Isang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa din nahahanap ang paborito kong libro, kung bakit ba naman kasi naisipan ko pang ilabas yun!
'Tama na~ labis na akong nasasaktan~' napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa study table ko. Inabot ko ang distansya nito mula sakin at agad na kinuha.
Napakunot ang noo ko ng walang lumabas na pangalan sa caller id. Unknown fucking number again?! Sino bang sira-ulong tao ang nagbibigay ng number ko!
Inis kong sinagot ito at ni-loud speaker.
'Hello? Alice?' Napanganga ako sa narinig ko. D-dad?!
'Dad! I-i mean what?' Ang kninang gulat na boses ay napalitan ng malamig, kahit kelan.
'How are you? Hindi na kita nakita nung umalis ka ng tagaytay' yes, umalis ako dun. Nakitawag ako sa isang shop at kinontak yung driver ko.
'So?' Maikli kong wika at inayos ang kama ko, tinaas ko ang unan dahil baka andito lang yun! Pero wala talaga! Argh!
'Wait sweety, i'll call you back' nagmamadali nitong wika. Napailing nalang ako nang tuluyan na niyang binaba ang tawag. 'Wala man lang imissyou and iloveyou, kumain kana ba?'
Peste! Ano yan jowa mo?! Malandi ka talaga! Kaya di ka nagkakajowa naku alice!'
Pang-aaway ko sa sarili ko. Kung ano-ano kasing pumapasok sa kokote ko nakakainis. I sat on the edge of my bed and heavily sighed.
'Nasan kana bang libro ka!'
Napasabunot ako sa sarili kong buhok sa sobrang inis.'Ija? Ayos ka lang ba?' Napatingin ako sa pinto nang kumatok si yaya lourdes. Agad naman akong tumayo at pinagbuksan siya.
'Y'yaya.. ayos lang ho salamat' i genuine smile. Oo siya yung yaya na nakasama ko mula pa nung bata kaya naman siya na ang naging nanay at tatay ko. Ang iba sa katulong ay pinagtritripan ko. Minsan lang naman hehehe.
'Bumaba ka roon at mag miryenda, kanina kapa nag kukulong dyan ha'
Suway niya sakin. Napa kamot naman ako ng ulo at tumango. Umalis na siya kaya naman dumiretso ako sa gilid ng kama ko upang kunin ang cellphone at humarap sa salamin. Binuksan ko ang drawer habang nakatingin pa din sa repleksyon ko pero nag tataka ako kung bakit wala naman akong nakapa, yung liptint koo!
'Nasan na yun! Pakshet naman kakabili ko lang!'
Tinanggal ko ang drawer sa lagayan nito at pinag aalis ang laman. Pero ganon na lamang ang pagkabagot ko ng hindi ko nakita!
Peste! Tumingin ako muli sa salamin.
'Ang putla ko! Punyeta naman!' Kinuha ko ang lipstick na niregalo sakin ni ate at ginamit yun. Kesa naman malaman pa nila. Nang matapos ay sinulyapan kong muli ang kwarto ko na tila binagyo dahil sa sobrang kalat.
"Yaya! Yaya Celine! Asan kana ba! Umakyat ka nga!' Sigaw ko sa bagong pasok naming yaya. Kagagaling lamang nito sa bakasyon.
Lumabas ako sa kwarto ko at lumapit sa hagdan.
'Celine! Ano ba! How long-'
'ma'am alice! Eto na po'
Tarantang wika nito at mabilis na umakyat. Inis ko naman itong hinawakan sa braso at eto naman ay yumuko.
'Isang tawag lang. Hindi ka importante.' Matigas kong sabi at pabalya siyang binitawan.
'Linisin mo yang kwarto. Ayusin mo' sabi ko at tinulak siya papasok sa loob. Mabuti na lamang at malapit lamang ang kwarto ko sa hagdan. Bumaba na ako pababa at nakangiting humarap kay yaya lourdes na nasa bungad ng pinto.
'Oh yaya? Aalis kaba?' Magalang kong wika at sinlip kung sino man ang tinitignan niya sa labas. Napa sign of the cross ito kaya naman kumunot ang noo ko.
'Naku yaya ah. Alam kong demonyo ako pero kailangan talaga ipaki-' pinutol niya ang sinasabi ko sa pamamagitan ng paghila sakin paalis ng pinto.
Dumiretso kami sa kusina at tinulungan ko siyang maghanda ng pagkain.
'Ija, tawagin mo na yung dalawa mong kapatid para sabay-sabay kayo' saad niya na tila ba walang nangyari, nag salubong ang kilay ko nang malamang andito pala yung mga pesteng yan!
'Yaya? Masakit po yung paa ko eh ' pag iinarte ko. Tinignan niya ako ng masama kaya naman nag martsa ako paakyat muli sa taas.
Una akong nagtungo sa kanan dahil andun ang kwarto ni ate.
'Ate! Importante kaba ha?! Labas daw!'
Inis kong sigaw at sinipa ang pinto. Hindi ko na hinintay pa ito at tumungo na ako sa kaliwa para puntahan naman si kuya.
Nang malapit na ako ay may nadaanan akong display na bato na nakapatong sa mesa. Kinuha ko iyon at binato sa pinto niya.
'Kuya labas daw! ' sabi ko at tumakbo na paalis. Tsk
Bababa na sana ako pero nadaanan ko ang kwarto ko. Nakaawang ito marahil ay naglilinis pa si celine. Sisilipin ko na sana pero
'What the?! ouch! Enough! Ouch! ouch! ATE!!!!'
napangiwi akong nilingon ang ate ko na hingal na hingal kakabato sakin ng scrambled na papel at basurahan!
'What the hell?! Are you happy?! Old woman!'
Galit kong sabi at binato pabalik sa kanya ang walang laman na basurahan
Nakaiwas naman to at nag make face. Dire-diretso na akong bumaba upang kumain.Buong hapon ang walang imik habang sila masayang nag dadaldalan. Wala man lang isa sa kanila ang nangumusta sakin. I guess hindi na ni-
'Oh my gosh! Nathaniel!'
Gulat akong napatayo nang buhusan ako ng malamig na tubig! Oh fuck!'Kabayaran sa pagbato mo ng pinto ko'
Ngisi niyang wika. pinagtawanan naman nila ako. Binagsak ko ang kutsarang hawak ko at hinampas naman sa lamesa ang plato ko.
'You old man! We're not close that much! So stay away your fucking ass! '
Wika ko sa kanya. Mabilis na kumalat ang pulang likido na nangagaling sa kamay ko. Lahat sila tulala. Maging si yaya.
Yumuko ako at malakas na bumuntong hininga upang pigilan ang paglandas ng aking luha.
'A-alice!'
Tarantang wika ni ate nang magsimula na akong umalis. Hindi ko siya pinansin at nag tuloy-tuloy lang hanggang sa makaakyat. Tinignan ko ang aking kamay at napaiyak na ng tuluyan nang makita itong nababalot ng dugo. Halos hindi ko na makita ang kamay ko.
Ramdam ko ang paghapdi kaya sinisigurado ko na may malaking sugat dun. di bale. Malayo naman sa bituka.
-
BINABASA MO ANG
That Jerk Is A Ghost [Wattys2019]
ParanormalAlice is an 20 years old college student who dream to be a succesful agent in the near future. But faith have their own way on how things can go. Anong magagawa ng isang Alice Kung ang magiging unang kilyente niya ay isang ..... Read at your own ris...