be i ♤ three - cool

12 1 2
                                    

"Tamara, kamusta yung collab?" Tanong ni Yugyeom sa akin, nang magkita kami dito sa Japan. Nandito rin pala sila, kaya lang ay isang oras na lang bago sila makaalis.

Naextend kasi ang stay ko dito, at isang araw pa ang itatagal ko, ganun rin sina Hanbin at Haruto. So, in the hotel, nagulat nalang ako nang bisitahin ako ni Yugyeom.

"Ayun, naextend pa ng isang day ang pagrecord namin dito. Pero in fairness, ang bilis na magawa," sagot ko naman, and he chuckled.

"Si Hanbin yan, e. Bilib rin ako sa kanya. Ang galing galing niya," sabi ni Yugyeom, kaya naman ay napangiti ako.

"Oo nga," sagot ko.

He sat down next to me, at saka inilagay sa likod ng tenga ko ang ilang buhok na nakababa, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"But kahit na ganun, loyal ka sa JYP, ha? Kami ang family mo, ka-Nation mo. Wag mo kami ipagpapalit," sabi niya, na may halong pang aasar. Lahi yata ng mga taga-JYP ang asarin ako. Mas bata man sa akin o hindi. Tsk.

"Siraulo, bakit ko naman kayo ipagpapalit?" Tanong ko, and he chuckled.

"Basta. Wag mo akong pagpapalit," he said, tapos ay bigla na lang naglakad palayo at palabas ng hotel room ko.

I blinked rapidly, at saka ginulo ang buhok ko para maayos ang utak ko. Parang si Zach Love ng Face Your Fears.

"Luh, sira," sabi ko, at saka tumayo.

Pumunta naman ako sa may desk dito at saka tinignan ang mga isinulat ko kagabi after naming makauwi ni Hanbin. Somehow, I found myself writing a song about him. Ang ikinagulat ko lang sa sarili ko ay parang nagtutunog love song siya samantalang hindi naman kami o hindi rin naman kami hahantong sa ganun. Feeling creative lang siguro?

I shook my head, staring at the words my heart told me to write. Kim Hanbin, you inspired me this time. Again.

Bigla naman na nakarinig ako ng katok sa pinto ng hotel room ko, kaya ay agad kong binuksan yun to see Kim Hanbin himself smiling at me.

I looked down nang maalala ko nanaman yung nasabi ko sa kanya kagabi. I love you. Tamara Song, minsan may pagkatanga ka rin, eh.

"Uhm, magrerecord na tayo. Nasa studio na si Haruto," sabi ni Hanbin, at nagising naman ako sa katotohanan. Right.

Oo nga pala. Nandito ka para magrecord, Tamara.

"Right. Tara na. Sorry, sorry," sagot ko, and then he chuckled before nodding.

Napatingin naman siya sa hawak hawak ko, kaya nanlaki ang mga mata ko kaya itinago ko yun sa likod ko. I was sure na may nabasa siya dun kahit na kaunti.

"Hmm, hiding something?" He teased, kaya naman I groaned.

"Kim Hanbin. Tara na. Wag mo na isipin to," sagot ko sa kanya, and then he smiled before nodding.







"It's pretty, Tamara. The title. Midnight Getaway. I like it." He said, habang naglalakad na kami papuntang studio.

Namula naman ang mga pisngi ko. Hanbin, that was inspired by you, you know?

"I want to experience that with someone. A midnight getaway. Escaping all the stress and pressure placed on you," I said, smiling.

"Yeah. Me, too. Hey, how's JYP?" Sabi niya sa akin, smiling.

His smile looked so good. Sana lagi nalang siyang nakangiti. I can see it in his eyes. He's stressed. He's dealing with something. I didn't wanna point it out so I stayed silent.

"Hmm, let me see. It's pretty much okay. Pakiramdam ko rin is free ako sa genre ng music ko, since soloist ako. Kaclose ko rin yung mga idols under JYP. Minsan nga super close pa sila kasi as in dedemonyohin ako. Kanina nga lang, si Yugyeom andito pala. Pinagtripan ako, nawiwirdohan ako sa mga sinasabi niya," sagot ko sa kanya, and his brows shot upwards.

"Yu...gyeom? Got7?" Tanong niya, and I nodded. "I guess, you're pretty close. Andito na pala tayo. Let's start."






I fiddled with my fingers. Umalis na sina Haruto at Hanbin sa studio, but I offered to stay instead of taking the three hours left to rest. Tatlong oras nalang kasi ay pupunta na kami sa airport kaya naman ay nagpahinga yung dalawa ng saglit. Sa plane nalang siguro ako iidlip.

Inilabas ko ulit yung lyrics na isinulat ko kagabi, na siyang itinago ko sa bulsa ko. Nakatupi pa siya so I unfolded it, and analyzed the lyrics.

I clicked away on my phone at nakita yung beats na ginawa ko nuon, thinking that it suit the lyrics perfectly well.

I then called my manager, since he is probably awake. Agad naman niyang sinagot yun.

"Manager-niiiiim," tawag ko, and then I heard him humming.

"Hmm? Ano? Anong kailangan mo?" Tanong niya, and I grinned.

"Studiooo. Punta ka please? May gusto akong irecord. Nagpapahinga na sina Hanbin. Alam mo naman paano diba?" Sabi ko, and then I heard him sigh

"Sige, sige. Alam kong hindi ka matatahimik kung hindi mo narecord yan. Papunta na ako,"

"Yay! Thank you manager-nim! You're the best!" Sabi ko, and then he hummed again before ending the call.

I looked down at the lyrics again, smiling. Midnight Getaway. Sana maulit.

Siguro sampung minuto akong naghintay bago dumating si Manager. He then asked for the beats kaya naman ay tinransfer namin yung ginawa ko at saka nag-umpisa na.

I went to the booth kung saan ako kakanta, and then nervously clenched my fists. I suddenly started thinking of Hanbin as the track started playing.

"Midnight getaway
I wish that time would stay
With you, my moon boy
I'd never dream of anything else
Just so beside me, you'd stay
My mind is filled with thoughts of you

Midnight getaway
I wanna stay this way
With your hand laced with mine
These words I never thought I'd say
My moon boy, please don't go away
Always be my midnight getaway,"

After I finished singing without any interruptions, nagulat ako nang pagbalik ko kay Manager ay pumapalakpak siya at katabi na rin niya si... Hanbin.

My cheeks heated up, at natawa naman si Manager.

"That was great. May pinaghuhugutan ka ba? I think you aced your song. I wasn't able to see any flaw," sabi ni Manager, at aksidente naman na napatingin ako kay Hanbin only to see him staring at me.

When he gave me a soft smile, my heart skipped a beat.

Shit.

be i ♤ kim hanbinWhere stories live. Discover now