Chapter 2

384 29 4
                                    

JULIA

"I joined this competition because it was really my dream to represent the Philippines in the Miss Universe Pageant and of course, to win for our country. Plus, I wanted to prove myself to somone from my past that I could be the most beautiful girl in the world, oh, the universe rather." at ayun na naman yung palakpakan nung lumabas sa screen yung interview na 'yon kay Celestine.

Makikisali din sana ako sa palakpak tulad nang kanina ko pa ginagawa, pero may bigla akong narealize sa sinabing n'yang yon kaya takang tumingin ako sa pinsan ko.

Paglingon ko sa kanya, nakatingin lang din s'ya sa akin at nakasmirk na para bang sinasabing alam n'ya kung ano yung tinutukoy na 'yon ng kaibigan n'ya.

Nanlaki naman yung mga mata ko at napaawang yung bibig ko nang maalala ko yung nangyari bago kami magkahiwa-hiwalay. At mukhang naintindihan din yon ni Rian dahil tumango-tango lang s'ya sa akin.

Luh, seryoso?

---FLASHBACK---

"Ay ano ga iyang nginunguso-nguso mo diyan, Cardeng! Ay dapat ay masaya ka sapagkat ikaw ulit ang nakakuha ng pinakamataas na marka. Aba'y kung ako iyan, malamang ay nagpapista na ang aking Inang at Itang. Lukot na lukot yang mukha mo ay. Ano ga ang problema mo?" tanong ko agad pagkalapit na pagkalapit sa akin ng pinsan ko.

Bigayan lang kasi ng card namin ngayon kaya wala na kaming klase pagkatapos kaya lamang ay hindi pa kami pwedeng umuwi dahil kailangan pa naming hintayin yung service namin. Sayang, manonood pa mandin ako sana ng Meteor Garden dahil crush na crush ko si Watsiley. Buti na lang at may replay mamayang gabi. Yun na laang ang aking papanoorin.

"Tingnan mo nga ako, Julya," utos niya sa akin na agad ko din naman sinunod. O anong meron sa itsura niya? "Ako ga'y panget?" tanong n'ya matapos ang ilang sandali na ikinatawa ko naman.

Ala eh, ano ga yung pinagtatanong nitong taong are? Bakit kailangan kong sagutin kung pangit s'ya o hindi?

"Ay wag kang tumawa. Ako ga'y sagutin mo pagkat importante na malaman ko." inis na sabi pa n'ya kaya agad ko din siyang sinunod. Aba mahirap na. Kung hindi ako susunod sa kanya, eh baka hindi ako ilibre ng mangga na may bagoong ni Mang Kanor sa labas mamaya. Mas marami kasing baon na natitira si Cardeng kaysa sa akin dahil hindi naman s'ya mahilig bumili ng pogs, teks, at holen. Ako kasi'y doon nauubos ang baon ko.

Ay pero hindi dapat iyon malaman ng Inang ko dahil inakupo, kapag nalaman n'ya iyon, paniguradong ilalaga niya iyong mga teks ko at ipapainom sa akin. Sasabihin na naman na total, mas binibili ko iyong mga iyon kaysa sa pagkain.

"Ala eh, bakit mo kasi iyong kailangang itanong? Alam mo naman ang isasagot ko. Magpinsan tayo, eh di malamang, gwapo ka. Bakit, may nagsabi ba sa iyo na ikaw ay panget? Ituro mo sa akin at nang makita niya yung hinahanap niya!" sagot ko sa kanya na mas lalo naman n'yang ikinasimangot. Aba'y may mali ba sa sinabi ko? Mas gusto ba niyang sabihin kong siya'y panget? Ay hindi naman talaga eh. Pagkagwapo kaya niya. Marami ngang nagsasabing kami daw yung magkamukha sa aming magpipinsan eh.

"Isa pa iyan. Bakit ba mas brusko ka pa sa akin? Kaya hindi ako magkaroon ng nobya at ako'y tinutukso ng mga kaklase ko na ako daw ay bakla eh dahil diyan sa lagi mong pagtatanggol sa akin. Hindi ko daw ga kayang ipagtanggol yung sarili ko? Bakit daw ako laging umaasa sa iyo?" sukat don at napagalpak na ako ng tawa. Ay iyon laang pala yung pinoproblema niya eh akala ko'y kung ano na.

"Nobya? Ay iyon baa ng iyong pinoproblema? Nakupo naman Cardeng, pagkabata-bata pa natin eh iyan na agad ang iniisip mo. Aba'y ang gusto nga ng Inang mo eh kapag nagtatrabaho ka na magkanobya para hindi ka ma-distrak diyan sa pag-aaral mo. Ay bakit ga nagmamadali ka? May lakad ka ba? Maiiwan ka ba ng bus?" biro ko sa kanya.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon