be i ♤ eight - ikon

5 0 0
                                    

"I'm the princesss!" Sabi ni Hanbyul, kaya naman ay napangiti ako at saka ipinatong sa kanya ang tiara na nasa may gilid ng table niya.

Nakaupo ako sa may floor, habang may cameraman na sumunod sa amin dito since nandito rin si Hanbin. Ang ilang cameraman rin ay nasa may living room naman, probably waiting for iKON's arrival. Hanbin was sitting beside me, a smile on his face as he watched his little sister.

"Unnie, you'll be the queen. Oppa, you're the king!" Biglang sabi ni Hanbyul, and I felt a blush creeping on my cheeks.

Hanbyul... ano baaa?

Narinig ko naman na nag-chuckle si Hanbin, bago siya sumagot.

"Wala naman kaming crown," sabi ni Hanbin, kaya ngumiti ng malawak si Hanbyul bago may kunin sa may drawers.

"Oh, what's that?" Tanong ko naman, at saka nagtinginan kami ni Hanbin.

Lumapit na sa amin si Hanbyul, grinning as she showed us two plastic crowns almost like hers. I giggled, at saka niya ipinatong ang crown na yun sa akin. Sumunod naman ay inilagay niya kay Hanbin ang isa which made me laugh dahil nangingiti ngiti siya.

"Feel na feel, Hanbin!" Pang-aasar ko, at tumawa naman siya.

"Syempre. I'm the king nga daw, eh," sabi ni Hanbin, and I smirked at him.

"I'm the queen naman! Hanbyul's our princess," sagot ko. Napangiti kami sa isa't isa. Not a playful or teasing smile, just a genuine smile directed at each other.

Nagising ako sa trance nang hawakan ni Hanbyul ang kamay ko. Ganun rin ang ginawa niya kay Hanbin, at saka pinaghawak ang mga kamay namin. Hala.

I felt my cheeks heat up, pero idinaan ko nalang sa tawa para hindi halata. Naalala ko, finifilm nga pala kami. Baka mamaya ay anong masabi ng fans niya at ng fans ko sakaling mapanuod nila ito.

"Kings and queens should hold hands. Oppa, hold my other hand. Lalabas po tayo ng room! Papakita natin kay mommy," sabi ni Hanbyul, making Hanbin chuckle.

"Mama will be proud, right?" Sabi ni Hanbin, at napangiti naman ako. Close na close talaga sila.

"Of course! Tara na poooo!" Sabi ni Hanbyul.

Tumayo naman kami, at hinawakan ni Hanbyul ang kabilang kamay ni Hanbin. Binuksan ko ang pinto, at sinundan na kami ng cameraman sa labas.

Natigilan naman kaming tatlo sa paglalakad nang tumambad sa amin ang buong iKON. Teka-

"HANBYUUUUUL!" sigaw ni Junhoe, at saka agad na sinugod si Hanbyul.

Hanbyul squealed in delight, binitawan ang kamay ni Hanbin at saka nagpabuhat kay Junhoe. Ang cute! Nagbatian naman sina Hanbin at ang ibang members ng iKON, kaya I just smiled sa tabi niya.

"Hyung, ano 'yan? Holding hands pala, ha?" Pang-aasar ni Junhoe, kaya naman ay nanlaki ang mga  mata ko bago ihiwalay ang kamay ko sa kay Hanbin.

Hala! We were still holding hands pa nga pala! Ano ba 'yan!

Nagtawanan ang members, at sinaway naman sila ni Hanbin.

"Mga sira, si Hanbyul kasi pinaghawak kami." Sabi ni Hanbin, and then tumango naman ako.

"Teka, hala! Wow, Tamara Song! Fan akoooo!" Sabi ni Jinhwan, and I smiled before bowing.

"Annyeonghaseyo, Tamara Song ibnida. Nice to meet you!" Sabi ko sa kanilang lahat, and then I felt Hanbin placing an arm around my shoulders.

I was slightly taken aback, but I acted as if it was normal. Kasi naman, eh. Bakit ba andaming nagaganap sa isang araw?

"Get ready? Showtime! Hello, we are iKON!" Sabay sabay na sabi nila, bukod kay Hanbin na katabi ko ngayon.

"Kim Jinhwan!"

"Kim Jiwon! Call me Bobby,"

"Song Yunhyeong!"

"Kim Donghyuk!"

"Koo Junhoe! June nalang, pwede naman,"

"Jung Chanwoo! Call me Chan, if you'd like,"

"Everyone, dinner's ready!"

Nang tawagin kami ng mommy ni Hanbin para magdinner na, lahat naman kami ay napatingin dun at sumunod nalang. Hanbin guided me, habang nakasunod naman sa amin 'yung members ng iKON and of course, yung cameramen.

Reaching the dining room, naupo na kaming lahat at saka hinapagan ng pagkain. My eyes were probably twinkling dahil hitsura palang, mukhang masarap na ang kakainin namin! Aaaaagh!

Naramdaman ko naman na hawakan ni Hanbin ang wrist ko kaya ay napatingin ako sa kanya. He smiled at me bago niya ako serve-an ng pagkain.

"O-Oh, thank you," sabi ko, and he chuckled.

Ako naman ang naglagay ng mga inumin namin. Hanbyul was sat on my other side since Hanbin was on my left. She was grinning, her crown almost slipping kaya nang maupo na ako ay inayos ko iyon.

Tinapatan kami ng camera, kaya naman ay kinuha ko ang isang kamay ni Hanbyul at nagwave kami sa camera. She giggled, and nagdaldalan naman na ang iKON.

"Hyung, gustong gusto ni Hanbyul si Tamara. Paano ba 'yan?" Pang-aasar ni Donghyuk, kaya naman ay natawa ako ng kaunti.

"Ayos lang. Pag si Hanbyul naattach ng sobra sa kanya, kailangan niyang bisitahin ng madalas. Hahaha!" Sagot naman ni Hanbin, kaya tinignan ko siya.

"Edi gagawin ko. Unnie nga niya ako. Diba, Hanbyul?" Sabi ko, and tumango naman si Byul kaya nag-apir kami.

"Tamaraaaaa, selca tayo mamaya," sabi ni Jinhwan, kaya naman nangiti ako at saka tumango.

"Ako rin!" Junhoe said, and I chuckled saka tumango.

"Iwan mo si Hanbin, collab tayo!" Nang-aasar na sabi ni Bobby, kaya naman ay natawa ako.

"Hanbin, paano ba yan?" Pang-aasar ko rin kaya nagtawanan kaming lahat.

Even his mum looked so amused. Tumingin sa camera si Hanbin, saka nagsalita.

"Inaagaw ni Tammi lahat sakin. Inaagaw rin ng iKON lahat sakin. Hindi ko alam kung tamang choice ang pagsama-samahin sila," sabi ni Hanbin, making me poke his side but he caught my finger at saka tinitigan ako. He smirked at me, at saka nag-wink kaya naman nabigla ako.

I blinked rapidly, at saka inagaw ang daliri ko. Natawa naman siya samantalang ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Habang nakatitig siya kanina ay kinabahan ako, at di ko 'yun mapaliwanag. There was something about it that made me feel this strange feeling. Hay nako, Hanbin!

Nagulat naman ako nang bigla siyang may ibulong sa akin.

"Lie to me, and tell me you didn't feel a thing with that,"

Hanbin, wag mong guluhin ang isipan ko. Please.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

be i ♤ kim hanbinWhere stories live. Discover now