"Oh, suotin mo yan!" nagulat pa ako ng may nagtapon ng kung ano sa mukha ko. Damit lang pala"Kailangan talagang ihagis? Pwede namang ibigay lang!" sumimangot ako at inirapan ko siya dahil sa inis
Kita ko namang nag iwas agad siya ng tingin sakin at iniwan akong mag isa sa loob. What was that? I was relief ng bumalik kaagad siya pero basa yung mukha at namumula yung tenga niya
"Anong nangyare?" Tanong ko, pero ang talim ng titig niya sakin
"A-ang panget mo kaseng sumimangot!" Sigaw niya. Napanganga ako sakanya. Hindi dahil sa sinabi niya kundi mas lalo pang pumula ang pisngi niya at tenga. Kitang-kita dahil misteso siya
"Oh god ang pula mo na!" Akmang susugod sana ako sakanya dahil hahawakan ko sana ang noo niya para ma check kung may lagnat ba siya pero bigla siyang tumakbo papasok sa maliit na kwarto at iniwan akong nakataas ang kamay. That was rude! Anong problema ng isang yun?
I heard him said "Magbihis kana!" bago kumalabog ang pintuan ng pinasukan niya. Kumunot ang noo ko at tumango nalamang sa kawalan
Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko ang kabuoan ko sa salamin. Masyadong manipis itong telang ibinigay niya pero ayos narin naman. Did you hear yourself Crizen? This clothes are cheap for petes sake!
"Are you comfortable wearing that?" Nanlaki ang mata ko dahil nasa likuran ko pala siya
"Nakaka gulat ka naman!" Sigaw ko sakanya "Tsaka may pa english english ka pang nalalaman, hindi naman bagay sayo!" Bwist! Ang sarap niyang kalmutin sa mukha
"Are you comfortable with that?" Seryoso niyang tanong. Bigla naman akong kinilabutan sa tono ng pananalita niya. He seemed upset
"Y-yes" dmn! hindi man lang ako naka imik pa. Tinangoan niya ako pagkatapos non kaya peke rin akong ngumiti sakanya
Tahimik akong naupo sa silya nila. I admit, medyo na bobored narin ako dahil hindi pa din kami kumakain hanggang ngayon. Bat ang tagal naman ata? I'm starving!
Nakasimangot kong nilingon si Geroge at ng magtama ang mga mata namin ay nauna agad siyang nag iwas ng tingin. Isa pa to, nag aaya ng lunch pero gugutumin lang pala yung inaya niya! mas lalo tuloy akong napa simangot
"Stop pouting!" sigaw niya. And now, he looked so messed up
"Ano bang problema mo diyan? Gutom na ako, kaya natural, sisimangot ako!" Nakakainis. napapa dalas na siyang mag english
"Parating na si Nanay kaya umayos ka sa pag upo diyan!" Pinanlakihan niya ako ng mata
Sa sinabi niyang yun ay ibinaba ko kaagad ang paa kong nakapatong sa maliit na mesa nila at prenteng umupo sa silya. Kitang-kita ko ang pagtaas ulit ng kilay niya. I also did what he did. Kung pagalingan lang sa pagtaas ng kilay ay mas panalo ako! Natigil lang kaming dalawa ng pumasok ang Nanay niya at may dalang mga supot
"Ako na po ang maglalagay ng lahat ng yan sa mesa nay" aniya "Akin na po"
"Wag na Sto–– George, ako na. Samahan mo nalang iyang bisita natin" ngumiti siya saamin bago nagtungo sa kusina
"Huy ikaw!" Sigaw ko. Tumingin naman siya sakin na parang nawalan ng gana
"Oh?" Sagot niya
"Pwede ba akong tumulong sa nanay mo?" Akala ko ay pipigilan niya ako dahil ako ang boss niya pero nagkibit balikat lang siya at pinagsiklop ang dalawang kamay habang nakatitig sakin
"Mas mabuti pa ngang tumulong ka kesa naman kung kakain ka lang" he said. My eyes widen with that. He's so rude and arrogant! Nasa kanya na lahat ng pagka suplado!
Ngumiti ako sakanya, yung ngiting halos mangalaiti akong kagatin ang dila ko dahil sa inis ko sa lalaking to. "Right! Mas makakabuti if tumulong ako!" Inirapan ko siya bago iniwan mag isa roon at nag tungo sa kusina.
Naabutan ko ang nanay niyang busy sa paglalagay ng mga ulam sa pinggan. Napatigil siya saglit ng makita niya ako. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya bago nagpatuloy sa ginagawa
Akmang bibitbitin niya sana yung mga ulam ng magrepresenta akong ako nalang ang magdadala non doon sa hapag nila. She smiled at me so I did the same
I can't believe that I'm doing this! It is because of that man! Hindi man lang ako pinigilan sa gagawin ko!
Matalim kong tinignan si George pero iniwas niya ulit ang tingin niya sakin. Buong akala ko ay tutulungan niya ako sa pagbubuhat ng pinggan na hawak ko but he stayed on his chair at tinitingnan lang ako sa ginagawa ko
"Oh sige na kumain na kayo. alam kong nagugutom na itong boss mo anak" tumingin ang nanay niya sakin at kay George saka kami iniwang dalawa sa hapag. Nang tuluyang naglaho ang nanay niya sa paningin ko ay agad akong ngumuso
"Oh God gutom na gutom na ako!" Agad akong kumuha ng pinggan. Akmang maglalagay na sana ako ng pagkain sa pinggan ng magsalita tong katabi ko
"Para kang patay gutom. Hindi ba uso sayo ang dasal bago kumain?" Sabi niya na para bang bang napakalaking kasalanan ang nagawa ko.
"Stop insulting me! Baka nakakalimutan mo na ako ang boss dito?!" sigaw ko sakanya. He always make me feel this way. "Pakialamero!"
"Pamamahay ko to at huwag kang piling boss rito" dagdag niya. Mas lalong nag init ang ulo ko sa narinig pero sa imbis na makipagtalo ay kumain nalang ako. Patuloy lang ako sa pagnguya pero kitang-kita ko kung paano makatingin sakin tong si George
Umirap ako "What?"
"Cute"
Laglag ang panga kong napatigil sa pagkain at kamuntikan pang mabulunan bago tumingin sakanya. Seryoso lang siyang nakatitig saakin at parang hinihintay lang rin kung ano pa ang sasabihin ko. Really? Parang wala lang sakanya ang sinabi niya!
Siguro kinakabahan lang ako kaya bumibilis ang tibok ng puso ko
BINABASA MO ANG
His Heartless Woman
RomanceREADERS SHOULD BE 18 YEARS OLD ABOVE UPON READING THIS KIND OF CONTENT✔