Chapter 1 Flashback

46 0 0
                                    

1st class namin today ang chemistry, ang pinaka nakakabagot na subject and not to mention na super boriiiing rin magturo ng teacher namin. Kaya naman wala kaming magawa nitong seatmate kong si Kyle kundi idrawing yung pagmumukha ng teacher namin. HAHAHA! Sorry medyo pasaway. :/

Eh kung mga magic spells ba naman sana sa Harry Potter iyong ituturo sa amin, baka mabuhayan pa kami ng dugo.

"Lord please. Sana bumilis ang takbo ng oraaaaas.. Sobrang tortured na po kami dito."

O.o

Natatawa ako dito kay Kyle. Kung makareklamo wagas. Hindi bagay sa gwapong nyang mukha.. Oo, gwapo siya kaya lang may nasesense akong something fishy sa gender preference niya eh. And the way he moves, naku mas babae pa kesa sakin. Anu ba yeeen.. =___=

"Hay sa wakas natapos rin ang pagtotorture satin!"

"Yeah right. Sinabi mo pa. Hahaha. Ui Amber tara punta muna tayong canteen. Nagugutom na ako eh."

Kasama ko ngayon ang best friend kong si Sandy. Oops. Hindi po siya yung bespren na kaiinlaban ko. Anu baaa.. Mukha lang akong tibo pero straight po akong  girl nuh.. @__@

Papunta kami ngayon ni Sandy sa canteen and on the way there, nakasalubong namin siya, ang long time crush kong si Andrei Castillo.

Yeah. It has been 3 years since the day I met him...

*Flashback* --poof!

"Amber pupunta tayo sa house blessing ng tito mo mamayang lunch kaya maghanda ka."

Pinagsabihan ako ni mama ng maaga para di kami ma-late nang dahil sakin. Ang kupad ko pa naman. Daig ko pa yung alaganng snail ni Spongebob na si Gary.

"Yes ma. Eto na po. Maliligo na."

Kaasar naman. Wala ako sa mood sumama. Psh.

[Sa house blessing]

Andaming tao. Kainis naman oh. Sana talaga di nalang ako sumama.Sheeesh.

"Ohh Amber kain ka lang diyan. 'Wag kang mahihiyang mag 3nd round ha?"

Walangya naman 'tong si tita oh. Ginawa pa akong glutton. Tse! Makalabas nga saglit.

The moment I stepped out of my uncle's house, I saw the guy I would surely fall for.. (Ansaveh ng english ko teh? XD)

He was riding a bicycle. May kasama siyang apat pang lalake pero sa kanya na-magnet ang beautiful pair of eyes ko syempre. Ang gwapo niya kasi tapos chinito, matangkad, matangos ang ilong at maputi. Haaay.. My ideal guy.. ^_______^

Pero teka.. I want to know his name! >__<

Nagulat nalang ako nang biglang sumigaw iyong tita ko mula sa likod.

"Andrei!"

Ai kabayo! Nakakagulat naman 'to si tita. Biglang sumusulpot. Geez. Teka, sino bang tinatawag nito? O_o

"Mamaya ka na magbisikleta. Kumain ka na muna. Masarap pa naman 'tong mga niluto namin."

Wait, stop! Andrei? Nagbibisikleta?

Agad kong nilingon ang direksyon kung nasaan yung tinatawag ni tita. Guess what? Bigla akong nag collapse!

Biro lang! Hahaha. OA kaya nun.

So, Andrei's his name. Bagay sa kanya. Hihihi. At iyon namang surname nya, pang prinsipe din--- CASTILLO eh. -____-     <Kornnnyy>

*End of Flashback*

Nakasalubong nga namin si Andrei and our eyes met. 'Di ko alam kung magha-hi ba ako sa kanya o ano kaya naman umiwas agad ako ng tingin. Hindi kami close eehhh. Isa pa, mahiyain ako nuh. <Walang papalag!>

Kahit churchmates kami, di kami nagpapansinan.

Opo. After a few months mula nung makilala ko siya sa house blessing ng tito ko naging churchmates kami dahil nagdecide parents ko na maging member ng simbahan nila. Kaya naman itong lola niyo gulat na gulat nang makita ko siya doon. Nasabi ko pa sa sarili kong Sunday's gonna be the best day ever!

Naku Lord pagpasensyahan nyo na po ang puso kong umaarangkada. Pramis magbebehave po ako. Hehe <3

&quot;That Girl, Amber&quot; (Experiencing First Love) &lt;3 ♪♫♪♫♪ --OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon