Chapter 4

1.9K 37 1
                                    

****

"Miss Syler! Are you with us?!" Nagulantang ako ng marinig ko ang galit na boses ni sir Fred.

"Sorry sir.Medyo nahihilo po kasi ako." Sagot ko naman at kunwaring hinihilot ang aking ulo.Tumaas ang kaniyang kilay bago sumagot.

"Ganun ba,Miss Syler?Gusto mo bang ipadala na kita sa clinic?" He curiously asked me.Kaya ngumiti ako ng pilit saka umiling.

"No sir.Kaya ko pa naman.Kapag alam kong bibigay na yung katawan ko ako na mismo ang pupunta do'n sa clinic." Tumango naman siya at muling bumaling ulit sa board para magsulat.


"Class Dismissed." Sambit ng aming guro dahilan para makahinga ako ng maluwag.


"Natapos rin." Sabi ko at niligpit ang aking mga gamit at isinalpak ito sa bag.


"Sabay tayo kumain sa baba,Angelica."Alok sakin ni Aira,agad naman akong tumango.


Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hall way,hindi ko mapigilang mainis na mga chismis na naririnig ko.


'Nakita ko si sir Angelo! May kasamang magandang babae!'

'Nakita ko rin.Bagong girlfriend nya ba?"

'Ha?eh di'ba sila pa ni Miss.Angelica?'

'Di kaya niloloko lang ni sir Angelo si Angelica?'

'I don't know,ang gulo.'

Napapikit nalang ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili.Alam kong 50℅ ay maaaring may katotohanan ang mga sinasabi nila.Pero ayoko namang maniwala nalang basta basta sa mga naririnig ko lang.

"Hoy,kumain ka nga.Bumili bili ka pa di ka naman pala kakain.Ayos ka lang ba talaga?" Tanong sakin ni Aira,kaya agad akong umayos at ngumiti sa kaniya.This time totoong ngiti na yo'n.


"Ayos lang ako.Medyo nawalan lang ako ng gana." Sagot ko,kaya agad kumunot ang noo niya.


"Magkwento ka nga.Nung lumabas kayo ng room ni Sir Angelo kahapon,anong nangyari?" Nakataas kilay na tanong niya.


"Lalambingin ko sana siya.Kasi mukhang nagselos kay jacob kaso may biglang sumulpot.Dumating bigla yung ex gf niya.."Parang pinipiga yung puso ko ng sinabi ko yan kay Ai.Parang ang sakit kasi sa dibdib kapag naaalala ko yung eksenang nasaksihan ko kahapon.


"Uhm..si Ma'am sheena?Wth!" Singhal niya ng magsink na sa utak niya ang aking sinabi.Napailing nalang ako at humigop sa shake na binili ko.


"Oh tapos?anyare,sunod?" Tanong niya."Ayon,niyakap siya ni Evo..sa harap ko.T-tapos niyaya siya nung sheena na lumabas,para makapag usap daw sila.Tapos ayon umalis silang dalawa na parang walang nakitang ni anino ko."Napapikit ako ng maramdaman ko ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo.Sh*t!dapat wala na to! inubos ko na kagabi e!


"Oh sh*t!" Sabi ni Aira,ng mapansing umiiyak na ako.Agad niya akong inalo para tumahan.


"Shhh,I'm sorry dapat hindi nalang ako nagtanong." Sambit niya.Puro hagulgul lang ang ginawa ko,nagulat ako ng may marinig akong pamilyar na boses.


"Jessica,Let's talk." May pagpipigil sa kaniyang boses.Nang humarap ako ay natanto ko na si Evo nga ito.Napalunok ako,wtf?


"Wala tayong dapat pag usapan." Mariing sagot ko saka tumayo."Ai let's go uuwi na ako,nawalan na ako ng gana pumasok sa mga susunod pang subject."Sabi ko kay Aira,saktong palabas na kami ng cafe ng bigla akong hinapit sa be'wang ni Evo.Agad nagtindigan ang mga balahibo ko.Bwiset na lalake to! ang lakas talaga ng impact niya sakin kahit galit ako!


My Professor Is My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon