Kyline's P.O.V:
Naglalakbay na ako ngayon sa kagubatan kung saan sinabi ni Goddess Celestia na dito ko matatagpuan ang portal papunta sa mundong pinanggalingan ko.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng may maramdaman akong aura kaya tinago ko ang akin.
Sa aurang to, sa tingin ko isa syang veterano dahil maliban sa ito'y malakas ay nakokontrol nya din itong mabuti. Tinignan ko kung mabait ba sya at nakumpirma ko iyon kaya't lumapit ako sakanya.
----------
Sir Maxcwell's P.O.V:
Pabalik na ako sa aking mundo ng may marinig akong mga yapak ng paa. Pero bakit ganun? Hindi ko maramdaman ang aura nya?
"Uhmm excuse me po" napalingon ako sa aking likod at napatulala sa napakagandang dalaga na animong di makabasag pinggan.
'Kasing-ganda nya ang mga prinsesa, o higit pa ang kagandahang taglay nito'
"Anong ginagawa mo dito sa gitna ng kagubatan hija?" tanong ko sakanya.
"Alam nyo po ba kung nasan dito ang lagusan papuntang Enchantia?"
Nagulat naman ako sa kanyang itinanong.
"A-alam m-mo i-iyon?" mautal-utal kong tanong sakanya.
Ngumiti naman sya ng alinlangan sakin. "Ahm hehehe, may napaniginipan po kasi ako tungkol sa mundong iyon kung saan nandon din daw po yung mga katulad ko"
"KATULAD MO?!" gulat kong tanong sakanya. Ibig sabihin ay meron rin syang kapangyarihan pero bakit sya napadpad dito sa mundo ng mga tao.
Hayys! Mamaya ko na nga lang tatanungin tong batang to."Halika, sumama ka sakin" nagsimula na akong maglakad papunta sa isang malaking puno, sa lahat ng puno dito sa kagubutan, ito ang pinakamalaki. Nararamdaman ko naman ang pagsunod nung magandang dalaga saakin.
Nang makatapat na kami sa malaking puno ay nagsimula na akong mag-cast ng spell sa paggawa ng portal papunta sa aming mundo.
"ഹബലസമഷ"
'asla tuvur portala'
Kasabay ng paglitaw ng ilaw sa gitna ng puno hanggang sa unti-unti na itong lumaki. Iginayak ko naman ang dalaga palapit sakin dahil mahihilo ka talaga kung unang subok mong pumasok diyan kaya nais ko syang alalayan.
----------
Kyline's P.O.V:
So ganito pala ang itsura ng portal nila, sa mga gods and godesses kasi kulay ginto na may halong pagka-white pero ito ay simpleng kulay puti lang.
Pinalapit naman ako ni Sir Maxcwell papunta sakanya. Well pano ko nalaman ang pangalan niya? Simple lang naman, ginamit ko yung isa sa ability ko na ang tawag ay 'recognitive ability' na kung saan malalaman mo ang lahat ng impormasyon tungkol sa taong iyon, maliban nalang kung malakas ka at kaya mong labanan ang ganitong ability, ay ibig sabihin hindi malalaman ng taong may ganto ding ability ang mga impormasyon tungkol sayo, katulad nalang ng ginawa ko.
Si Sir Maxcwell ay isa palang professor sa nag-iisang school don kung saan sinasanay ang mga esdudyante na kontrolin ang mga kapangyarihan nila. Isang wizard si Sir kung kaya't may kutob akong professor sya sa subject na Witch and Wizardry.
'Hmm, ibig sabihin ay mastery nya si God Adous na God of Witch and Wizardry'
Pagpasok sa portal ay hindi naman ako nahilo dahil sanay nako dyan pero nagpanggap ako dahil baka katakahan ako ni Sir Maxcwell.
Kunwari akong napapikit at napahawak kay Sir na inalalayan naman ako.
Kasabay ng pagmulat ng mata ko ang pagtanaw sa napakagandang tanawin sa harapan ko.
At kasabay din ng pagkamangha ko ay ang pagsalita ni Sir.
"Welcome to Enchantia"
❤TO BE CONTINUED......
*-*-*-*-*
Author's note:
Enchantia is pronounced as En-chan-thi-ya okay?
Hayy! Yes, nakatapos nanaman ng isang chapter, pero magfofocus din po muna ako sa "The Brokenhearted Heartbreaker" . Since namimiss ko na din sila 'Royce' at 'Reese' hihihi at syempre, sinong makakalimot sa 'Four L's' haha.
See you on the next chapter...
Bye witches!😉
YOU ARE READING
Enchanted Academy: The Long Lost Princess
FantasyOnce upon a time, there lived Gods and Godesses who blessed the child of the Most Powerful King and Queen whose gonna be the savior of their world, Enchantia. Kyline McAdams, a 18 year old teenager who is everybody's ideal type. She's rich, beautifu...