#MedyoChapterThree

112 12 4
                                    

KRIIING KRIIING!!! 

KRIIING KRIIING!!!

Ugh. -_-

Naga-alarm ang lecheng alarm clock.

Nakapikit parin ako, pero kahit nakapikit alam ko parin kung nasaan yung alarm clock. Nang hindi namulat, inabot nung kanang kamay ko yung alarm clock at pinindot yung button para tumigil yung pag-iingay nito. Natulog ulit ako. Maya-maya may pumasok sa kwarto at tinapik-tapik yung paanan ko. 

"Bunso, gising na, baka malate ka." 

"Uhmmmph."-sagot ko ng hindi namulat.

"Gising naa~"-sabi niya habang kinikiliti yung talampakan ko na agad ko namang inilayo sa kanya.

"Five minutes!"

"Sige ha, babalik ako after five minutes."

At ako'y nahimbing na ulit.

"Bunso, lagpas five minutes na! Bangon na."

"Wait, what? Wala pa ngang one minute eh!"

"Akala mo lang yun. Bangon na." 

At bumangon na'ko. Bakit ganun? Pag natutulog ka, parang segundo lang yung mga minuto sa'yo, pero pag hinihintay mo yung uwian, parang taon ang binibilang mo bago matapos yung last subject.Hay.

Naligo ako, nagbihis, at nag-almusal. Wala akong masyadong gana kumain pag umaga kaya isang bowl lang ng Honey Stars, at Nutella at toast lang yung brakfast ko.

Wala namang importanteng nangyari kahapon.Nanood lang ako ng TV maghapon tapos nagsimba kami ni Yaya Sabel.

Pagkatapos kong kumain, umalis na'ko ng bahay at pumara ng taxi.

Pagdating ko sa school, on-time naman ako kahit papaano. Nag-flag ceremony kami, na araw araw naman naming ginagawa, pagkatapos nun, nagpuntahan na kami sa kanya-kanya naming mga classroom. Hindi ko pa nakikita si Quentin, late siguro, baka napuyat sa wedding ng tita niya. Nagsimula nang magturo yung adviser namin tungkol sa infinitives, English teacher siya. May pinasagutan siya sa'min na seatwork sa libro, at habang nagsasagot kami, naglakad siya papunta sa pintuan sa unahan at parang may kausap siya. Hindi ko makita kung sinong kinakausap niya, siguro ka-chismisan niya lang na teacher o kung ano man. Maya-maya, pumasok na ulit siya ng classroom. "Class, may I have your attention please? Itigil niyo muna yang sinasagutan niyo." Tumigil lahat kami at tumingin kay ma'am. Ngumiti siya "Okay, meron kayong magiging bagong classmate," tumingin siya sa may pintuan ng nakangiti. "pasok ka na, wag kang mahiya." At nagsimula na ngang pumasok yung kinakausap niya..

Nakataas yung buhok...

Maputi, makinis...

Makislap na mga mata...

Matangos na ilong...

Mapulang mga labi...

SHET! SHET! SHET!

Hindi ako pwedeng magkamali.

"KUYANG DESTINYYYY!!!!"

Napatingin lahat sa'kin. Yung mga kaklase ko sa kalapit kong upuan, mga mukhang nagulat. Si ma'am, nakahawak sa dibdib niya, nagulat din yata. Si kuyang destiny, mukhang nakakita ng multo. Napalakas siguro yung boses ko. Narealize kong nakatayo pala ako ngayon at nakaturo yung hintuturo ko sa direksyon ni kuyang destiny. Binaba ko ng dahan-dahan yung kamay ko at umupo ulit. Sinubsob ko yung ulo ko sa lamesa. Ugh! Nakakahiya talaga 'ko. Lagi na lang ako nakakagawa ng bagay na wala sa control ko. Ughhhh. Nakakahiyaaa.

#MedyoLovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon