Chapter 12-- **

41 1 0
                                    

''AAAAAAAAAHHHHH Sabi ko na nga ba ikaw yan eh!!!!''

Bigla ko naman siyang niyakap nun sa sobrang tuwa at gulat na rin. 

''Ikaw ha!!! Nagulat ako sayo. Sumigaw ba naman at yumakap sakin?'' Sabi niya na kunwari naiinis pero pangiti-ngiti naman.

''Ehh kasi naman eh!! Namiss talaga kita!! Buti nga nakita kita ulit eh. Ang tagal mo kayang nawala!!'' 

Parang nakasigaw na boses ko nun kaya siguro yung iba dun na iingayan na sa akin. Pero wala akong pake. Ganito talaga ako pag hyper. Nasisiyahan talaga ako ngayon eh.

Tumawa naman siya nun at hinawakan niya ulo ko at ginulo yung buhok ko.

''Di ka parin talaga nagbabago ang ingay at ang kulit mo parin.''

''Ang sabihin mo maganda pa rin. HAHAHA! Teka bakit ka pala nandito?''

''Syempre bumibili ng libro.''

=______= Pilisopo to ah. Binatukan ko nga.

''Aray!! Bakit mo ako binatukan? Kala ko ba miss mo ako?!

''Eh ikaw naman kasi eh! Pilosopo pa rin!! I mean bakit nandito ka sa calamba? Diba taga manila na kayo?''

''Kasi po, lilipat na kami dito ulit. Kahapon lang kami dumating dito.''

Sa sobrang tuwa ko niyakap ko ulit siya at nagtatalon.

''Uy ano ba! Bitiwan mo nga ako! Mukha na tayong baliw dito eh!!''

Tama naman siya eh mukha na kaming baliw dun sa national bookstore na nagtatalon, nagyayakapan. Pero wala akong pake. Grabe naman kasi tong tao na to eh. Ang daming good news! 

''Loko ka kasi eh!!'' Hinampas ko siya nun sa braso niya.

Mangiyak-iyak na talaga ako nun kaya medyo napatawa pa siya nun. Masisisi niyo ba ako kung namiss ko ng sobra-sobra yung bestfriend ko?

Si Harry yun. Bestfriend ko bukod kay Ela. Parang kuya ko siya kasi lagi niya akong pinagtatanggol dati sa mga nangaaway, nanakit sa akin. Nakakatuwa nga kasi, nagiging dalawa kuya ko pag nandyan siya. 

Tsaka dati nanirahan pa nga siya sa amin nun nung elementary kami kasi yung parents niya wala. So wala siyang kasama sa bahay nila kaya naisipan nalang na sa bahay nalang namin siya tumira kesa naman pero maids ang kasama niya sa bahay nila, kaya okay na okay yun samin. Parang part na nga rin siya ng family namin eh.

Pero yun nga nung nag highschool kami, lumipat sila ng bahay sa Manila kasi malapit dun yung pinagtratrabahuhan ng parents niya. Kaya napalayo na siya sa akin. Kaya di ko akalain na babalik sila dito ulit!!! 

Bigla naman akong nakita ni Ela at papalapit pa siya sa akin. Di niya ata makita yung mukha ni Harry kasi medyo nakatalikod siya kay Ela.

''Oi! kanina nasa kabilang side ako nun pero rinig na rinig ko yung boses mo ah! At sino yang kausap mo ha?''

Kagaya katulad ko nagulat rin siya Ela nung humarap sa kanya si Harry.

''Oh my gosh!!!! Harry?!?! Ikaw ba yan?  Long time no see ah!!!!'' Nagtitili siya nun.

At Bigla naman siyang niyakap ng mahigpit ni Ela.

''Grabe kayong dalawa! Ganyan ba talaga kayo pag bagong kita niyo ang isang tao? Yayakap ng mahigpit?! Di na ako makahinga sa pinag gagawa niyo sakin ah!!'' Sabi niya matapos siyang yakapin ni ela. Medyo irritated yung tono niya nun pero halata mo namang pabiro.

Bigla na lang kaming nagtawanan nun na parang kami lang nagkakaintindihang tatlo. 

Pagkatapos namin sa bookstore kumain kami sa mcdo, syempre kasama na namin si Harry nun.  Dami ngang kwento niya samin eh. Malamang matagal-tagal na rin siyang naming di nakasama. And! Ang masaya pa dun eh sa school namin siya lilipat. 

Mga 8 na kami nakauwi pero okay lang naman yun kila Mama kasi wala na namang pasok eh.

Pagpasok ko ng bahay, si kuya agad nakita ko sa sala. Tinignan niya ako nun ng seryoso.

''Problema mo kuya?!''

''Bakit ngayon ka lang Cassie ha?!''

Tignan mo to! Kung sila mama nga okay lang sa kanila tapos siya?! 

''Siguro nakipag date ka no? Sumbong kita!''

''Sumbong mo! Hindi naman ako nakipag date eh!!''

''Ma! Pa! Si Cassie nakipag date daw sabi niya!!'' Sigaw niya.

''Bakit nag-aaway naman kayo dyan ha? Naku! Kayo talagang magkapatid kayo'' Sabi ni Mama na nasa kusina na nag pre-prepare ng dinner.

Grrrr. Nakakainis talaga si Kuya!! Makapang asar lang sakin noh?

''Ano ka ba kuya!! Kasama ko si Ela at Harry okay?! Natagalan kami dun kasi nga bago ulit namin nakasama at nakita si Harry kaya napatagal gala namin dun sa mall. Okay na!?'' Inis na inis na ako nun sa kanya.

Nahalata niya naman yun,kaya di niya na ako inasar. Mabuti naman!!

''Sorry na! Sinisigurado ko lang naman na hindi kung kani-kanino ka sumasama. Overprotective lang tong gwapo mong kuya''

Ok na sana eh pero may yabang pang sinabi.

''Tss. Maiwan na nga kita dyan!.''

Umakyat na ako at pumasok na sa kwarto ko. Ok lang naman yun sa akin, kumbaga nakasanayan ko na naman yun eh. Kung ikaw si Cassie Anne Nazareno at may kuya ka na si Roland Nazaneno. Syempre masasanay ka nga pag ganun.

Tinawag nga ako nun para mag dinner. Eh ako namang gutom na rin kaya bumaba na rin ako.

''Andito daw si Harry ah?'' Sabi ni Mama habang kumakain kami nun.

Paanong nalaman ni mama yun? Tapos tumingin naman kay kuya na busy namang kumakain. Ah baka siya.

''Opo mama, kahapon pa daw sila dumating dito. Ang saya nga dahil dito sila ulit titira at sa school namin siya mag-aaral.''

''Mabuti naman kung ganun. Siguro gwapong binata na yun? Nung bata kasi yun gwapo na ano pa kaya ngayon?''

Si mama talaga. Pero totoo naman eh, gwapo naman talaga si Harry eh. Tapos mas gwumapo pa ngayon.

''Naaalala ko pa nga nun hon eh, yung balak natin silang i fixed-marriage kasi ang sweet na nila nung bata pa sila.'' Sabi ni papa na natatawa pa.

Na choke naman ako nun bigla! kaya uminom ako nung tubig nun.

=______=

Parang engot nga lang talaga yung mga parents ko eh, oo ginawa nga nila yun dati pati yung parents ni Harry payag rin. Close rin kasi mga parents namin. Pero dahil nga lumipat sila sa manila di natuloy. Salamat naman at hindi natuloy kalokohan nila! Kaloka yun ha! Mag bestfriend lang naman kami nun eh.

''Ang swerte nga ni Harry dahil hindi natuloy yun eh HAHAHAHA!'' Sabi ni Kuya na nakikitawa rin katulad nila mama at papa.

''MA! PA! KUYA!!!!!!!'' Sigaw ko nun kasi nakakainis sila at nahihiya ako talaga pag pinapaalala nila yun!!!

At yun nga, di na nila yung pinag-usapan yun. Aba mabuti naman! kasi mag wa-walk out talaga ako sa hapag-kainan pag iyon ulit ang topic.

The nicest thing about me is you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon