years later...
"Hindi ko nalang talaga alam, Tamara, kung hindi ka pa makakapag uwi ng pasalubong sakin," sabi ni Felix, habang nakaakbay sa akin.
A few years ago, hindi pa man nakakapagdebut ng trainees sa era ko ang Morgan Ent ay nagclose na sila due to bankruptcy. Matapos nun ay agad naman akong pinuntahan ng JYPE, kaya dun na ako nakapagdebut as a solo artist. Oo, hindi ako nasali sa groups but I became a solo artist.
Kaso nga lang, halos araw araw yata ay dinedemonyo ako ng Stray Kids o kaya ng Got7.
"Bakit kita kailangan dalhan ng pasalubong, Felix Lee?" Tanong ko sa kanya, at nagpout naman siya.
Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at kunwari ay nagtatampo kaya naman natawa ako at sinabunutan siya ng bahagya.
"Halika nga dito, nakakainis ka. Joke lang. Sige na," sabi ko, at bigla bigla naman siyang humarap sa akin na akala mo ay binigyan ko siya ng napakagandang regalo.
"AYAN! GANYAN NGA," Sabi niya, at saka tumawa. "This is why I love Tamara Sooong!" Pagkasabi niya dun ay nagdab naman siya sabay takbo palayo.
I sighed, after chuckling. So pinuntahan lang niya ako para sabihin yun sakin? Umiling iling ako tapos ay pinasok ang pinto na katapat ng pintong pinasok ni Felix. Dito rin naman pala ang pupuntahan ko kaya naman walang problema.
Pagkabukas ko nun ay bumungad sa akin ang isang studio na kung saan ako nagrerecord ng mga kanta ko. Walang tao dito at punumpuno ng mga nakakalat na papel. Those papers contain my thoughts, those papers contain my feelings. Because they were my lyrics.
Isa isa kong pinagsama sama ang mga yun at saka iniipit sa folder na nakagilid, kung nasaan ang iba pang mga lyrics na naisulat ko na. Hindi pa ako naglalabas ng bagong music, kaya naman ngayon ay binalita sa akin ni JYP-sajangnim na pupunta daw ako sa Japan in a few hours at bukas na babalik para sa isang meeting with an artist na nandun ngayon. Kpop artist naman daw siya, pero sadyang nasa Japan lang siya ngayon. Ayaw nga lang sabihin sa akin kung sino yun, dahil sorpresa daw.
I scoffed, nang maalala ko yung exact words ni sajangnim sa akin.
"Wag mo munang alamin, Tammi, pero pinapangako ko sayo, masasayahan ka. Surprise ko sayo to,"
Hanggang ngayon nababagabag pa din ako sa sinabi niya. Sino ba kasi yun?
Nakarinig naman ako ng katok sa pinto, kaya agad kong binuksan yun. Bumungad sa akin ang isang staff, at nakangiti pa siya kaya naman nagbow ako bago ngumiti rin.
"Tamara, sabi ni CEO na handa ka na daw ba? Naghihintay na ang van na maghahatid sayo sa airport. Hindi ka naman daw nagdala ng maleta, di ba, dahil isang araw ka lang?" Sabi ng staff, kaya naman natawa ako.
Bakit naman ako magdadala ng maleta, e isang araw nga lang daw?
"Ah, papunta na po," sabi ko, at kinuha nalang yung folder sabay isinuksok sa bag na dala dala ko.
Sinundan ko naman siya paalis, at saka nakasalubong ang ilang artists dito kaya naman nagbow ako sa kanila causing them to bow at me as well. At last ay nakarating na din kami sa exit ng building, and we were led to a black van na siyang pinasok namin.
Well, this leads to something new.
"Promise, hindi ka magcacause ng kaguluhan?" Tanong ng manager ko, at tumango naman ako.
"Manager, you know me. Ayaw na ayaw ko sa kaguluhan, sa scandals. You can count on me here," sabi ko, at tumango naman siya habang tumatawa.
"Alam ko naman. Responsible ka naman, e. This is why I like working with you. Okay, take care, here's your bag," sabi niya, at saka nagwave sa akin.
Nagsilbi din naman na parang kapatid na nakatatanda ko yung manager ko kaya ganun na lamang kami kaclose. Kinuha ko yung bag ko, at saka hinayaan na umalis na sila. Nagrequest ako na hindi na ako gagamit ng security dahil mabilis lang naman to at hindi naman alam ng public na aalis ako papuntang Japan ngayon.
Nag umpisa na ako sa paglalakad, seeing different faces and races in the airport. Kinakabahan ako. Sino kaya yung kikitain ko sa Japan? Susunduin daw niya ako, at hindi ko rin alam kung baka mamaya ay makidnap ako sa pekeng susundo sa akin.
Ay, ano ba yan? Alisin mo nga sa isipan mo yan, Tamara!
Naglakad nanaman ako palayo, kaya lang ay biglang nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso sa nangyari, kaya tinignan ko kung sino yun.
Hindi pamilyar ang mukha niya at mukhang matanda pa. He looks like a rich old man who doesn't want anyone defying his choices and wants in life. Teka, bakit niya ako hinahawakan?!
"E-Excuse me, you got the wrong person-" sabi ko, kaya lang ay tinignan naman niya ako sabay ngumiti.
"I wasn't looking for anyone in particular. I was only looking for a pretty lady who can accompany me. Gusto mo ba ng pera? Sasamahan mo lang ako ng isang gabi-"
Nanlaki lalo ang mga mata ko at hiniling na hindi niya ako makilala, kaya lang ay naalala ko na nakamask naman ako at nakasuot ng glasses with a black cap. Hindi naman siguro?
Suot suot ko rin ang jacket na nakuha ko sa isang tao years ago, na siyang itinago ko pa din. I kept it as my prized possession, dahil ipinangako ko na magkikita pa kami. Kahit siguro ngayong sikat na siya at ako rin ay pasikat na, malabo na magkita kami dahil rin sa mismong kadahilanan na yun. Baka nakalimutan na din niya ang mga sinabi ko.
"Sige na, babae, isang gabi lang-"
Nanginginig na ako sa takot nang biglang may umakbay sa akin na siyang ikinagulat kong lalo. Titingin na sana ako sa kung sino yun kaya lang ay mas nafocus ako sa mga salita na sinabi niya.
"Sir, kung may problema po kayo at dinadamay niyo pa ang girlfriend ko, pwede niyo na siyang layuan," sabi ng boses na yun, at nagulat ako.
"Totoo bang boyfriend mo siya?" Tingin sa akin ng matandang lalaki, at nanginginig akong tumango.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, at agad kong niyakap ang lalaki na nagligtas sa akin matapos na basta na lang kaming iwan ng matandang lalaki.
Nakayakap ako sa kanya at naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya kaya naman agad akong napahiwalay. Bakit ba agad akong umaksyon?!
Nanginginig ako sa takot sa nangyari, kaya naman hindi ko rin masyadong masisi ang sarili ko sa nagawa ko.
"Thank you. Um, thank you sa pagligtas sa akin," sabi ko, at tumingin na sa pagmumukha ng nagligtas sa akin.
"Wala yun, I would do anything to save someone who is in danger-" sabi niya, kaya lang nang magtama ang paningin namin ay sabay nanlaki ang mga mata namin.
I blinked rapidly, not believing what I was seeing.
"S-So, you kept my jacket, huh?" Mahinang tanong niya, sabay lingon at iwas ng tingin sa akin.
Namula naman ang mga pisngi ko sa narinig ko, at narealize na tama ang hinala ko. Siya nga. And what was most embarrassing ay suot ko ang jacket niya!
"I-I guess. I can give it back, Hanbin-" sabi ko, ngunit agad naman niyang hinawakan ang wrists ko nang akma kong aalisin ang jacket dahil sa hiya.
"A-Ah, that's not what I meant! You can keep it, Tamara-"
"So we met. Again." Pagputol ko, at agad naman siyang tumango.
"Like how we promised, foolishly, that one rainy night as we both ran away," sabi ni Hanbin, at tumango naman ako sabay ngumiti.
Nag umpisa naman na ako sa paglalakad at napansin na sinusundan niya ako, kaya naman natigil ako.
"Saan ka?" Tanong ko, at nabigla naman siya. Lumingon lingon pa siya sa paligid, sabay tumingin sa akin pagkatapos.
"Ako? Um, Japan."
"Really? Ako din,"
And so, we found ourselves tangled with each other after years of not meeting.
![](https://img.wattpad.com/cover/190595369-288-k240631.jpg)
YOU ARE READING
be i ♤ kim hanbin
Fanfiction♤ ikon series #1 ♤ "the show has now begun, it's my time now," tamara song is that type of girl who always run away. kapag kasama niya ang mga kapwa niya trainee, siya yung maaasahan at maituturing na lider sa kanila. but when her problems occur, sh...