Chapter 3 ♫♪For the 1st Time ♫♪

57 0 0
                                    

[A/N: Alam nyo yung feeling na nakausap mo for the 1st time yung crush mo??? Well, well, well.. Here it is.. :)))) ]

--Sunday Morning--

"Amber, wake up. It's already 6am. Kumain ka na ng almusal at maligo. Maaga pa tayong magsisimba."

Ang aga-aga umepal na si mother dear. Haaayst!

~______~

o______~

O_____O       Wait! Sinabi ba ni mama na magsisimba kami?? Homaaaaay gallly! Sunday nga pala ngayon and that means. . . . . . . .  MAGKIKITA KAMI NI ANDREI!!! Uwaaaa! Need to hurry! >__<

--Church--

Ayun si Andrei! Eeeh! Kahit kelan talaga ang gwapo niya. At mas lalo siyang nagiging attractive kapag tumutugtog na siya ng gitara. Yes, he plays musical instruments. :)))

Naupo na ako sa tabi ni mama. Actually, meron namang separate sunday school service ang church namin before yung mismong worship service. Halos lahat ng mga teens na member ng simbahan ini-encourage nilang sumali. Pero ako? Hehehe. Bihira lang akong sumali dun. Nakakailang kasi wala naman ako masyadong ka-close dun. 'Di ko rin feel makasama 'yung cousin ni Andrei na si Casey. Hindi naman sa sinisiraan ko siya pero ang talim kasi niyang tumingin eh. Nakakatakot.. T___T

Kaya naman behave nalang ako dito sa tabi ni mama.

After an hour, nagsibabaan na 'yung mga teens na sumali ng sunday school para sumabay sa worship service.

Parang garden ang church namin. Pinagawan din nung may-ari ng lugar ng mga pavilions kung san pwedeng gawin ang sunday school activities. Nakakarelax din dito kasi fresh air talaga yung nasasagap.<inhale, inhale. exhale, exhale>

"Now let's proceed to the announcements." Pumunta na sa harap yung in-charge sa announcements dahil tapos na yung service. Bilis noh? XD

"This week, we will be holding a youth camp for our young people here. There will be a group of youth from another church who will join us. The camp will be held on Friday afternoon and will end on Saturday afternoon. May mga games and activities po kaming inihanda for this camp. And on Saturday morning, we will go on a hike. Registration will be opened today."

Nang marinig ko yun, parang gusto ko agad tumili! Alam ko kasing sasali si Andrei. Hihihihi. Sana naman payagan ako ni mama na sumali. Last year kasi 'di nila pinansin yung pagmamakaawa ko eh. Ayan tuloy, lalo akong napag-iwanan. Tsk3x. =__=

"Ma, can I join the camp??" o.~ Sana pumayag. Kinulit ko agad si mama pagkagising na pagkagising ko kinabukasan. Malay nyo, magbago ang ihip ng hangin diba? Hehehe

Fingers crossed! >_<

"Magpaalam ka muna sa Papa mo. Alam mo namang 'di yun sanay na wala ka rito."

Okay! Mukhang mas magiging madali ang "negosasyon" kapag si Papa ang kausap. Konting lambing lang naman katapat nun' eh. Only girl niya kaya ako. Bwahahahaha >x3

Dali-dali akong pumunta sa garden kung nasan si Papa para kulitin siya. Dinatnan ko siya doon na nagbabasa ng newspaper habang nagkakape. Sarap niyang gulatin. Uahahaha. Pero siyempre di ko yun gagawin. Baka di pa ako payagan noh. Okay, kaya ko to! Gora! XD

*Ehem*

"Good morning Pa. ^____^"

"Oh Amber. Maaga ka yata ngayon? May school activity ba kayo?"

"Wala naman po" pero sa church meron!

"Ah ganun ba? Eh ba't ang aga mong nagising?"

&quot;That Girl, Amber&quot; (Experiencing First Love) &lt;3 ♪♫♪♫♪ --OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon