#MedyoChapterTwo

139 15 2
                                    

Bumaba na'ko ng jip sa kanto ng subdivision namin. Sa normal na subdivision lang kami nakatira, pinagalu-halo yung maliliit al malalaking bahay. Naglakad ako ng diretso, tapos lumiko sa kanan, tapos lumiko ulit sa kanan, tapos lumiko sa kaliwa at nadire-direcho. Medyo madilim na. Natatanaw ko na yung gate namin, color blue. Hinanap ko na yung susi ko sa bag ko at pinasok ko na sa keyhole. Naririnig ko yung magaspang na tahol ni Bulldog, yung aso ko na isang Bulldog. Pagpasok ko, lumapit siya akin, gumagalaw yung buntot. "Hi bulldooog! " umupo ako para himasin yung ulo niya hanggang sa likod. Dinilaan niya yung pisngi ko. Naglakad na'ko papasok sa loob ng bahay, at nakasunod naman si Bulldog sa'kin. Malawak naman yung bahay namin, pero hindi masyadong malaki. Mukhang bahay lang ng may-kayang pamilya pero hindi mayaman. Umakyat ako sa taas papunta sa kwarto ko. Malaki-laki rin naman yung kwarto ko. May cabinet sa left side na parang part na ng wall. Nung pinagawa kasi itong bahay, sinadya nang may cabinet,. Sa tabi nung cabinet ay isang malaking salamin, yung pang-full-body. Sa Kanan, yung study table na may Macbook ko. Sa corner, yung higaan ko na malinis ang pagkakaligpit na niligpit kaninang umaga ni Yaya Sabel,  at sa kaliwa nun, ay yung side table na may digital alarm clock. Binaba ko yung bag ko, nagbihis, bumaba, umupo sa sofa at nanood ng  tv. Tumabi si Bulldog sa'kin. Hinimas ko yung ulo niya.

"Oh Bunso,"-si Yaya Sabel "Kanina ka pa ba nakauwi?"

"Ay. Hindi po, kara-rating-rating ko lang. Hehehe."

"Nako, hindi kita napansin. Gutom ka na ba?"

"Hindi pa po."

"Oh siya, tawagin mo nalang ako  pag gutom ka na para maipaghain kita."

"Opo, sige po."-sabi ko ng nakangiti. Naglakad na  si Yaya Sabel pabalik ng kusina, pero lumingon siya ulit at nagsalita: "Nga pala, tumawag yung daddy mo. Sabi niya baka sa isang linggo na daw siya makauwi." Hindi na'ko sumagot at umalis na siya.

Nagsisilbi na si yaya Sabel sa'min bago pa man maipanganak si kuya. All-around siya, siya lang yung kaisa-isang katulong na nagsilbi sa amin at sa kanya na kami lumaki ni kuya. May mga anak siya sa probinsya na hindi ko pa nakikita, ang alam ko lang, yung iba sa kanila may mga asawa na. Medyo matanda na siya, mga nasa late 50's niya siguro, pero masigla parin.

***

Nagiinternet ako sa phone ko, binuksan ko kasi kanina yung wifi. Nandito parin ako sa sofa, nakahiga na'ko ngayon, nakabukas parin yung TV. Hindi ko akalaing past 12 na pala. Nagugutom ako. Hindi kasi ako nag-dinner at tulog narin siguro si Yaya Sabel, ayoko na siyang gisingin. Pati si Bulldog, tulog narin sa may paanan ko. Pumunta ako sa kusina at binuksan yung cabinet namin na puro junk foods. Heaven. Kumuha ako ng isang malaking Lay's na yellow at dinala sa sofa. Nagising si Bulldog.

Binuksan ko yung Lay's. Lalong lumapit sa'kin si Bulldog. "No Bulldog, bawal sa'yo 'to." umungol siya at didilaan niya sana yung kaliwang pisngi ko pero lumayo agad ako sa kanya. Lalo pa siyang lumapit. "Ugh! Isa lang, okay? Isa lang." Binasa niya yung ng mga labi niya na parang natatakam, at umupo ng maayos. Sinubuan ko siya ng isa. 

Nanood na ulit ako ng TV habang nakahiga at nakain. Kumuha narin ako ng kumot sa cabinet na pinaglalagyan ng mga punda,bedsheets tsaka kumot dahil malamig na. Nanood ako wrestling sa JackTV, nanood ako ng nanood hanggang sa wala na'kong mahanap na matinong palabas kaya nilipat ko nalang sa Channel V. Nanood ako ng mga music videos at nagsimula na'kong antukin.

**

Amoy bacon. Minulat ko yung mata ko, ang labo. Pinikit ko tsaka minulat ulit, medyo malinaw na. Ayoko pang bumangon, nagmuni-muni muna ako. Nakatulog na'ko sa sofa, nasa sahig na yung kumot ko, wala na yung balat ng Lay's. Baka kinuha ni Bulldog. Nakapatay na yung TV, baka pinatay na ni Yaya Sabel. Kinuha ko yung phone ko sa lamesa sa gitna ng sala set, tiningnan kung may messages, wala namang importante. Nakahiga parin ako. 9:47 na.

#MedyoLovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon