Chapter 3: Btches

12 4 0
                                    

Chapter 3
Btches

It's been three weeks after what happened. Kamusta ang pisngi ko? Well,it's still a bit swollen at nagiging sensitive na ako sa mga taong humahawak sa akin. I don't wanna risk that to happen again.

Kinuha ko yung bag ko at sumakay sa kulay aqua kong Porsche.

"Laurd,pakisabi kay Tisia na ihanda na ang pagbukas ng building,please? Thanks"

Gamit ang earphone na suot ni Laurd sa kanang tenga niya ay tinawag niya ang kakambal nito. Kagaya ng dati,pagnag-ring na yung phone niya ay tatanggalin na niya yung earphone para marinig ko ang reply ni Tish.

"Sis,we're close. Pwede mo nang buksan ang gates,pero huwag mo munang papasukin ang mga tao,okay?"

Ginagamit na naman ni Laurd ang lengguwahe naming,Hangul,kapag kinakausap ang kapatid niya o ako. Lalo na pag pribado ang mga sasabihin ko sa kanila or vice versa.

Napatawa kaming marahan dahil sa reply ni Tisia samin.

"Laurd,paulit ulit ka,eh,noh? Ilang araw mo nang sinasabi yan! Weeks,to be exact. Ano,ka,unlimited? Tsaka sanay na ako,noh. Pero huwag mo namang sanayin ang sarili mong ulit ulitin yan. Anyways,good morning,young mistress! It's nice to hear your laugh again."

Yah,tama nga. Medyo nahihirapan parin ako sa pagtawa kasi nasanay akong sumasakit ang kanang pisngi ko dahil sa lakas ng sampal ni Irene Morales sa akin. Irene is the CEO of the selaroM fashion company. And guess who her co-CEO is? Yes,the admin of the Alphabees,and her sister who I "talked back" with,Irrasine Morales and she's so "Irra-tating!" Psh. Guess what too? Karibal ng company nila ang company ko! Halos lahat ng mga pagmamay-ari ng pamilya ko,ay karibal nila! Leche flannnnn!! That's my signature "bad word". At ang mura na yan ay reserved para kay Irrasine. Loko,idagdag mo pa ang mga nagpasimula ng lahat,ang S-NIE!

Official S-NO member ako. I'm proud to say that I'm the admin. Kahit na mas konti lang ang mga bashers,na kagaya ko,sa mga fans na kagaya nina Irra,ay paninindigan ko ang pagiging basher ko! Wala akong fakey! Tse!

"Good morning,Tisia~unnie! Salamat sa pagpatawa mo sakin. It's been a while."

Narinig ko ang pagngiti ni unnie bago niya ibaba ang telepono.

Bumuntong-hininga ako. Yes,kanina ko pang gustong ilabas 'yun dahil nasa isip ko na naman ang Irrasine na 'yun at ang mga leche flang S-NIE. FYI,dahil narin sa nangyari ay nagpagawa pa ako ng research tungkol sa S-NIE. So technically speaking,alam ko ang lahat ng info about sa S-NIE na pwedeng ipam-publiko. Konti lang ang nasagap naming impormasyon tungkol sa pribadong buhay nila. Sobrang secured ng life nila. Hanggang dun lang talaga ang makakaya naming i-research. Nagshe-share naman ako ng information tungkol sa kanila sa GC ng mga Anti-S-NIEs,pero pakunti kunti lang.

Di ko na namalayan na binuksan na pala ni Laurd ang pintuan ng kotse kaya tinawag niya ako.

"Young mistress?"

I blinked and shook my head slowly then smiled at him. Bumaba na rin ako ng kotse.

Shet! Ang ingay na naman!

Laurd cleared his throat at napatingin naman sakanya ang mga tao. Nanahimik na rin sila at biglang naghati na naman ang mga kumpol kumpol ng mga tao. Bale,humati sa dalawang groups. Sa right at left. Everyday,ganito nalang. Well,unless,may lakad o sakit ako at hindi makapasok sa office,papabukas ko na agad ang gate ng building.

Ngumit ako ng kay tamis. Atleast hindi naman halata na peke yun.

Nagsitilian rin ang ibang babae dahil "idol" daw nila ako. At malamang dahil binuksan ko na ung gate at makakapasok na rin sila. Kanina pa kasi sila nakatayo,I'm guessing.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad silang sumunod. Waw,akalain mo namang parang bagong bukas na store ang peg?

Pumasok na rin ako sa elevator kasama si Tisia na siyang nagbabantay sa akin sa building na 'to. Pinindot niya ang 19th level,kung saan ang office ko. Hanggang 20 lang kasi ang floors. Di na namin paabutin ng 50,di kagaya ng kina Irrasine. Ayaw naming mapagod kakaintay sa elevator ang mga emloyees dito.

Pagkadating namin sa floor,dumiretso kami sa office ko. Pagkatapos kong ilagay ang fingerprint ko sa biometrics sa harap ng metal door ko. Ako lang ang pwedeng maglagay ng fingerprint. So,kapag may gustong bumisita sa akin ay dapat magpa-schedule muna sila ng appointment sa secretary kong si Alea Alminares. Pero kapag mga close na kaibigan ko o family member ay pwede na silang dumiretso sa floor nato. Pero syempre kailangan nilang ipaalam kay Al. Yung kapatid niya namang si Alec,PA ko.

Nag-swing ang pinto kaya nakapasok ako. Late na naman si Lec?

Bumuntong-hininga na naman ako. Napapansin kong may something sa magkapatid na Alminares. Si Alea,mukha nang namumuyat,payat na rin siya ngayon. And every week,her eye bags go darker. Si Alec naman palaging late. Ano kayang nangyari? Hindi ako nakiki-usisa,I'm just simply curious.

"Ma'am! Ma'am,sandali ang po!"

Poker-faced kong tinignan ang pintuan. Sound-proof yung walls ko pero naririnig ko yung nasa labas,gets? Anyway,pamilyar yung boses na 'yun. It was soft,fragile,and sweet. Kay Alea 'yun. Their family was known because of their fame from singing. Kaya hindi na nakakagulat na magandang pakinggan ang mga boses ng magkapatid.

"Bitawan niyo nga ako! Do you guys even know who I am?! Damn!"

Hindi ko maiwasang umirap at mairita sa narinig kong boses. Maarte,malandi,at arogante. Yan ang mga salitang madidescribe ko sa sa boses na yan. Actually,kulang pa nga yan,eh. Madami pa yung pwedeng i-describe sa boses na yun.

"UGHHH!"

Haha! Nairita ang bruha.

"Yungni Kim Adelante! I know you're in there,you btch! Open this damn door! And tell these people to stop touching me! Nakakadiri!!"

Umirap na naman ako at inisip na buksan ang pinto. Baka kasi may gawin pa siyang masama sa mga employees ko.

Binuksan ko ang pintuan at voila! Ayan na ang mukhang kinaiirita ko araw araw. A face of a sophisticated btch. The face of the one and only Irrasine "Irra-tating" Morales.

I raised an eyebrow habang chinecheck niya ang OOTD ko ngayon. From head to toe,literally! I'm wearing a white dress that shows my milky white legs. Kaya siguro hindi na siya nag-react. Her outfit for today was so exaggerated. Pink cropped top,at black na panloob na parang sando at cropped top rin. She is also wearing a tight,and silver skirt. May gold bracelets din siyang suot in both hands. To match her accessory in the arms,she used golden earrings. Naka high-knee boots din siya in the color of black.

Nang satisfied na siya sa pag-examine sa akin ay tumingin siya sa mukha ko at ngumisi.

"I knew it! You're scared of me,huh?"

Ngumiti ako sakanya,a playful smile,actually. Her smirk lessend a bit,and confusion were playing in her eyes.

Tumawa ako.

"Ah,yun ba ang naisip mong dahilan? Nakakatuwa naman kasi it's actually the opposite. Naawa lang ako sayo,eh. Baka kasi napadpad na ang mga germs sayo. Sayang naman,kailangan mo pa kasing mag-model para sa mga ginawa kong damit."

Nawala ang ngisi niya at inakmang sampalin ako pero nahawakan ko ang kamay na yun and forced her to drop it down.

Nang masiguro kong hindi na stiff ang kamay niya ay binitawan ko na ito at naglakad pabalik sa office ko.

"I'm not done yet,Kim Yungni. I'll be back,mark my words. Itong nangyari na 'to? Palamuti palang 'to. I'll let you win for today. Magiging akin rin ang huling halakhak."




#SBBtches


S-NIE's Basher | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon