Chapter 10-- **

52 1 0
                                    

Nakababa na nga kami nun sa rooftop at nasa may gate na kami ng school ngayon. 

Medyo madilim na nga nun eh. Pagtingin ko sa relo ko bandang 6pm na pala kaya ganun.

''O sige una na ako ha? Ingat na lang sa pag-uwi bye''

Magpapaalam na sana ako sa kanya kaya lang...

''Hatid na kitang umuwi.''

O___O T-teka t-tama b-ba yung narinig k-ko?!?!

''H-ha? I-iba way niyo samin ah?''

''Bakit? Alam mo na ba kung saan ako nakatira?''

Ngek! Oo nga noh? Di ko pa pala alam kong saan siya nakatira =___=

''E-eh? Diba kila Ela kayo? O kaya malapit sa kanilang bahay?''

''Hindi ah. Sa may apartment ako nakatira ngayon. Sa may avenue street. Diba malapit sa inyo yan?''

Oo tga Lacson Street kami eh. Malapit nga yung kanilang street samin. 

''Yeah tsaka bakit mo nga pala nalaman kung taga saan ako?''

''Sinabi sa akin ni Ela.''

Yun lang yung sinabi niya at nagsimulang maglakad na..

''Tara na.'' Sinabi niya yun habang nakatalikod siyang naglalakad sakin.

Nagsimula na rin akong maglakad..

Nauuna siyang maglakad sakin at ako naman nasa likod niya at nakayuko habang naglalakad. Kaya di ko nakitang huminto pala siya sa paglalakad. Kaya ang nangyari eh nabungguan ko yung likod niya.

''A-ay s-sorry. Di ko sinasadya.'' 

''Eh bakit ka kasi nakayuko dyan? At bakit ka nasa likod ko? Dito ka nga.''

Hinila niya naman ako papunta sa tabi niya. 

Ngayon eh, magkasabay na kaming naglalakad nun.

Naiilang talaga ako!! Idagdag mo pa yung tahimik na atmosphere samin. Walang umiimik samin dalawa. Tapos yung paligid eh ang tahimik rin. Nakikisabay sa scenario namin yung paligid. Dati-rati naman kung naglalakad ako ang ingay naman ng daan na to. May mga nagtitinda, may mga batang naglalaro, mga taong naglalakad, mga sasakyan dumadaan. Pero bakit ngayon?! Parang nang-aasar lang.

Kulang na lang background music namin.

At isa pa!

F-first t-time na may naghatid papalakad saking guy pauwi sa bahay!!!!

>//////////////////////<

Bago pa kung anu-ano yung maisip ko at para mawala yung pagkailang na nararamdaman ko nung time na yun. Nagsalita na lang ako.

''U-ummm ano f-favorite m-ong ummm c-olor?''

Ano ba yan ma to-topic na nga lang ako yung walang kwenta pa!!'' =___=

''Ha?'' Nabigla rin siya ata dahil bigla akong nagsalita at nagtanong ng nonsense sa kanya. Pero nagsalita siya ulit. ''Blue favorite color ko. Ikaw?''

Tumingin naman siya sakin nun. As in sa mata talaga.

Ulp.....

Ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng mata niya (*≗*)

Brown eyes tapos namamasa-masa yung mga mata niya. *O*

Ay tokwa! Teka lang. Matagal-tagal din kaming nagtitigan nun ah. Kaya bigla ko namang inalis yung tingin sa kanya.

Bakit ang init ng mukha ko?!?!

''A-ah b-lue r-rin. S-same t-ayo'' 

Buh yan! Cassie nabubulol ka na dyan! Ayusin mo nga dila mo!'' >/////<

''Kaya pala blue yung gate niyo'' Nag smile siya nun sakin.

Teka bakit niya nalaman yun?

Bigla naman bumalik diwa ko nung napagtanto kong nasa tapat na pala kami ng bahay namin!

''Alam ko na yung bahay niyo kasi diba yung una tayong nagkakilala hinatid ka namin ni Ela sa bahay niyo.''

Oo nga pala noh? Nakalimutan ko na yun ah. Pero what's new naman diba? Nature na sa akin yung pagiging makakalimutin eh =__=

''OO nga pala. H-ehe sige uwi ka na rin madalim na oh! Baka mamaya ma rape ka dyan sa daan. Salamat sa paghatid ^_____^'' *kaway* *kaway*

Bigla naman siyang lumakad at kumaway din patalikod nga lang sakin at sinabing

''Advance goodnight ''

Tinignan ko yung likod niya habang naglalakad siya papalayo sakin. 

Wowowowow likod palang ang gwapo na. :'''''>

''Hoy Cassie! Tama na ang daydreaming dyan. Pumasok kana dito at baka lamukin ka dyan!''

Si Kuya talaga panira ng moment kahit kailan!!

''Daydreaming!?!? Ha-ha-ha!! Gabi na kaya kuya! kaya nightdreaming'' Binehlatan ko nga.

Nasa may pinto na ako nun pero di pa ako makapasok dahil nandun siya nakaharang sakin.

''Problema mo? Papasukin mo ako sa bahay tapos hinaharangan mo naman ako ngayon!!''

''Sabihin mo muna kung sino yung malas na lalaking naghatid sa yo kanina?''

''Malas ka dyan! Swerte ka kaya kapag nakasama mong umuwi ang isang Cassie Anne S. Nazareno!!''

Umakto naman siyang susuka nun. Ha! Ang kapal ng mukha!  Totoo naman eh. Wag na kasing umangal! HAHAHA

''Tabi nga'' Bigla ko siyang tinabi para makapasok ako dun sa loob.

''Hoy halika dito! di mo pa nasasagutan tanong ko!''

''Wala kana dun! Usisero!''

''Pa! Ma! Si Cassie oh may boyfriend na!!''

Bigla namang sabay silang nagsalita nun ng

'' Talaga anak? Totoo ba yung sinabi ng kuya mo?''

Nakita ko silang nanunuod ng TV nun at parang....

parang......

naka smile sila?!!? Bakit?! 

טּ_טּ

Diba dapat nagtataka sila o kaya naman against sila dun dahil may boyfriend yung unica hija nila? Pero bakit ganun?!

How unusual!!!!

May mga sinasabi pa sila nun kaso di ko na naririnig kasi nakatakip ako ng tenga nun at kumankanta ng malakas.

♪♫♬ Lalalalala~~ A-B-C-D-E-F-G-H-I-J-K-L-M-N Lalalaala O-P-Q-R-S ♪♫♬ 

Yun lang ginawa ko habang papaakyat sa kwarto ko.

Nung nasa may tapat na ako ng pinto ng kwarto ko bigla na agad akong pumasok dun at ni-lock yung pinto.

PWEW!!!!

Ang kulit talaga ng pamilya ko!!

Binagsak ko katawan ko sa kama at gumulong-gulong dun. Kakapagod ngayong araw na to. Pero mas nangingibabaw yung sayang nararamdaman ko ngayon.

Pano ba naman...

Una, ka pair ko si Lance sa project namin sa Arts. It means makakasama ko pa din at makikilala siya ng husto sa pagsasama-sama namin sa sembreak.

Pangalawa, yung sinabi niya sakin sa rooftop. Errr hindi pala yung masaya kasi nalungkot ako nun para  sa kanya.

At.....

Pangatlo yung..

Hinatid niya ako pauwi sa bahay namin. Yung UNANG lalaking naghatid sakin pauwi except kila papa at kuya.

Ang sarap lang sa feeling. WAAAAAAAAA!!!!! ^_______________^   

Tinakip ko yung unan ko dun sa mukha ko at parang engot na nagtititili sa kilig.

Ako na! Ako na ang kinikilig!!! :'''''>

The nicest thing about me is you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon