Chapter 5

1.8K 41 2
                                    

***

"So..hindi pa pala niya alam?"Medyo awkward na tanong ko kay Evo,referring his ex.At muling sumipsip sa straw ng shake.

"I didn't tell her so.."Nagkibit balikat siya at muling bumaling sakin.

"Uhm about sa kanina,Kaya ka ba umiiyak dahil—" Bago niya pa matapos ang kaniyang sasabihin ay agad na akong umiling.

"Hindi ako umiyak dahil lang sa nangyari satin." Depensa ko agad kaya kumunot ang noo niya.

"So uhm bakit ka umiyak?" May pagdududang tanong niya.Bigla nalang nangilid ang luha ko.Nanlaki ang mata niya dahil don.

"Si d-daddy.." Humikbi ako."N-nag away sila ni mommy kanina bago ako pumasok.Sabi ni mommy may kabit daw si daddy k-kasi nakita niya si daddy na may kahalikang i-iba."Napahagulgul ako sa iyak ng maalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Shhh.." Pagpapatahan niya sakin at marahan pa akong niyakap.

"I'm sorry i didn't know." Paghingi niya ng tawad,umiling ako at humiwalay sa kaniya.Pinalis ko ang aking mga luha at inayos ang sarili.

"Okay lang.I'm fine,di ko lang talaga mapigilang maiyak kapag naiisip kong magkakaroon na kami ng kahati kay daddy." Ngumiti pa ako,kaya nagtiim bagang siya.

"About nga pala kay sheena.." Pag iiba ko ng topic,kumunot agad ang noo niya.

"Yes.What about her?" He asked.

"Hindi mo sakin nasabi noon.Bakit kayo nagbreak?" Halos masamid siya sa tanong ko.

"Uhm." Tumikhim siya at napalunok pa.Nakita ko ang pamumula ng mukha niya bago pilit na sinagot ang aking tanong.

"Nagtrabaho siya sa Canada.Dun siya nagturo,nag away kaming dalawa.Hanggang sa hindi na namin kinaya ang sitwasyon.Nagbreak kami." Seryosong sagot niya,napataas ako ng kilay.Dahilan para kumunot ang kaniyang noo.I smirked.

"Sinong nakipag break?"

"Importante ba yon?"

"Oo naman."

"Siya." Sagot niya kaya agad na namilog ang mata ko.Siya yung nakipagbreak at ngayon siya rin ang nakikipag comeback?wth?

"How about you?"Baling niya sakin at nilihis ang topic sakin.Kumunot ang noo ko.

"About me?" Nagtaas ako ng kilay kaya natawa siya.

"Yes.What about you?may past boyfriend ka ba?" tanong niya.

"Marami." Sagot ko kaya nasamid siya.

"Sino sino at sinong last?" Tanong niya kaya napaisip ako.

"Sigurado ka?gusto mo malaman?baka pag awayan pa natin to."Sabi ko at nagtaas ng kilay.

"I just wanted to know you more." Seryosong sagot niya kaya bumuntong hininga ako.Sige.

"May apat akong naging boyfriend.Una si Jhon,3 months naging kami siya yung first boyfriend ko.Hindi kami nagtagal dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan niya.You know..the second is Cristan 1 Month boyfriend ko siya mabait naman,matalino rin.Kaso masiyadong alam mo yon?possesive?feeling ko kapag kasama ko siya wala akong freedom,so nakipag break ako.The third is R-Jay,Mabait rin siya.Sikat na dancer mapapanood mo siya sa TV magaling talaga siya.4 months lang naging kami,nakipag break siya sakin kasi..hindi niya na daw kayang pagsabayin ang pagtratrabaho at lovelife.So yun,And of course the last.Vincent Ty,mas matanda siya ng 1 year sakin.Grade eleven na siya ngayon.Nasa Skylai University na siya ngayon.Mabait naman,matalino,masipag at madiskarte.Dagdag points pa yung gwapong looks niya,and siya yung first kiss ko.Umabot kami ng halos 9 months.Sa kaniya talaga ako nabaliw ng sobra.Nahirapan akong mag move-on.Nagbreak kami dahil hindi ako gusto ng family niya for him,Half chinese kasi siya.Chinese is for chinese lang daw kasi Tradition nila yon so syempre wala akong laban."Mahabang lintanya ko.Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.


My Professor Is My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon