Chapter 12

25 4 0
                                    

Andy’s POV

Nagising na ako bago pa lang makapagpark itong si Ken.  Hindi pa rin ako makatingin sa kanya dahil super awkward ng nangyari kanina,

But you love me……… NO! This isn’t right . Kaylangan kong sawaying ang sarili ko dahil pag nagpaloko na naman ako. Ako na naman ang masasaktan at ayaw ko na maulit yon.

“Let’s go.” Sabi niya. Hindi pa rin siya makatingin sakin.

“Okay. Una na ako sa lobby para macheck ko na yung accommodations natin.” Sabi ko sa kanya noong pagkakuha ko ng shoulder bag ko. Tumango naman siya at bumaba na rin binuksan ang compartment at inuha na ang mga gamit. Tumawid na ako para makapunta ako sa lobby ng resort.

Welcome Miss. How can I help you?” sabi ng babae sa front desk ng hotel. Tiningnan ko muna siya bago ako ngumiti. Desente naming tingnan itong babae. Hindi katulad ng iba na nagtataray.

“Hello! My name is Andrea Mendez and Im with Ken Marasigan. I just wanna check yung rooms naming medyo nakakapagod kasi yung biyahe e.” sabi ko sa kanya. Napatingin siya likuran ko at napasunod din naman ako ng tingin di ko naman akalain na si Ken ang tinitignan niya. Dala dala nito mga bag naming.

Ahhh…. Okay so si Mr.Marasigan po kasi tumawag na for the arrangement ng rooms niyo.”

That’s good!” sabi ko na ngiting ngiti pa. Nasa likod ko na ramdam na ramdam ko na yung init ng katawan niya sa likod ko. Napatingin naman ako sa babae na nasa harap ko her jaw dropped ng makita ng malapitan si Ken.

“Hello Sir. Good morning.” Nakangising bati nitong front desk clerk na Jenny ang pangalan na nakalagay sa nameplate niya. Napataas naman ang kilay ko. Obviously there’s something between them or magkakilala sila noon.

“Hey, Jen andito ka pa rin pala. Kamusta na mama at kapatid mo?” sabi naman nito ni Ken na lumapit habang binababa yung mga bag namin. Ito naming si Jen namula at halatang kinikilig.

“Okay lang po sila Sir. Thank you nga pala sa pagtulong niyo sakin sa pagpasok dito.” Tuluyan ng nagbago ang mood ko. Nababadtrip na ako. Dito pa bas a harap ko maglandian.

“Guys, if you want to stay here and chat .. you may do sio. But Im so tired. So can I get my room keys please.” Sabi ko interrupting their conversation. Napatingin sakin si Ken na mukhang amused. Napalaki naman ang mata nung Jenny at biglang nasabing “Ay ma’am sorry.” Nagtype siya bigla and handed me my keys. “Sorry po talaga Miss Andrea. Here, room 1106 po  kayo at 1107 naman po si Sir.” Iniabot niya na rin yung keys ni Ken na nun lang nawala yung pagkakatitig sa akin.

“Thanks,”tipid kong sagot at umalis na ako agad na dala ang gamit ko . Konti lang naman kayang kaya ko na buhatin.

Wala akong narinig na footsteps behind me kaya alam kong hindi ako sinundan ni Ken. Ano ka ba andrea! Hindi ka naman girlfriend para sundan o suyuin. Saway ko sa sarili ko.

Narinig ko naman bigla ang tawa ni Ken na napakalakas. Well, I guess enjoy na enjoy siya makipausap kay Jenny. Napailing iling pa ako at sumakay na sa elevator dun ko nakita na nagtatawanan ang dalawa sa front desk. Kitang kita ko kung gano kasaya si Ken habang kausap si Jenny.

May kung anong kirot akong nararamdaman. Parang ganito din ang nararamdaman ko nung time na nilalandi siya ni Mariel. Pero mukha naman mabait itong si Jenny. At hindi na nga dapat ako nagiisip isip ng kung ano ano. Isa pa nilinaw na naman ni Ken na hindi niya na ako kukulitin. Does that mean na nakamove on na talaga siya?

Nakarating na pala ako sa 11th floor. Lumabas na ako ng elevator at dali daling hinanap ang room ko. While looking sa mga pinto ay may nabangga naman ako.

“Ouch! Sorry.” Sabi ko agad agad at nabitawan ko pa yung bag ko.

“No it’s fine. Sorry.”sabi naman ng nakabungguan ko. Kinuha niya na yung bag ko at ibinigay niya sa akin. Napatingin ako sa itsura ng nakabanggaan ko at nagulat ako dahil ang HOT HOT niya! Brown eyes, makapal na kilay , pinkish na lips…….. At ang muscles and abs niya ay halatang halata sa Vneck shirt niya! Omygosh! Namula naman ako ng tumikhim siya at sinabing “Miss tapos ka nab a tumitig jan?” natatawa pa siya. Namula naman ang mukha ko.

“Sorry. Nagulat lang ako.” Kinuha ko naman yug bago ko mula sa kamay niya.

“Its okay.” Tipid na sagot niya pero nakatitig pa rin siya sakin. Medyo nakakakilig pero nakakairita din naman.

“Uh, sige I’ll go na. Ito nap ala room ko.” Sabi ko pa napatingin naman siya sa pintong tinuro ko.

“Great , Maybe I’ll see you later.”sabi pa niya. Wow close lang?

“Maybe……maybe not” sabi ko pa. Napailing naman niya at sinabing..

“You’re something. I like you.” Nakangising sabi niya. Grabe naman to may pag ka mayabang.

Bye…..” yun lang sinabi ko. Tinalikuran ko a isya at pumasok sa room ko. Simple lang ang kwarto . Studio type nga lang e.

My thought drifted off to the man na nakabanggaan ko. Feeling ko that wont be the last time na ma-meet ko siya.

Napahiga ako sa kama at naalala ko na naman si Ken. Ni hindi niya ako sinundan. Nakikipaglandian pa siya dun sa babaeng yun.

Nagulat ako ng biglang may kumatok. Tumayo ako at binuksan only to see Ken na nakangisi mukhang ansaya ng loko.

“Hey, uhmmm.. If you need anything tawagn mo lang ako sa room. Tutal bukas pa naman yung meeting natin with the clients.”

“Okay magpapahinga lang naman ako. Baka mamaya lumabas ako.”

“Ay! Oo nga pala. Speaking of lalabas. Ako din may pupuntahan later. Pupuntahan naming ni Jenny yung Mama at kapatid niya.”Excited na excited pa ang tono habang sinasabi niya sakin.

Sige..” Sabi ko . Napatingin naman siya ng seryoso sakin.

“Sure ka? Pede naming……….” Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng sabihin kong “May kasama din ako later so Its really okay.” Sabi ko na pilit kong tinatakpan na nasasaktan at nagseselos ako. Hindi ko pa rin alam ang nararamadaman ko kasi hindi naman talaga dapat ako nakakaramdam ng iba kundi galit.

Nagiisip ako ng marinig ko siya magsalita “Sino?” mataas ang boses niya.

“Someone I met a while ago jan sa labas ng room.” I just shrugged . Pero kinakabahan kasi wala naman akong kasama mamaya paglabas ko.

“You just met him and yet sasama ka sa kanya?”

“I don’t see why this is such a big deal…. He offered to show me around. So I said Yes.” Sabi ko not caring na if nagsisinungaling na ako. May pupuntahan naman siya.

“But……”

“Please I wanna rest, bye,” I said and closed the door. Napasandal ako sa pinto at nasapo ang mukha ko ng dalawa kong kamay.

Naguguluhan na ako. Dapat pinapahirapan ko siya. Pero sa nangyayari ngayon ay ako ang nahihirapan.

Ngayon saan naman ako makakakuha ng makakasama ko mamaya sa pagliliwaliw ditto sa resort. Haay tanga kasi e. Selos ng selos ayan nakapagsinungaling ka pa. Kaylangan mo panindigan yan.

Humiga na ulit ako sa kama. Habang unti unti na akong inaantok ay nasa isip ko pa kung anong gagawin ko mamayang hapon………. Sino magiging kasama ko……

AUTHORS NOTE:

Will be uploading two more chapter today. (10/6/2014)

Happy Birthday sa Pinsan kong si Kuya Jeffrey :)

A Thin Line Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon