Chapter 8

13 5 0
                                    

Tulala lamang na nakatingin si kaito sa labas ng bintana ng kotse ko. Kalahating oras na kaming nakaupo at nag papakiramdaman kung sino ang lalabas.

Nandito na kami sa nasabing hospital na di naman pala kalayuan. Ikaw ba namang bumyahe ng 5 oras! Pano ba naman kasi! Wala dito sa manila ang location ng pesteng hospital na yan! Argh kainis! Nasa cavite! Dagdag mo pa yung traffic tapos tutunganga lang pala kami pag punta dito.

'Kaito! Ano ba! Labas na! ' tinignan naman ako nito.

'Kaya  kong lumabas. Nakakatagos ako diba?' Napa hampas naman ako sa manibela! Osige ako na yung nakatanga mag isa dito.

'Oo na! Punyeta!' Tangi kong sabi at lumabas na mag isa!

Inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng hospital na ito na talagang napakalaki. Dinaig pa yung mga university sa manila.

Humalukipkip naman ako paharap sa kotse ko at dun ko nakita ang lalaking namimilipit ngayon sa sakit! Taranta akong pumasok sa loob.

'a-anong nangyari? Bat ganyan yung mukha mo?!' Nag aalala kong wika, Hinawakan ko ang pisngi niya na ngayo'y pulang pula.

'H-hindi ako m-makatagos! A-at a-ang sakit ng katawan ko' saad niya sa pagitan ng pamimilipit. Kumabog naman ng mabilis ang puso ko. Teka anong nangyayari? Mawawla ka ba?! No! Please please! Dont !

'K-kumapit ka lang! P-please don't leave me. Please kaito'  umiiyak kong sabi. mabilis naman akong lumabas sa kotse at tumakbo papasok sa main entrance pero may dalawang kamay ang pumigil sakin

'Saan po kayo pupunta? Tapis na po ang dalaw' saad ng babaeng gwardiya. Galit kong himpas ang pinto.

'Let me in! I know your boss too well! at siya ang nag sabi na papasukin ako! Now let me in!' Saad ko, natulala naman ang dalawa kaya inis akong pumasok sa loob. Nag sinungaling ako. Wala naman akong pake at di ko naman kilala ang may ari. Wala eh. No choice.

'Nasan ang kwarto ni Kaito Uzumaki?! Tell me! Now!' Sigaw ko dito. Nag katinginan naman ang mga tao sakin. Tsk mga chismosa!

'N-nasa room 302 po 3rd floor sa bandang kaliwa ng hallway'
putlang saad ng kausap ko. Hinanap ko kung saan ang elevator at inis akong napatingin sa dami ng tao na nakapila doon! Walang choice akong umakyat ng hagdan na malapit lang sa nurse station kanina. Gusto kong malaman kung anong nangyayari! Antayin mo ko kaito! Parating na ako.

Hingal akong humakbang sa pinaka huling baitang paakyat sa 3rd floor. Bumungad naman sakin ang malawak na palapag at limang hallway! What the fuck?! Hinanap ko ang nurse station at mukhang aabutin pa ako ng ilang oras bago marating iyon!

'Nasan ang nurse station?' Saad ko matapos kong harangin itong babae na kakalabas lamang mula sa isang kwarto.

'Dyan oh,' turo niya sa likuran ko, napatingin naman ako! Pinag loloko ba ako nito?! Eh puro pinto to!

'Diretsohin mo yan tapos ang dulo na ang nurse station' napanganga ako sa sinabi niya! Anong klaseng hospital ang maglalagay ng nurse station na  ganon kalayo?! Mga sira ulo!


Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa hinanahap ko.

'Room 3-302!' Hingal kong sabi. Tinuro  naman nila ang likod ko! Ano bang meron at bakit nasa likod ko lang ang hinahanap ko

Wala sa sarili akong napaupo habang tinitignan ng limang lalaki sa harapan ko. Pilit kong hinahabol ang aking hininga at ramdam ko ang pawala-wala ng malay tao ko. Nag uumpisa na ding kumirot ang puso ko. Bawal nga pala ang lahat ng ginawa ko hahah ngayon mas mapapadali yung buhay ko.

Mula saking harapan ay nakanganga ang limang nag lalakihang lalaki habang nakatingin sakin. Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot iyon ng matindi. Pinipilit kong huwag sumigaw kaya naman nakapikit na ako.  Hindi pwede! Gusto kong makita si kaito!

Hirap man ay pilit akong tumayo pero agad din akong napaupo dahil sa pagdoble ng sakit nito. Namamawis na ako at konti nalang mauubusan na ako ng lakas. Tila hindi pa din nakakabalik sa katinuan ang mga kasama ko dahil hindi man lang ako tinutulungan! Mga walang silbi!

Gamit ang tira-tirang lakas ay tumayo ako at kahit hirap ay nag lakad ako papunta sa katawang nakaratay ngayon.

Tila binigyan naman ako ng kaunting himala dahil sa wakas nasa tabi ko na ang totoo kaito. hinawakan ko ang mukha nito at inayos ang tubong nakapasok sa ilong niya. Oxygen? Haha.

'Hey! Im here! W-wake up! ' malungkot kong wika kasunod ang sunod sunod na pagtulo ng aking luha. Wala na akong pake  kung may nakakita hahhaa

'S-sino ka?' Sa wakas! Buhay na!

'Pake mo?' Hirap man ay nagawa kong mag sungit. Ngumiti ako sa harap ni kaito at sa pagkakataong ito. Totoo iyon. Alam kong matatagalan bago ako muling makakakita ng tulad niya. at sana sa pagkakataong iyon, hindi na multo.

Yumukod ako upang gawin ang matagal ko ng gustong gawin. Ang mahagkan ang taong mahal ko na pala

pero bago ko pa man magawa iyon.

Everything went black. And i know, kapag gising ko, Gising na siya.


That Jerk Is A Ghost [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon