JULIA
"Ako ga'y may itatanong sa iyo, Julya." napatigil naman ako sa paglalagay ng balat ng dalandan dun sa magkabilang dulo ng ballpen ko. Ano ga areng lalaking are, alam naman na ako'y may ginagawa ay nang-iistorbo pa rin. Ay alam ko naman kung ano yung itatanong niya. Ay malamang ay tungkol na naman dun sa babaeng sinisinta niya. Pagka-excited talaga ng pinsan kong ito. Sinabihan ko nan gang kumalma lang siya dahil hindi naman sa mabilisan dapat makuha yung gusto niyang mangyari. Hindi naman ganuon kadaling makipagclose sa isang tao. Ay hindi naman porke nagkausap na kayo ng isang beses eh, matalik na agad kayong magkaibigan.
"Kung iyan ay tungkol sa iyong iniirog, ika'y maghintay pagkat nagsisimula pa laang ako. Matagal-tagal pa naman yung birthday mo." sabi ko pa at pagkatapos ay pinagpatuloy ko yung ginagawa ko at itinapat dun sa batok nung kaklase kong nasa harap ko.
Agad kong itinulak nung tinta ng ballpen iyong balat ng dalandal sa kabilang dulo, at agad ding tumama yung isa sa batok ni Marcelo. Nagpatay-malisya naman ako nang lumingon-lingon siya sa kung nasaan ako. Humarap ako kay Cardeng na para bang busy talaga kami sa pinag-uusapan namin. Sobra yung pagpipigil ko sa pagtawa ko dahil don. Nakakatawa naman kasi yung reaksyon ni Marcelo. Pero mabuti na iyon sa kanya sa kanyang ginagawa sa aking pinsan. Masyado niyang pinagtitripan si Cardeng lagi.
"Hindi naman iyon. Alam ko naman na ginagawa mo ang lahat para maimbitahan si Celestine sa kaarawan ko." sagot naman niya at tumango-tango ako.
"Ay mabuti kung ganoon. Eh ano ga ang itatanong mo?" tanong ko pa bago pasimpleng tiningnan yung pwesto ni Marcelo. Nang makita kong hindi na siya nakatingin sa akin. Sinumpit ko ulit siya ng balat ng dalandan. At tulad kanina, ako'y nagpatay-malisya na naman dahil alam kong ako'y malalagot kapag nalaman niyang ako yung nanumumpit sa kanya.
"Ay bakit hindi mo pa sagutin si Ariel? Pagkagwapo naman niya at pagkabait pa. Ay hindi ko nga alam kung ano yung nakita ng lalaking iyon sa iyo. Ay hindi ka naman kagan---" napatigil naman siya sa pagsasalita nang tumingin ako ng masama sa kanya. Kapag-anak ko talaga siya eh ano? Grabe yung suporta niya sa akin.
"Paulit-ulit ko namang sinasabi sa inyo na wala pa nga sa isip ko iyan. Ay kahit pa si Stefano Mori ang manligaw sa akin ay hindi ko pa rin siya sasagutin. Kahit mukha pa niya yung nakadikit sa diary ko. Ang importante kasi muna sa akin ay makapag-aral ng maayos at makapatapos para kila Inang. Ay makakagulo laang iyang pag-ibig na iyan sa goal ko. Saka na iyan kapag ako'y nagkaoras na. Sa ngayon ay wala pa talaga." sagot ko habang tumitingin ulit sa paligid ko. Pagsumpit ko ulit kay Marcelo, napatigil ako nang may marinig akong mahinang tawa. Paglingon ko, nakatingin pala ni Celestine yung ginagawa ko at tawang-tawa din siya sa reaksyon ni Marcelo. Galit na galit na kasi ang damuho dahil hindi niya mahuli-huli kung sino iyong gumagawa noon sa kanya.
"Ay ipagpalagay natin na pwede ka na magkaroon ng nobyo. Tingin mo ba'y iyong matitipuhan si Ariel?" tanong pa rin niya kaya napailing ako. Ay napakainteresado naman nitong si Cardeng sa panliligaw sa akin ni Ariel. Ay bakit kaya hindi naman lang siya sa lalaking iyon magpatulong?
"Hindi din siguro. Wala kasing kuryente. Walang spark ba. Basta. Hindi ko maipaliwanag. Ay bakit pala hindi ka na lang sa kanya magpatulong kung papaano manligaw? Tingin ko nama'y close sila ni Celestine dahil ang alam ko'y magkababata ang dalawang iyan. Ay bakit hindi mo subukang tanungin siya kung papaano mapapaamo yung babaeng gusto mo? Ay malay mo'y makatulong iyang si Ariel sa iyo." suhestyon ko sa kanya pero siya'y sumimangot lamang.
"Ayoko. Mahirap gawing tulay ang isang tao. Baka magising na lang ako isang araw na silang dalawa na ang nagkakagustuhan." sabi pa niya kaya naiiling na kinuha ko na lang yung tubig na hawak-hawak niya. Kanina pa rin ako nauuhaw pa pangtitrip ko kay Marcelo.