I tried to eat fast that time para hindi na pahabain pa ang awkwardness na nararamdaman namin. Nahalata kong wala siyang pake. ayos at hindi atubili ang kanyang pagkain. Tumayo ako para kumuha ng juice, binagalan ko din ang pagpili kung alin ang iinumin ko, lowkey waiting for him to finish eating.
Natapos siya at nilagay sa dishwasher ang mga platong ginamit namin. I decided to sit on my couch and watch the TV again, nahalata kong tapos na siya sa ginagawa niya kasi umalis na siya sa may kusina, nakita ko lahat mula sa gilid ng mga mata ko.
"I think I'm actually done for today. I'll be here by 9 AM tomorrow, I won't wake you up so that you can have enough sleep. Please use the remote if needed." He said, habang nagpupunas ng kamay niya gamit ang puting tuwalya. Tumango ako at kumaway, lumabas siya at parang may disappointment na naramdaman nung umalis siya. 'Yun na 'yun?
Nung gabi din iyon ay nakatulog ako agad agad dahil sa pagod, nung gumising ako ay nagmadali akong tignan ang phone ko. It was 9:32 na nung tinignan ko, I sighed. Hindi ko siya naabutan. Bumaba ako para kumain at nakita kong may nakahanda ng mga pagkain doon. Sunny-side-up eggs, fried rice at toasted bread. Umalis na nga siya.
Nung hapon na 'yon ay nagpasya akong lumabas at gumala sa buong village, ang nakita ko doon ay sunod sunod na nakahilerang mga magagarbong mga bahay. The soft and cold breeze touched my skin, napangiwi ako dahil sobrang tahimik doon at tila walang mga tao; narinig ko lamang ay ang hangin. I was too convinced that there was no one in the street, I was wrong. May grupo ng kabataan na halos kaedad ko lang ata sa labas ng isang bahay, nagkunwari akong walang pake at may pakay na iba pero tumingin sila sa'kin. Ang isa ay sumipol at ang iba'y tumawa nalang.
Nagulat ako ng biglang naglakad sila patungo sa'kin. Napaatras ako. "Hey. We don't mean harm. We won't hurt you. My name's Reiniel, what's yours?" Sabi ng isang doon. Ang mga mata niya'y singkit at malalaman mo agad na guwapo siya. Puti ang kutis, ang tangos ng ilong at ang kapal ng kilay niya. Add the fact that his style is something girls will love, not the fuckboy time but like, the malinis type.
"I'm Ariallene. Call me Aria, though." I introduced, tinanggap ko ang kamay niya. He smiled, lumabas sa kanyang mga pisngi ang dalawang malalalim na dimples. He's cute. I won't deny it. But the one in the back captured my eyes, ang kanyang mga mata'y kayumanggi, ang labi'y mapupula, katamtaman lang ang laki ng ilong at napakatangos nito at ang kanyang mga kilay ay hulmang hulma at makapal.
Nahalata ata nila ang bigla kong pagtingin sa likod. Napatingin din sila dun at napagtanto kung sino ang tinitignan ko, they laughed, I smirked at them back. Ngayon pa ba ako papatalo sa pangaasar? "Oh! Seems like someone's crushing on you, Jethro. What a venomous human you are." Sabi nung isa sakanila. Hindi ko man kilala, tinignan ko padin siya ng masama, tumawa siya ng malakas. "Hi, I'm Mattia." Nilahad niya ang kamay saakin at tinanggap ko ito, ngumiti din ako sakanya pabalik.
Lahat sila ay nagpakilala sa'kin, nasabi ko din na kakalipat ko lang dito at akala ko walang nakatira dito. They said no, pinapunta din sila ng mga magulang nila dito para ihanda sa paghahandle ng companies nila. I asked them kung bakit dito and they said that every Friday, may schedule na pupunta sa may venue sa dulo ng Village, ang lessons for proper manners and such. Hindi nagpakilala sa'kin si Jethro, tahimik lang siyang nakaupo at tinitignan ako minsan. Tinitignan ko din siya, the thought of him being with me just grows caterpillars in my tummy. Kung siguro ay magiging totoo iyon ay magiging mga butterflies sila!
Pinapasok nila ako sa bahay kung saan ko sila nakita, it was huge like mine, kulay gold ang gate at maayos ang garden. May swimming pool din. The house's design seems different from mine, ayun lang pinagkaiba. This one seems like a perfect place for teenagers na gustong mag-party buong gabi. Makulay ito unlike saakin na moderno at puno ng kulay puti, kayumanggi at itim. This one's blue, violet, or whatever kind of color is that.
"Whose house is this again?" I asked them, nahalata kong kulang sila ng isa— when I saw them, 4 sila, wala si Dustin, ngunit nakita ko siyang bumalik ng may dala dalang malaking junk food. Ang saya ng mukha niya. Inalog alog niya ang hawak niya at tumalon talon na parang batang nakakuha ng premyong matagal na niyang gustong makamit.
"This is Jethro and Jein's house. They are fraternal twins or non-identical." Kiel said, explaning while showing me their living room. Nagulat ako dun, malayong malayo ang ugali ni Jethro sa kanyang kakambal. Mabait itong si Jein at palangiti, meanwhile, Jethro is serious and doesn't know how to smile. The introduction or I must say, house tour sa bahay ng magkapatid ended well. Nakitawa ako sakanila.
They asked questions about my family and I said that my grandparents own this Village. Mave bowed at me, sinundan naman iyon ni Reiniel. Hindi na nila maalis ang "Master" sa mga bibig nila. They officially now call me "Master".
Natawa nalang kaming dalawa ni Jein, habang si Jethro, pinaglihi padin sa sama ng loob. Still hot and handsome, though. Undeniable. My afternoon went that way, umuwi ako nung medyo madilim na. Nagulat ako ng nakita si Arkin na nasa kusina, tumingin siya sa'kin na para bang may gustong itanong. I was about to say something...
"Saan ka galing? Hinahanap ka sa'kin ni Madame. She was pissed when I said I didn't know where you were." Sabi niya, halata sa tono niya ang pagkairitado. Wow, I thought I am the boss here.
"Sa susunod na aalis ka, please tell me, ayokong mabahidan ng masamang records ang pagtratrabaho dito. I needed to do some chores even with the other houses but due to your reckless decisions of going out, hinanap kita. Ngayon, tambak na ako ng trabaho. Gagabihin ako ng uwi dahil doon kaya hindi ako pupunta at makakapagluto dito bukas. Tatawag na ako ng chef para sa'yo." He said, nakaiwas man ang tingin, alam kong makakapatay ang mga mata niya.
Nainis ako doon, pwede niya namang hindi ako hintayin at sabihin sa nanay kong may pinuntahan ako at hindi niya ako nahanap agad dahil lumabas ako ng bahay. "Okay, sorry, then. What should I do now? Kneel down? Damn, Sir." Sabi ko at umakyat ng hagdan. Padabog kong sinarado ang pinto, nilaksan ko talaga ito para marinig niya hanggang baba.
An hour passed, umalis din siya sa bahay. Bumaba ako para maghapunan. Nakakainis padin!
BINABASA MO ANG
The Edge of the Galaxy
RomanceAriallene Martinez is the only daughter of the Martinez family. Her family owns the title of being the most well-known and trusted one for the business world. When she reached 18, her family decided to teach her how to become a proper lady for futur...