#MedyoChapterSix

54 2 4
                                    

Nagkulong ako sa kwarto buong maghapon, nagiging isang pa-emo na teenager.

Sa totoo lang, tinatamad lang ako lumabas. Nyahahaha.

Hindi ko nanaman masyado big deal yung panaginip ko. Napapanaginipan ko yun atleast once every year since my eighth birthday. Nasasariwa palagi sa akin. Parang laging pinapaalala sakin na ako yung dahilan kung bakit namatay si Mama at si Kuya Adrian. Hindi naman ako sinisisi ni Papa. Pero kahit na, pakiramdam ko talaga kasalanan ko. Natatakot ako tuwing may nagtatanong sakin kung nasaan yung mama ko, o tuwing may nagtatanong kung may kapatid ako at nagugulat tuwing umo-oo ako, tinatanong nila kung nasaan sila. Pero sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan napupunta ang mga tao kapag namamatay sila. Siguro ang mga Katoliko at mga Kristiyano, may konsepto ng heaven and hell; ang mga Buddhist, may konsepto ng reincarnation-mamatay ka at mabubuhay ka ulit hanggang sa mahanap mo na ang enlightenment. Minsan iniisip ko, kaya lang siguro nabuo ang konseptong yun kasi ayaw isipin ng mga tao na isang malaking itim lang ang kamatayan. Pag namatay ka, wala na. Ayaw nila isipin na ang mga mahal nila sa buhay ay mawawala lang at hindi mapupunta kung saan. Siguro naniniwala sila sa mga konsepto nila ng kamatayan kasi hindi nila kayang wala silang paniwalaan.

Kahit ako, hindi ko lubos na maisip na namatay si Mama at Kuya at wala lang, nabubulok lang ang katawan nila sa kabaong. Hindi ko alam kung nasaan sila, pero isa lang ang bagay na sigurado ako: Ako ang dahilan kung bakit nandoon sila sa kinaroroonan nila.

*****

"Hoy, hindi ka nagreply sa text ko!"-sabi ko kay Quentin pagkakitang-pagkakita ko sa kanya sa classroom.

"Wala akong load!"

"Walang load e naka-postpaid ka!"

"Talaga? Oo nga no."-napakamot siya sa ulo, mukhang inosente, bangag. Napatawa ako.

"Ikaw diba yung nagdala sa'kin sa clinic?"

"Ah, oo."

"Anong nangyari ba?" Medyo may naaalala ako. May tumakip sa bibig at ilong ko ng panyo tapos biglang wala na, wala na akong maalala. Ewan ko, siguro imagination ko lang yun.

"Nahimatay ka sa crowd, binuhat kita, dinala sa clinic. End of story." Napatingin kami pareho sa may pinto dahil nandun si Sheen, kadadating lang at sumigaw agad ng: "Pakopyang assignment!"

"Bagu-bago rin Sheen!"-sigaw ni Van. Hindi naman siya pinansin nito at lumapit kay James.

"Hoy James, peram nga nung notebook mo sa Chemistry."

"Ano ka, chiks?" Natatawang tanong nito. Tumawa rin kami.

Badtrip na umupo si Sheen sa upuan niya sa likod ko. Kinuha ko yung Chemistry notebook ko sa bag at binigay sa kanya. "Oh, yan. Libre PC mamaya ah." Ngumiti siya na parang isang batang nasa commercial ng Tender Juicy Hotdog. "Dabes ka talaga!" Ngumiti ako. "Alam ko."

Pumasok naman si Trevor sa classroom, hinawi yung buhok niya at ngumiti sa may direksyon ko.

Parang bumabagal nanaman ang ikot ng mundo...

*plays Diwata as background music*

Ang gwapooooo~

Ngumiti din ako at kumaway pa. "H-Hi." sabi ko, mesmerized.

Biglang nagbago reaksyon ng mukha niya at napatingin ako sa likod at sa gilid ko. Nagpipigil ng tawa si Sheen at Quentin.

ARGHH!!!!!!!!! NAKAKAHIYAAAAAAAA!!!!!!!!!!!

Di na nila napigilan at humagalpak na sila.

"HAHAHAHAHHA ADRIENNE!!!!" -Quentin

"HAHAHHAAHA. Hi!"- pangagaya sakin ni Sheen with matching high-pitched voice na hindi naman katunog ng boses ko.

Binawi ko naman agad yung Chemistry notebook ko kay Sheen.

Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo na si Trevor sa tabi ko. Ayoko humarap sa kanya. Masyadong nakakahiya.

Pumasok na yung adviser namin sa classroom at nagdiscuss na. Tinatamad ako makinig kaya tumulala ako sa bintana. Wala naman masyadong makikita sa labas kundi ilang buildings, poste, typical na view na makikita mo pag nasa urban area ka. Naisip ko tuloy na pag nagpalibot ako ng bomba sa first floor ng isang mataas na buillding, magcocollapse yung buo. Sa TV ko lang nakikita yun pero siguro ang cool nun pag sa totoong buhay. Ang dami kong naiisip. Inisip ko na biglang may nalipad na jet ang tatama sa building, tapos,  teka, may kumulbit sakin.

Humarap ako dun sa kumulbit sakin.

Si Trevor yung kumulbit sakin. Kyaaaa! Nakatingin siya sakin, teka, hindi lang siya. Lahat ng kaklase ko, pati yung adviser ko.

"Aidee, pwede mo ba ulitin yung sinasabi ko kanina?"

Ano bang sinabi niya?

Tumingin ako sa kanan, sa kaliwa, sa kisame, sa sahig, naghahanap ng sagot, pero wala akong makita.

"Ah, sabi niyo po 'Goodmorning class!' pagdating niyo."

Tumaas yung kilay niya at nagtawanan mga kaklase ko.

"Get out."

At lumabas na agad ako. There's no point in arguing. Isa pa, boring naman yung klase niya.

Dumiretso ako sa cafeteria. Bumili ng Chuckie at Burger at kumain magisa. Babalik nalang ako pag tapos na yung first subject.

Inisip ko si Trevor...

Kinulbit niya kooo! Nagkaroon ng contact yung balat niya at yung balat ko.

Simula na to!

Ahihihihi.

Kinikilig ako magisa sa table ko.

Ako lang ang tao dito sa cafeteria except dun sa mga nagtitinda at nagseserve ng pagkain. Lahat nasa mga klase nila.

Kung gaano ako katamad magbasa, ganun naman ako kahilig makinig sa mga kwento. Sa kwento ako mahilig, hindi sa mga lecture o sermon. Kaya kung kailangan mo ng mapagke-kwentuhan, ako yun. Minsan tingin ko sa sarili ko ay isang tenga, isang malaking tenga, hindi tao.  Lagi ako kine-kwentuhan ni Mich tungkol sa mga librong nababasa niya na wala akong balak basahin. May mga nake-kwento siya na nabasa niya sa Wattpad, una daw nagiging magkaaway ang babae at lalake, tapos mare-realize nilang gusto pala nila ang isa't isa, tapos ayun, magiging sila. Awayin ko rin kaya si Trevor?-sabi ko sa sarili ko. Meron namang kwento tungkol sa mga babaeng nanliligaw, mga babaeng desperada mapansin ng mga crush nila, tapos di kalaunan, magugustuhan rin sila ng crush nila. Pwede. -sabi ko ulit sa sarili ko. Meron din namang may mga magbespren na lalaki at babae, tapos si girl, matagal na palang may gusto kay boy pero si boy walang gusto kay girl,  tapos makakakilala si girl ng iba tapos magseselos si best friend, tapos ayun, minsan nagkakatuluyan sila ni best friend o kaya minsan nakakahanap ng iba si best friend. Si Quentin? Ako? Nakakakilabot. How about no? Merong mga panget na nagmake-over at nagkaroon ng lovelife. Di pwede sakin yan. Maganda ako eh. Meron din namang mga namamatay sa huli. No thanks. Merong mga nagiging katulong tapos naiinlab sa amo niya. Ako? Yaya? Uhh. No. Maraming kwento sa Wattpad, pero hindi ko alam kung saan nalalapit yung kwento ko ngayon kay Trevor. 

Kailangan ko magpatulong kay Sabrina at Mich. Marami silang alam sa mga ganito.

------------------------------------------------------------------------------------

Ge. Wala kong masabi. Hahahah!

Love Always,

Hazel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#MedyoLovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon