Chapter 4

9 10 0
                                    

Tamad akong humakbang papasok sa nakabukas naming gate. Gusto kong magtaka pero alam ko na kaagad ang sagot.

Lutang pa din ako habang pilit na isinasaksak sa utak ko lahat ng sinabi niya. Kung tutuusin madali lang malaman kung sino at saan siya nag mula pero ang mahirap ay ipasok ko ang sarili ko sa buhay niya. Natatandaan niya kung anong trabaho niya. Natatandaan din niya yung pangalan ng mahal niya Ana..
Ang swerte niya kasi kahit na wala sa katawan niya yung multo na yun, nagawa pa din niyang alalahanin ang pangalan niya.

ako kaya kelan? Nakaramdam naman ako ng sandaling pagkirot ng puso ko, bumuntong hininga ako..not now please

'ALICE!' Bumalik naman ang diwa ko ng marinig ko ang sigaw ni ate. Tinignan ko lang siya at hinintay makalapit sakin.

'Ikaw! Kung saan-saan ka nag pupunta! Hindi ka man lang marunong magpaalam! Di kana ba titino?! habang buhay na lalaki yang ulo mo?! Ang tanda tanda mo na! Pero yung utak mo! Utak isda pa din!'

I rolled my eyes. Huwag mo kong sagarin. Nag tuloy-tuloy lang ako at piniling balewalain ang presensya niya. Bago pa man ako makapasok sa pinto ay hinila ako nito at pinaharap sa kanya.

'Ano bang pro-'   naputol ang sinasabi ko ng makaramdam ako ng mabigat na bagay na humampas sa mukha ko... no.. she slapped me!

'Ano ha! Babastusin mo nalang araw-araw ang lahat ng taong nagtitiis sa basura mong ugali! Hindi kaba nag sasawa! Gusto mo ng attention?! Gusto mo ng pagmamahal! Pwes ayusin mo yang sarili mo! Masya-

Sinampal ko siya.

'Wala kang alam.' Malamig kong wika. Sinalubong ko ang gulat na gulat niyang mukha ng isang galit na tingin. Somobra ka 'ano nga bang alam niyo bukod sa guluhin ang buhay ko? Saka sino ba kayo? Sukang-suka na ako sa araw-araw na pakikisama sa mga taong hindi ko naman kilala! Attention? Pag mamahal?! YES! i need that! You know why? Just because i need that.
Mga wala kayong kwenta! Ang alam niyo lang , pagsabihan ako ng kung ano-ano! Ang kapal ng mukha mong pagbuhatan ako ng kamay! Sino kaba ha?! 18 years ago. Mag isa lang ako! Mula ng mag kamalay ako! Mula ng mag-aral ako! Si yaya at manong lang ang nagsilbing pamilya ko! Tapos bigla kayong umeksena! 2 years palang kayo dito pero ni minsan hindi ko naramdaman na may pamilya pala talaga ako! Kaya wag na wag mo kong pagbuhatan o pagsalitaan ng kung ano! Sana lumayas kana. Isama mo yang walang kwenta mong pamilya.' And with that. I cried.

Tuloy-tuloy lamang ako paakyat sa hagdan at ng marating na ako sa pinto ay may kamay na pumigil sakin.

'Why are you crying alice?' Alalang tanong ni kuya. Iwinaksi ko ang kamay ko.

'Ano bang pake mo? Umalis ka naririndi ako sa pagmumukha niyo.'  Galit kong wika at pumasok na sa kwarto ko. Agad ko namn itong ni lock at hinila ang maliit na lamesa upang gawing harang sa pinto.

Sunod-sunod ang pagtulo ng aking luha ng mahiga ako sa aking kama. Kinuha ko ang unan at mahigpit iyong niyakap. Higaan at unan ang nagsilbing daan upang gumaan ang mabigat kong loob. Sa twing umiiyak ako pinipili kong gawing sandalan ang unan at tahimik na humikbi. Masakit sakin ang lahat. Lumaki ako ng wala akong kasama. Mag isa. Hindi ko nga nasubukan ang mag karoon ng kasama tuwing family day. Ako lang ang nagdidiwang tuwing birthday ko. Ako at ako lang. Tapos bigla silang darating at pagsasabihan ako ng mas masakit pa sa nararamdaman ko. Mabuti na lamang at na control ko ang sarili ko. Kundi inatake na ako.

'Walang mangyayari kung mag mumukmok ka lang' sabi ng pamilyar na boses na nanggaling sa likuran ko.

'Umalis ka' mahina kong wika. Hinarap ko ito, kita ko naman ang malawak na pag ngiti nito. Siguro may magandang nangyari sa kanya kanina.

'Ayoko nga, Kailangan mo ko eh' malokong wika nito. Kumunot naman ang noo ko.

'Ikaw ang may kailangan sakin multo' walang buhay kong wika. Natawa naman ito. Siya lang ang unang multo na nakita ko. Siya lang ang unang lalaki na nag karoon ng lakas ng loob para kausapin ako..syempre kailangan niya yung tulong mo gustong kong murahin ang konsensya ko. Traydor.

Tumingin ito sakin ng seryoso at may kung ano naman akong naramdaman sa tyan ko. Sabayan pa ng pagkabog ng puso ko. Did i... Hell no!

'Kamusta na yung pakiramdam mo?' Seryoso nitong tanong. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nakaramdam ng tuwa...

'A-ayos naman. Pwede bang huwag ka ng lumutang dyan? Ang creepy eh' pag iikot ko sa usapan. Nakahiga kasi ito paharap sakin and at the same time nakalutang see? Mukha siyang na posses.

'Huwag ka ng umiyak. Pumapanget ka. Pahinga kana' saad niya na lalong nag patunaw sakin. Napatampal naman ako sa noo ko.. hindi pwede tong nararamdaman ko. Okay lang yan.. sayo siya hanggat hindi pa siya nakakabalik sa katawan niya.

Napabuntong hininga ako. Oo nga.. sakin siya habang tulog pa ang katawan niya.

-

Kinapa ko ang mukha ko dahil may kung anong gumagapang dito..'teka gumagapang?!'
Napabalikwas ako ng upo at mabilis na pinagsasampal ang mukha ko upang mahulog kung ano man ang nandon. Nang wala na akong maramdaman ay dumilat ako, pero ganon na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita kong isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha namin!

'Goodmorning' saad niya at ngumiti. Nilayo niya ang mukha niya sakin.

'Sorry ha, ginising kita... Nakita ko kasi si Ana eh, sinundan ko siya kanina'

Ganon na lamang ang inis ko ng sabihin niya yun! Para lang dun?! Gigisingin niya ako?!

'Oh? Pake ko?' Tanong ko, sumimangot naman ito.

'tutulungan mo ko diba?' Tanong naman niya.

'Ha? Sinabi ko ba?' Tanong ko muli.

'Hindi, pero in-

Tumayo ako at nag tungo sa banyo. Oo ayokong tulungan siya. Tutulong ako tas ang kapalit ay ang pagkawala niya?! No hindi ako papayag. Selfish na kung selfish.

'Dyan ka lang!' Sigaw ko. Hindi naman ako nakarinig ng kung ano pa kaya malamang umalis na ito. Ginawa ko naman na ang palagi kong ginagawa.

-

Lumipas ang buong araw pero walang multo ang lumabas. Naiiyak ako.. alam kong mali itong ginagawa ko pero .. ayoko namang mamamatay siya! Baka totoo yung  sinabi niya kagabi.. baka talagang mamatay siya kapag malayo ito sa katawan niya.

That Jerk Is A Ghost [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon