#MedyoChapterOne

261 13 1
                                    

Ang sarap talaga dito, naka-aircon. Ang lambot pa ng sofa. Hihihihi. Patalun-talon ako ng nakaupo, ineenjoy ang kalambutan ng sofa, kaya naman hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw at takot na takot yung ibang estudyante pumasok sa kwartong 'to.

Pumasok si James sa kwarto, may hawak na icebag sa likod ng ulo niya, tumingin sa akin at nginitian ko siya. Blanko ang mukha niya at umiling. Ayaw yata ako kausap. Umupo rin siya sa sofa, sa dulo, iniiwasan ako.

Lumipas ang tatlong minuto nang walang ni isang nagsalita sa amin. Pumasok si Mrs. Bautista sa kwarto at dire diretso sa table niya, sinenyasan nya kaming umupo sa dalawang upuan sa harap ng table niya at ginawa namin. Umupo si James sa kaliwa at ako sa kanan, magkaharap kami.

"Ano na naman kalokohan ang ginawa mo Villanueva?" -tanong sakin ni Ma'am Bautista.

"Umm. Hindi ko naman po alam na madudulas pala si James e. Kaya wala naman po talaga akong kasalanan." - sabi ko.

Tumaas yung kilay ni Ma'am at nagbuntung-hininga siya na parang hindi siya makapaniwala sa sagot ko. Eh talaga naman e. Wala.Akong.Kasalanan.

"Mr. Patricio, can you cite what happened earlier?" -tanong niya kay James.

"Umm...ano po, kasi," tumingin siya sakin, sa sahig, atsaka ulit nagsalita. "Natutulog po kasi ako...natulog po ako pagkatapos nung subject namin bago mag-recess, nagising po ako bigla nung may naramdaman akong ice cubes sa likod ko kaya naman po napatayo ako at nalaglag yung ilang ice cubes, umatras po yung isang paa ko, and then I slipped.."

"At ano namang pumasok sa isip mo't ginawa mo yon, Villanueva?"

"Ma'am," Huminga ako ng malalim. "Gaya nga po ng sabi ni James, natutulog siya. Tama bang matulog sa lugar kung saan namumulat ang isipan natin sa maraming bagay? Sa lugar kung saan nahuhubog ang kaisipan ng mga pag-asa ng bayan? Sa lugar kung saan dapat laging bukas ang ating mga MATA at isipan sa mga bagay na ating matututunan? Tama po bang matulog sa school? Paaralan po ito at hindi bahay, ang mga arm chair po namin ay ginagamit upang makapagsulat, makapagbasa, at kung anu-ano pa, MALIBAN SA PAGTULOG. Kung tutuusin, nakatulong pa nga po ako e. Natulungan ko po kayong turuan ang mga estudyanteng katulad ni James na gamitin sa tama ang mga kagamitan dito sa paaralan. Bacause I care. I care about this school, I care about the Philippines, and I care about the world."

Nakarinig ako ng mga palakpakan sa imahinasyon ko. Ang galing ko talaga. Tiningnan ko si James na nakanganga, at si Ma'am na nakanganga rin. Sanay na kong nakikita si Ma'am na nakanganga tuwing natatapos akong mag-explain sa kanya ng mga saloobin ko tuwing naga-guidance ako.

Kumurap si Ma'am ng ilang beses, at isinara ang bibig niya, at ganun din ang ginawa ni James.

"Whatever you say Ms. Villanueva. Kahit anong angle mo tingnan, mali parin ang ginawa mo. If you really care about this school, if you care about..uh..whatever it is that you care about --"

"Philippines and the world po Ma'am." - pagputol ko sa pagsasalita niya.

"Shut it!" Pasigaw niyang sabi habang hinampas yung lamesa gamit yung palad niya na ikinagulat naming dalawa ni James.

"Shut what Ma'am?" - tanong ko.

"Your mouth!"

"Oh okay, you should've just told me earlier...sorry po." -mahina kong sabi tsaka tumungo.

#MedyoLovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon