Sunny's POV:Hello everyone! Hi my name is Sunny Lilight, the cutest, the most adorable, and the most lova---
"Hey you brat! Tigilan mo nga yang pagpapacute mo, hindi bagay" natatawang saway sakin ni Cloy.
Sinimangutan at inirapan ko naman sya."Tse! Kasi ako kahit hindi magpacute, cute na, eh ikaw? Mukhang tubol Hahahaha blehhh" pang-aasar ko sakanya at natawa naman ang ibang alpha syempre maliban sa mga tahimik na si kuya Charles at Trevor. Wala lang, kuya tawag ko sakanila kasi mas matanda sila ng isang taon sakin.
"Nyenyenye, pacute ka lang eh, panget ka naman blehh" pang-asar din sakin ni Cloy at dinilaan pa ako. Arghhh, kainis yang kumag na yan ah.
Anyways hihi, andito nga parin pala kami sa Headmaster's Office dahil ewan ko hihi. Pero nakakakilabot talaga yung naramdaman ko, naming aura nung isang araw, grabe sobrang lakas, wala pa yung lakas ko sa kalingkingan nun.
Habang may sari-sarili kaming ginagawa; Ako eto, nagkukwento sainyo hihi, tapos si ate Seandy ay pinaglalaruan ang kapangyarihan nya, yung kumag na si Cloy at Airos ay kumakain, na naman. Habang si Bailey ay naglalagay ng kung ano-ano sa kuko nya. Sila kuya Charles at kuya Trevor ay tahimik na nagbabasa ng libro.
Ay biglang pumasok si Headmaster. Headmaster Maximus, he is in his late-40's at ilang taon narin syang namumuno bilang punungguro dito sa Academy. Headmaster is a Elemental, he's from the Eternity Kingdom, the ruler of all the kingdoms. Doon naninirahan ang mga pinakamalalakas, at isa si Headmaster dun. He's also a part of the Alpha Royals generations ago. Well, Headmaster is the right hand of the High King Zeus Eternal na naging parte rin ng Alpha Royals same with Headmaster's generation. So, sa madaling salita, magkaibigan si Headmaster at High King Zeus at pareho silang naging parte ng Alpha Royals many years ago. Pag sinabing Alpha Royals, hindi ibig sabihin nun ay kailangan mong maging prinsipe o prinsesa para makasali. Dahil ang kailangan lang dito ay maging malakas, pinakamalakas sa lahat dito sa Academy; parang kami lang, we are the current generation of Alpha Royals, 7 kaming lahat pero kung andito sana ang prinsesa ay 8 kami.
So yun nga hihi, wait mamaya na ako magkekwento, sa tingin ko may sasabihin si Headmaster samin dahil tumigil na yung mga kasama ko sa ginagawa nila kanina.
"Alpha Royals" tawag nya samin with so much authority. "Nakabalik na si Maxcwell mula sa misyon nya" at dahil don ay nagliwanag ang aming mga mukha, syempre maliban sa isa dyan. Si Sir Maxcwell ay isa sa mga paborito kong teacher dito sa Academy dahil sa kabaitan at the same time katapangan nya. Kahit na hindi namin sya naging teacher ay naging close din kami sakanya; well Sir is a wizard at wala ni isa samin ang mastery ang Witch and Wizardry. Well you see, may sariling klase ang Alpha Royals, hindi kami nakikisalamuha sa iba pwera nalang kung kailangan, kahit nga sa cafeteria ay may sarili kaming table.
"And also..." pabitin na saad ni Headmaster kung kaya't naging interesado kami, maging si kuya Trevor ay matiim na nakatitig at nakikinig sa sasabihin nya.
"He's with a girl" Nabigla naman kami dun, pati si kuya Trevor pero madali nyang naitago ang emosyon na pinakita. What?! Why would Sir brought a girl with her?! At mukhang nabasa ni Headmaster ang mga tanong sa isip namin dahil sinagot nya yun. "She belongs here, sabi sakin ni Maxcwell ay alam na talaga ng babae ang tungkol sa mundo natin at sadyang iniwan sya ng mga magulang nya sa mortal world, di pa nga lang nya alam kung ano ang kapangyarihan ng babae dahil di raw nya maramdaman ang aura nito""How old is she?" tanong ni ate Seandy.
"She's with the same age as yours" sagot ni Headmaster. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha ni ate."So prepare for the transferee dahil may nararamdaman akong iba sakanya" and with that umalis na sya.
Whoo! Sino kaya yun? I'm excited to meet her na. Pero ewan ko ba at may naramdaman din akong kaba, weird kasi di ko naman nararamdaman to tuwing may transferee ah, this is the first time. What's with the girl and she made me feel this way? Para akong naiintimidate na kahit di ko pa sya nakikilala.
Hayy, what's wrong with me?
Napatingin ako sa mga kasamahan ko at napagdesisyonang mali ang naging tanong ko kanina. I mean, what's wrong with us?❤TO BE CONTINUED.......
YOU ARE READING
Enchanted Academy: The Long Lost Princess
FantasyOnce upon a time, there lived Gods and Godesses who blessed the child of the Most Powerful King and Queen whose gonna be the savior of their world, Enchantia. Kyline McAdams, a 18 year old teenager who is everybody's ideal type. She's rich, beautifu...