Chapter 5. Start of something new..

41 2 0
                                    

[A/N: Heto na po ang college days ni Amber Garcia at Andrei Castillo. Enjoy! ^^;]

A year has passed. Ang bilis ng panahon. Nasa 1st year na ako ng college life ko. Nahirapan ako kung anong course ang kukunin. Maraming tumulong sakin para makapag decide kung anong kurso ang pwede kong kunin. At dahil na rin sa bestfriend kong si Sandy, nagdecide ako na kumuha na rin ng HRM course. Nag aaral kami ngayon sa Stratford International School of Business. Gusto niyo bang malaman ang isa pang rason kung bakit dito ako nag aral? Pilitin niyo muna ako! XD

Hahaha. Sige sasabihin ko na. Aside kasi sa kasama ko dito si Sandy ay nalaman ko noon na dito rin pumasok si Andrei pagkatapos niyang grumaduate last year. Ahead siya samin ng 1 year kaya naman sobrang lungkot ko nung nag transfer na siya ng school. Mabuti nalang at nalaman ko sa churchmates namin na dito siya nag aaral kaya naman pinilit ko sina mama na dito rin ako ipasok. Syempre ginawa kong palusot na gusto ko makasama si Sandy. hahahaha!

Kaya heto ako ngayon kasama NANAMAN ang aking labidoods na si Andrei sa iisang school. 2nd year na siya ngayon at Business Administration naman ang kinuha niyang course. Bagay sa kanya ang kursong iyon dahil matalino siya at siguradong sa kanya ipapasa ng lolo niya ang business ng family nila.

Oo nga pala. Sa 1st sem ko palang dito ay kinailangan kong kumuha ng Civic Welfare Training Service o CWTS. Isa kasi yun sa mga requirements kapag nasa 1st year ka. At sa dinami-dami ng araw, Sunday pa ang naging schedule nun. Ugh. Ang swerte ko talaga! 2 semesters kami kukuha ng CWTS kaya ibig sabihin ay hindi rin ako makakapunta sa church nang halos isang taon. Nakakainis kasi nakaka-tatlong buwan na ako dito sa Stratford eh di ko parin nakikita si Andrei. Ni hindi ko pa nga siya nakakasalubong sa hallway ng school eh. Kahit man lang sa school grounds di ko makita ang anino niya. Alam kong malaki ang school namin pero imposible naman na di kami magkasalubong? O baka naman pinaglalayo talaga kami ng tadhana?? Nooo! Hindi pwede 'to!

Wait! Pano kung di naman talaga siya dito nag aaral?? That can't be. Narinig ko pa mismo sa mama niya na nandito siya eh.

Nakakapanlumo naman kasi talaga eh.. =___=

3 months ko nang di nakikita si Andrei dahil sa lintik na CWTS na 'to. Tapos nung mga panahong graduating palang ako sa high school ay sa church ko nalang siya nakikita. Hindi naman niya ako masyadong pinapansin kaya nakakainis.

"Earth to Amber... Buzz..." Ang gulo naman nitong si Sandy ehh. Ang lalim pa ng iniisip ko tas ginugulo pa ako.

"What do you want?" naaasar kong tanong sa kanya.

"Anong 'what do you want' ka diyan'?? Kinakausap ka ng cashier oh! Haay naku!"

Ai churi lang. Hehe. Nakalimutan kong nakapila nga pala kami ngayon dito sa cashier's office para magbayad ng tuition fee. Shunga ko talaga. ( _  _ )

“Naku sorry po Ma’am.” Nagkamot nalang ako ng ulo sa sobrang hiya. Ngumiti naman yung cashier. Buti nalang ‘di nagalit. Haay…

Inabot ko na ang bayad ko at pagkatapos maibigay sakin ang resibo ay tumabi na ako. Hinihintay ko nalang na makapagbayad si Sandy tapos sabay na kaming uuwi. Lagpas 6pm na kasi. Actually, morning schedule ang kinuha namin pero meron kaming laboratory session kanina kaya inabot na kami ng ganitong oras.

Palinga-linga lang ako habang hinihintay si Sandy nang paglingon ko sa kaliwa ko ay bumulaga sakin ang isang anghel! Anghel nga siyang maituturing kasi ang nasa harap ko ay si Andrei mismo! Yiiieee!!! Sa wakas nakita ko rin siya ulit! ** \(^-^)/ **

Dug dug. Dug dug.. Shetmen! Nagdadabog nanaman ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin sa sobrang tuwa pero.. Anyare?? Na-glue ata yung mga paa ko sa kinatatayuan ko at nararamdaman kong nanlalamig ang mga kamay ko! Ito na nga bang ayaw ko kapag kaharap ko siya eh. =__=  Mukha akong mataray pero kapag kaharap ko ang lalaking ito, para akong nalulusaw sa presensya niya.

"That Girl, Amber" (Experiencing First Love) <3 ♪♫♪♫♪ --OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon