WATTPAD

1 1 0
                                    

Isang Lugar kung saan natatakasan ang reyalidad,
Lugar kung saan maipapakita mo ang iyong abilidad,
Lugar na kung saan walang  pinipiling edad,
Gamit ang pagsulat damdamin ay masasaad.

Aking ikekwento karanasan ko sa mundong ito,
Tula,nobela,at mga kwento ang nabasa ko Dito,
Iba't ibang mensahe at aral ang makukuha mo,
Kaya't aking sisimulan ko na ang tula ito.

Nagustohan dahil sa nabasang libro,
Hindi makakamtan dahil hindi totoo,
"Fictional character" na iniibig ko,
Di man totoo pero sila'y pinapahalagahan ko,

Napaibig nila ko kahit hindi Sila totoo,
Sa reyalidad hindi Sila makakahalubilo,
Sa tunay na Mundo hindi Sila makakatagpo,
Pero sa imahinasyon ko kayo'y kasama ko.

Wag nyo kaming husgahan na mga adik sa libro,
Araw Gabi telepono at libro ang nasa harapan ko,
Alam nyo ba na Dito lang nalalabas ang tunay na ako,
Pagnasa reyalidad ito'y tinatago at kinikimkim ko.

Wattpad na kina kinakabaliwan at kaaliwan ko ,
Di sa pagmamayabang ang madami ang natutunan ko Dito,
Sa aspekto ng pagiging mabuting tao sa Mundo,
Pati sa pag-aaral may naiambat ito.

Maraming tao ang nakilala ko,
Mga tao na nais lang magpakatotoo,
Gamit ang panunulat na aking talento,
Isang kahangahangang kwento ang maboboo.

Atensyon ko'y nasa binabasang kwento sa telepono,
Isip naman ay nasa ibang bahagi ng Mundo,
Araw-araw hinihintay kasunod ng kwento,
Kakaibang kasiyahan ang dulot sa amin nito.

Sa bawat storya iba iba ang katangian ng Bida,
May hambog, nerdo, mahinhin at basagulira,
Sempre ang mga Knight in shining armor bilang kakaiba,
Mas bakla at malandi pa sa mga babaeng kapareho nila.


Iyakan ,kaligayahan at sakitan ang masasaksihan,
Wakas na kakaiba na di mo inaasahan ,
Minsan kwento ay trahedya ang kawakasan,
Magpapaiyak sa ito ng lubosan.

Hell university na susubukin ang iyong katatagan,
Possessive boy na iyong kababaliwan,
Taste of sky na iyong iyakan ,
He's into her na iyong kaadikan.


Hanggang doon nalang ang tulang ito,
Nabuo dahil sa karanasan ko Dito,
Gamit ang damdamin at talento ,
Naibahagi ko ang masaya ng karanasan ko dito.

-clarissangg^_^

TULA PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon