Prologue

1.1K 33 5
                                    

JULIA

"Hoy Julia ano na? Alam mo naman na mapapagalitan tayo nila Klang kung mahuhuli tayo diba? Kung ako sa'yo, titigil-tigilan ko na yang pagmumukmok mo dahil wala din namang mangyayari. Hindi ikaw yung gustong pakasalan nung ex mo kaya hindi ikaw yung niyaya n'ya, at wala ka nang magagawa don. Buti nga, habang maaga, nalaman mo na niloloko ka lang n'ya diba? Jusko, dun pa lang sa araw-araw kayong nag-aaway, ako na yung natotoxican sa inyo, at hindi pa kayo laging magkasama non ha. Eh papa'no na lang kung mag-asawa na kayo at araw-araw kayong magkasama? Aba, baka hindi ka na namin makilala dahil lagi kang puro pasa at black eye. So kung ako sa'yo, lalabas na ako dyan sa kwarto ko at sasama sa amin dun sa premier night nung movie nating lahat na See You in Hell. Alam mong mas gugustuhin ng mga kaibigan natin kung nandun tayong lahat para sumuporta. Bangon na dyan at isang oras na lang at susunduin na tayo dito." inis na bumangon naman ako sa pagkakahiga nung narinig ko yung sinabing yon ni Pining. Hmmp! Palibhasa, masaya na s'ya sa lovelife n'ya kaya hindi man lang n'ya iniisip kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ba n'ya alam kung gaano kasakit sa akin na malaman na ikakasal na pala si Guillermo? Alam naman nila kung gaano kamahal yung lalaking yon diba?

Ang hayop na 'yon, dahil lang hindi ko kayang ibigay sa kanya yung hinihingi n'ya, ayun, nambuntis ng iba at ngayon, ikakasal na sila. Jusko, kung alam ko lang na gusto lang n'ya ng parausan, eh di sana, ibinili ko s'ya ng sex toy na kepyas, leche s'ya! O kaya sana ikiniskis na lang n'ya sa pader yung init na nararamdaman n'ya! Hindi man lang nakapaghintay. Sabi ko naman sa kanya na ibibigay ko naman sa kanya yon kapag ready na ako. Eh anong magagawa ko kung hindi pa talaga ako ganon ka-ready. Buti na lang pala. Dahil baka kung pumayag ako sa gusto n'ya noon, malamang, ako na yung may punla sa sinapupunan.

At masyado pa akong bata para don. Ang dami ko pang pangarap sa para sa pamilya ko. Ngayon pa lang ako nagsisimulang makaipon para mabili yung gustong isdaan ni Itang don sa Batangas. At gusto ko, habang malalakas pa sila, maranasan na nila yung ginhawa sa buhay. Kaya nga pagkagraduate na pagkagraduate ko noon, naghanap agad ako ng trabaho. Buti na lang talaga at may mga kaibigan ako na sikat kaya hindi ako nahirapan sa pagpasok sa dream job ko sa isang TV network. At in fairness, habang tumatagal ako, mas tumataas yung sweldo, at bukod don, kinukuha din ako minsan nila Meng na extra sa mga ginagawa nilang serye o movie kaya ayun, dagdag na rin sa ipon.

At ngayon nga, kahit gusto ko pang magpahinga muna at magmukmok dito dahil sa nangyari sa amin ng hayop na Gimo na yon, eh mapipilitan akong sumama sa kanila dahil alam kong kung hindi ako sasama, bukod sa pagbubunganga ng mga kaibigan ko, baka masapak pa ako ni Klarisse dahil nangako kaming lahat sa kanya na susuportahan namin s'ya sa premier night nung movie. At hindi lang yon, nasa akin nga pala yung tarp na pinagawa n'ya para kunwari daw sikat na s'ya at may 'fan club'. So eto, wala akong magawa kundi mag-ayos at harapin ang masalimuot na mundo.

Bukod don, kailangan ko ring harapin yung sweetness ng mga leche kong kaibigan sa mga jowa nila. Ni hindi man lang sila marunong mag-excuse me kung magyayakapan, maghahawakan ng kamay, maghahalikan, at maglalampungan sila sa harap ko. And to think, alam nila kung ano yung pinagdadaanan ko ngayon. Palibhasa, ayaw naman talaga nila kay Gimo para sa akin. Sabi pa, ginagamit lang daw ako non para makakilala ng mga bakla o matronang mayayaman sa showbiz para huthutan n'ya. Medyo grabe yung pagjujudge nila don, pero totoo pala. At bukod sa mga matrona at bakla, ayun nga, di pa nakuntento, nambuntis pa ng starlet. Kaya magsama sila. Ang papangit nila!

"Ayun, lalabas din naman pala. Akala ko, paghihintayin mo kami sa wala dito. Buti na lang pala, naisipan nitong si Anastasia na puntahan ka naming dito dahil kung hindi, malamang, malagot kaming tatlo kay Klang. Alam mo naman kung gaano kastressful yung pinsan kong yon diba?" napatingin naman ako sa tatlong nasa harap ko ngayon. Himala, hindi yata nila kasama yung mga jowa nila. Well, si Tasing naman, talagang wala naman yung jowa n'ya dito. Nasa ibang lupalop pa, pero ang alam ko, malapit na ring umuwi para yayain s'yang magpakasal. At hindi ako bitter don, hindi talaga, kinginang yan! Eh s'ya na yung ikakasal na rin, leche!

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon