero wala kang karapatang apak-apakan ang buhay naming mahihirap" sabi niya
"To correct your words, Hindi pang-aapak yun kundi ang pagsasabi ng totoo"
"Sa ganyang pananalita mo, marami kang naaapakan ng hindi mo alam"
"Wala akong inaapakan at kung meron man, huwag silang magpapaapak"
Tanging buntong hininga lang ang isinagot nito sakin. Pero at the Second time, nasaktan ulit ako sa sinabi niya
Tinulak ko siya para hindi siya makapasok sa kwarto ko. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ko ang kaunting paninikip saking dibdib
"Makakaalis kana. Huwag ka ng umasa na gagawin kitang sekretarya dahil isa kang lalaki" aniko "nakakadiri pag ganon"
"Nilalait mo ba ang kakayahan ko bilang isang lalaki?" tanong niya sakin. Pansin kong malalim ang pagkakasabi nito at tila nagpipigil ng inis bago sumabog sa galit
"Ikaw talaga. Kahit hindi bagay sayo ang trabaho mo kumakapit ka parin sa patalim"
Okay. I hit it. Nakakuyom na ang kamao niya at galit na pinagsadahan ako ng tingin at hinawakan ng mahigpit ang aking braso
"Masyado kang matapobre. Ang isang tulad mo na walang awa't puso ay hindi dapat binuhay para manakit ng kapwa"
Binitawan niya ang braso ko buong pwersa kaya kita ko ang pamumula roon. That man really know how to hurt me. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa di malamang dahilan
---
"Storm!" Natigil ako sa pag-iisip ng sumigaw itong kaibigan kong si Dimitri at pinitik ang noo ko
"Ano?" Tanong ko, mas lalong umasim ang mukha nito bago umiling-iling at di makapaniwalang nakatingin sakin
"Kanina pa ako nagsasalita pero lutang ka pala!" Sabi niya
"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?""Yes"
"Pano si Celina?" tanong nito
"Anong pano siya? kaya ko nga ginagawa to para ipag hihiganti ko siya sa walang awa na babaeng yun"
"Pano kung mahulog ka sa babaeng yun?"
"Walang magkaka gusto sa babaeng yun. At lalong hindi ko siya magugustuhan dahil ang tipo kong mga babae ay ang tulad ni Cilena"
Pinagmasdan lang ako ni Dimitri bago ang sunod-sunod na pagtango nito
"Siguraduhin mong hindi, kung ayaw mong pumalpak ang plano mo"
"Aalis na ako, tumatawag na ang mahal kong Hemiragi" tinanguan ko lang siya bago inayos ang sarili sa pagkaka upo bago ulit nag de cuatro
Napatigil ako ng lumitaw ang imahe ng isang babae sa isipan ko, si Crizen. Pagbabayaran mo ang lahat ng nagawa mo sa mga tao at pagsisisihan mong makapasok sa buhay ko dahil ako mismo ang wawasak sayo
Kanina nung pumunta ako sa condo ng babaeng yun ay minaliit pa talaga ako ng harap-harapan. Kung papuwede lang sana ipagmayabang na mas mayaman pa ako sa kanya ay ginawa ko na. Pero hindi pwede, may plano pa akong dapat simulan
At bukas na magsisimula
---
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sekretarya mo ako" taas noong sagot ng lalaki. Naka polo ito at maong kaya pinasadahan ko ito ng tingin
"Oh nagpa gwapo kapa talaga para dito? Buti hindi basahan ang isinuot mo?" Asik ko. pero siya, nakatingin lang sakin
"Ang aga-aga pa panglalait na agad ang lumalabas sa bibig mo" ani niya sakin at lumingo-lingo "Kahit naman siguro wala akong suot na kahit ano ay gwapo parin ako"
"B-bastos!"
Nagkibit balikat lang siya bago ako nilampasan at tuluyan ng pumasok sa opisina ko
"Ayaw kita maging sekretarya!"
"Kahit ayaw mo ay wala kang magagawa!" nagulat ako ng sumigaw pa talaga siya
"Huwag mo akong sigawan!"
Kahit ayaw mo ay wala kang magagawa!
Naalala ko bigla ang mga magulang kong sinasigawan ako mula pagkabata para pangaralan ako sa kung anong dapat gawin
"Marunong ka palang umiyak"
Dali-dali akong tumalikod at pinahiran ang taksil kong luha "Huwag kang lumapit! Napuwing lang ako"
"Drama"
"Leave!"
"No. At itigil mo yang pag d-drama mo diyan... hindi bagay sa taong walang pusong kagaya mo"
Natigilan ako sa sinabi niya. His words, nasaktan ulit ako. Pero alam kong hindi niya alam yun
"T-tama ka, hindi bagay sakin"
Lumapit ako sa table ko at kinuha ang mga papeles ko na dapat sana ay ako ang tatapos. Nilagay ko ito sa tapat ng table ko kung saan nakaupo ng prente si George
"Ano yan?" Tanong nito
"Papeles malamang"
"Alam ko. Anong gagawin ko diyan?"
Tinaasan ko siya ng kilay "Try mong kainin baka pwede!"
Padabog akong umupo sa pwesto ko at sinamaan siya ng tingin "Gusto mong maging Sekretarya ko diba? Then start working!

BINABASA MO ANG
His Heartless Woman
RomanceREADERS SHOULD BE 18 YEARS OLD ABOVE UPON READING THIS KIND OF CONTENT✔