Chapter 5

650 11 3
                                        

Naiinis talaga ako sa lalaking kaharap ko ngayon dahil sa tuwing tumitingin ako sa kanya ay mas lalo itong napapangiti at kitang-kita ang pantay nitong mga ngipin

"Ano naman yang pangiti-ngiti mo jan?!"

" Masaya lang ako" ani nito at nginitian ako "matutulungan ko na sina nanay at tatay"

"Siguraduhin mo lang na maayos kang magtrabaho dahil kung hindi–"

"Yes boss!" Masigla pa nitong asik at kinindatan ako. Palibhasa isa kaseng mahirap na babaero

"San ka pala nakatira?"

Tumigil siya sa pag aasikaso sa papel bago ako tinignan. Okay anong meron sa tingin niya? May nasabi ba akong mali?

"S-sa probensya"

"Probensya?"

"Ou" tumikhim ito bago nag iwas ng tingin sakin

"Hindi halatang isa kang probensiyano" aniko "nandoon ba ang mga magulang mo?"

"Palagi naman silang naroroon dahil naghahanap buhay sila" sabi niya "Kaya ngayon pansamantala akong nagt-trabaho para dagdag gastos namin, pambili ng bigas"

"May kapatid ka?" Tanong ko pa. Tingin ko kase ay parang nagsisinungaling lang ito sakin dahil sa pinagpapawisan ito

"Meron. Dalawa. Dalawa silang babae at ako lang ang natatanging lalaki"

"Really?"

"Yes"

"Englisero ka sa probensya?"

"No– hindi masyado"

"Are you George?"

"No"

"Then who are you?"

"Huh?"

"Ewan ko sayo! Magtrabaho ka na nga lang!" Nainis tuloy ako bigla. Parang baliw tong kausap ko at nawawala sa sarili niya. Nagsasayang lang ako ng laway

"Ang dami mo naman kaseng tanong. Interesado ka na ba saakin?"

Inismiran ko siya "Pelingero!"

Pero ang totoo niyan, nagdududa talaga ako kung mahirap ba talaga tong lalaking to dahil wala naman sa itsura nitong naghihirap nga siya gaya ng sinasabi niya sakin

"At nakita kita sa bar. How come na nakapasok ka roon? It's a class and expensive!"

"At hinawakan mo pa talaga ang beywang ko noon! Babaero ka palibhasa ginagamit mo yang kagwapohan mo para mamingwit ng mayayamang babae!"

Ang talim ng titig niya sakin. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko nasabi iyon

"Inimbitahan ako ng kaibigan ko at siya ang nagpapasok sakin doon" nakakuyom ang kamao nito at unti-unting lumambot ang ekspresyon "Sorry kung nahawakan man kita noon. Nagsisi nga akong nahawakan kita"

A-ano raw? Ang kapal naman ng lalaking to! buti talaga nakakaya pa ng konsensya kong hayaan na muna siya

"Maswerte ka at nahawakan mo ang bewang ko dahil maraming lalaking nahuhumaling na mahawakan ako!"

"Mahangin ka masyado" sabi niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin pero patuloy lang siya sa pagta-trabaho na para bang walang sinabi

"Ang sexy ko kaya!"

"Mahangin nga"

Kinuha ko yung folder sa tabi ko at ibinato sa kanya. Hindi na ba ako sexy? Sexy kaya ako! Sinungaling ang lalaking to

"Magtrabaho ka nalang!"

His Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon