CHAPTER 6:TOTOO NA TO!HAHAHA

2K 37 1
                                    

Kinabukasan~


Napabangon ako sa pagkakahiga ng mapansin kong nag iisa nalang ako sa kama.Tumayo nalang agad ako atsaka nag unat ng katawan.Pagkatapos ay agad akong lumabas ng kwarto.Dumiretso ako sa kusina,napangiwi ako ng may maamoy akong sunog na ewan.


"U-hm gising kana pala. Goodmorning!"Nakangiting bati sakin ni Evo na ngayon ay nagluluto pala.

"Morns too.Ano yang niluluto mo?bakit amoy sunog?" Kunot noo kong tanong at bahagyang lumapit para matignan kung anong niluluto niya.Napamura ako ng makita ang sunog sunog na mga hotdog sa kawali.Wtf?!


"Halaka!Anong ginawa mo sa hotdog?luto na yan,sunog na sunog na nga e.Akin na nga." Sabi ko at inagaw sa kaniya ang spatula.Agad kong hinaon sa kawali ang mga hotdog at nilagay ito sa isang plato.


"Uhm.S-sorry akala ko kasi hindi pa luto.Ayaw mo kasi ang hilaw di'ba?" Namumulang sabi niya ng ilapag ko na sa mesa, ang platong may mga sunog na hotdog na niluto niya.


"Okay lang to.Hindi naman as in sunog na sunog.Makakain pa naman.Ingat ingat nalang sa susunod 'kay?" Nakangiting sagot ko sa kaniya.Ngumiti rin siya,hindi pa rin nawawala ang pamumula ng pisngi niya.Nahihiya pa rin?hahaha.



"Nagluto ka rin pala ng hard boiled eggs.Buti pa to mukhang maayos ang pagkakaluto."Tumawa ako at saka umupo sa hapag.Nagsandok agad ako ng makakain namin.



"Umupo ka na po ser.Kakain na po tayo."Natatawang utos ko sa kaniya.Napasimangot siya bago sinunod ang aking utos.



"Ikaw ang prayer leader ngayon." Sabi ko sa kaniya.


"Yes ma'am." Humalakhak siya,saka nag-umpisang magdasal.


"Lord god maraming salamat po sa panibagong araw na ito.For all the blessings,and guiding us everyady.Thank you for everything Amen." Nag sign of the cross muna kami bago magsimulang kumain.


"Happy 6th's Monthsary baby.." Napatigil ako sa pag nguya ng marinig ko ang sinabi niya.Dahan dahang umawang ang bibig ko.6th's Monthsary?namin?ngayon?NAKALIMUTAN KO!SHETE!


"U-hm Happy 6th's Monthsary rin!" Kunwaring tuwang tuwang sagot ko.Napataas ang kilay niya at ngumisi.


"Nakalimutan mo?"Napalunok ako sa tanong niya.Tumango ako.


"Halata nga.Ayos lang atleast naalala mo nung binati kita.Gusto mo gumala tayo?" Masiglang tanong niya kaya agad nagspark ang aking mga mata.Pero agad ding nawala yon ng maalala kong may pasok nga pala.


"May pasok ako eh,ikaw din di'ba?" Napanguso ako.Kumunot ang noo ko ng bumungisngis siya.

"Nagpaalam naman na ako sa tita mo.Sabi ko aabsent tayo pareho ngayon dahil monthsary natin." Ngumiti siya ng tagumpay saka kumindat.Loko talaga.


"Kdot.Saan ba magandang mamasyal?Mall?Luneta?"Nag isip isip pa ako.Muli akong sumubo ng kanin.


"Picnic nalang tayo sa Luneta." Sabi ko ng makapagdesisyon na.


"Mainit dun pag tanghali.Alas kwatro tayo pumunta okay lang?" Tanong niya.Tumango tango ako saka ngumiti.


"Maliligo na muna ako.Pagkatapos kong maligo at magbihis hatid mo na ako sa bahay.Sunduin mo nalang uli ako ng bandang hapon." Sabi ko saka uminom ng tubig.


"Sige." Nakangiting sagot niya.

____

Nababagot akong humilata sa kama at saka kinuha ang cellphone sa gilid ko.Agad napataas ang aking kilay ng may mga iilang text dito galing sa iba't ibang tao.

My Professor Is My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon