Chapter 4

3 1 0
                                    

"Pwedeng pumasok sa room mo?" Tanong ni Ace nang nasa harap kami ng room ko. Naka harap ako sa pintuan ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang makita, pwede ba?" Tanong nito ulit.

"You have your own room naman eh, bakit kailangan mo pang makita room ko?"

"I just want to. Please? Just a quick peek and i'll leave." Pilit nito.

"Tsk. Punta ka nalang sa room mo at pagod na ako, sige na." Tanging sagot ko at tumalikod na ako sa kanya para buksan ang pintuan. Pero nag salita nanaman siya.

"Oh dahil may tinatago ka?" Napaharap ulit ako sa kanya.

"Tinatago?"

"Oo, kaya ayaw mo ako papasukin." Ngumisi siya at 'saka naghalukipkip ng kamay.

"At ano naman sa tingin mo ang pwede kong itago sa room ko?" Sabi ko, at saka ako sumandal sa pintuan ko at nag halukipkip 'din ng kamay.

Lumapit siya ng konti sa akin. "Madami." Pag ngisi niya.

"Give me a specific thing." Tinaasan ko siya ng isang kilay

"Pwedeng... nakakamatay na aso." Sabi nito.

"Ang babaw ng dahilan mo." Sagot ko.

"Pwede 'ding...may hinostage ka kaya ayaw mong papasukin ako!" Sabat nito.

Napairap nalang ako. "Idiot, sa tingin mo posible 'yon? Eh 'di sana kanina pa siya sumisigaw ng tulong." Sabat ko.

"Baka tinape mo 'yung bunganga niya kaya 'di siya makasigaw!" Pilit nito.

"Tss, bahala ka na nga diyan." Napailing nalang ako at 'saka humarap sa pintuan.

Pero hindi pa 'rin siya tapos, nilagay niya ang kanang kamay niya sa pintuan. Kaya napalingon ako sa kanya ng dahan-dahan.

Hanggang sa seryoso siyang nakatitig sa akin. Halos magkalapit na 'rin ang mukha namin. "Oh pwede 'ding, may tinatago kang babae."

Hindi ako nakapag salita. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa bigla sa pintuan para alalayan ang katawan ko, dahil unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

What the freak is he doing?!

"A-ace.." Utal ko, pero nilalapit niya pa  'rin ang mukha niya habang nakangisi. "A-anong ginagawa mo?"

Nilapit na niya ng husto ang mukha niya, hanggang sa napapikit nalang ako.

"Buksan mo na pintuan mo. May tumitingin na sa atin." Narinig kong bulong niya sa kaliwang tainga ko. Unti-unti akong dumilat at tumingin sa kanya.

Ngumiti ito at 'saka siya tumingin sa kanang hallway. Napalingon ako, at totoo nga ang sinasabi niya, may nakatingin nga sa aming dalawang teenager ba babae na parang kinikilig

"K-kuya, mag boyfriend po kayo?" Kilig na tanong ng isang babaeng nakauniform na pang school. Taga ibang school ata.

Tinulak ko si Ace palayo sa akin at 'saka ako tumayo ng maayos.

"N-no. You've got the wrong idea." Tanging sagot ko at 'saka na binuksan ang pintuan.

"Pagpasensyahan niyo na 'boyfriend' ko, nakatopak siya eh." Narinig kong sinabi niya sa mga babae at diniin niya pa ang pagsabi sa boyfriend, kaya napalingon ako sa mga dalaga. Kinikilig ang mga ito. Napaharap ako kay Ace.

"The f*ck, Ace?!" Bulong ko sa kanya.

"Sige na girls, punta na kayo sa room niyo. Papakalmahin ko muna ang 'boyfriend' ko." Dagdag niya ulit, kasama 'yung pag diin ulit. Humarap siya sa akin at ngumiti.

When A Philophobia Guy Fell In-Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon